Natapos na ang klase namin sa aming unang subject na hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ng aming prof. Lutang na lutang ako. Para akong barko na nakalutang sa isang malawak na dagat.
Mahirap pero kailangan kong tanggapin na parang iniisip ni Jacob na baliw na baliw na ako sa kanya dahil nakita niya na nakanga nga ako. Pero ganito naman tayo minsan diba? Napapanganga dahil sa physical appearance ng ating taong gusto.
Natapos na ang klase ko ngayong umaga at lunch break na kaya hinanda ko na ang sarili ko na makita ang lalaki na nagpapatibok ng puso ko. Pero ngayon bakit parang nag iba ang ibig sabihin ng pagtibok ng puso ko? Napupuno na ng kahihiyan.
Habang lumalakad kami ni Mycah ay pakiramdam ko may nakasunod sa amin. Oh, pakiramdam ko lang? May mga pakiramdam kasi na minsan, hindi totoo.
"Dun tayo," sabay turo ni Mycah sa isang bakanteng pwesto sa aming caf. Pumunta kami doon at umupo. Bumili muna si Mycah ng pagkain habang ako naka upo lang dito. Magbabasa nalang muna ako ng libro para hindi awkward tingnan.
Habang nakayuko ako ay napansin ko na may umupo sa harap ko. Tiningnan ko ito at nakita ko ang isang lalaki na nakangiti sa akin. Ngayon ko lang siya nakita. Gwapo siya. Di ko kailangan itangi yan dahil makikita mo ito.
"Hi. Pwede maki-upo dito? Wala na kasing ibang bakante eh,"
"Uh, sure," sabi ko at nagbasa ulit ng libro. Ang awkward diba? Di mi kilala tapos nakikiupo sayo?
"Thankyou," sabi niya at kumain na.
Nung dumating na si Mycah ay tumayo kaagad ako at bumili ng pagkain. Ang gutom kasi. Nakita ko sa mata ni Mycah ang pagkalito dahil may nakita siyang lalaki na pareho kami ng table pero hindi naming kilala. Weird yun diba.
Tapos na akong bumili ng mga pagkain para sa nagugutom ko na kaluluwa. Umupo ako at parang mas nalito ang mukha ko ngayon kaysa sa mukha ni Mycah kanina. Nagtatawanan kasi si Mycah at yung lalaki na hindi namin kilala.
Kumain agad ako at hindi na pinansin ang kanilang tawanan.
"Ah si Jessica pala, bestfriend ko. Meet Kiley," sabi ni Mycah. Tumingin ako kay Kiley at ngumiti lang. Si Kiley yung tipo ng lalaki na parang walang problema, parating tumatawa.
"Di pa nga ako gumagawa ng move sayo, Jess. Busted na ako," at nag akto pa talaga siya ng parang nasasaktan ah.
Tumawa sila ng malakas at ako parang nailuwa ko ang aking ininom.
"Ano?" tanong ko kay Kiley na nagtataka.
"Wala, wala," sabi ni Kiley at nagtiningan sila ni Mycah. Kilala ko si Mycah. Alam ko na may binabalak yan. Tama nga ang hinala ko, tumayo siya.
"Punta muna ako cr. Laters, Jess!" sabi ni Mycah na tumatakbo at kumaway pa talaga siya sa akin.
"Uhhm, ako nga pala si Kiley," naglahad pa talaga sya ng kamay niya ah.
"Oo nga, sinabi ni Mycah kanina," sabi ko at inirapan siya. Hindi ko siya feel eh. Alam niyo yung pakiramdam na gusto mo siyang iwasan dahil pakiramdam mo guguluhin niya ang buhay mo? Yun ito eh. Ayaw ko maging attached sa mga taong alam ko na mawawala lang din sa buhay ko.
"Sungit. Turn on," tumatango-tango pa talaga siya ah.
"Tapos ka ng kumain ah? Alis ka na," sabi ko at kinuha ang isang juice.
"Gusto kitang makilala,"
"Ako nga si Jessica diba? Duh,"
"Pangalan lang yun. Kwento ang gusto ko. Kwento,"
"Di tayo close tapos inexpect mo na kwentuhan kita? Wow. Fc," Di ko na naiwasan. Naging masungit na ako. Pero kasi, may pakiramdam ako eh. Masamang pakiramdam.
"Alright. Chill. Sorry,"
"Okay lang," sabi ko at kinain yung mga natitira kong pagkain. Ang awkward tinitingnang niya ako habang kumain.
"Ako kayang nagustuhan nun, dito," pabulong na sabi ni Kiley. Di ko naintindan dahil mahina at parang hindi naman ako ang kinakausap niya.
"Tapos na ako. Sge, alis na ako," sabi ko at tumayo. Tapos na din naman ako kaya wala ng rason para mag stambay.
Tumayo din si Kiley at sinabayan ako ng lakad. Weird nito.
"Pwede manghingi ng number?"
"1,"
Tumawa siya ng malakas. OA nito. "No, cellphone number mo,"
Ibibigay ko sakanya number ko? Pero diba ang rude kung hindi ko iibigay? Tapos wow ganda ko ah pag di ko pa binigay.
"Akin na phone mo," nakita na parang kuminang ang mata niya. Parang nanalo sa lotto. Binigay niya ang phone niya at tinype ko ang number ko para iwan na din niya ako.
"Oh eto," bigay ko sakanya. "Alis na ako, bye." Sabi ko at di na inintay ang sagot niya. Baka sumama na naman.
Pinuntahan ko si Mycah at umuwi na kami. Nung tinanong ko siya tungkol kay Kiley, di siya sumagot. Hmm
Pag dating ko sa bahay, humiga muna ako sa kama bago magbihis. Ang raming nangyari sa 1st day ng college ko.
beep beep
1 new message
Goodevening, Jess. It's me. Kiley. :)
Naramdaman niyo na ba ang pakiramdam na parang masisira ang buhay mo pero hinayaan mo nalang kasi yun ang makapagsasaya sayo? Ang weird diba?
At yung pakiramdam din na yung lalaking nagpapatibok ng puso mo ay minsan nawala sa isip mo dahil lang sa lalaking bago mo nakilala? Weird.
————
Sorry sa typo. Di ko na check :) I'll update twice or maybe thrice a day.
BINABASA MO ANG
Loving
Teen FictionSusugal ka ba sa pagmamahal? Kahit na alam mong ikaw lang din ang masasaktan?