Umupo na si Jacob sa harap ko at inilapag niya ang kanyang mga binili. Masayang masaya ang mukha ni Jacob ngunit ako ay nababagabag dahil sa nakita ko. Napansin ko sa peripheral vision ko na umupo sila Kiley sa katabi naming na table. Silang dalawa lang nung babae. Mukhang masaya na masaya pa nga sila eh. Napansin ko na tiningnan ako ni Kiley pero hindi ako lumingon sa kaya. Tumitingin lang ako sa mga pagkain ni Jacob. Bakit ang dami nito? Matakaw pala si Jacob?
May inilapag si Jacob sa harap ko mismo. "Para sayo, Jess." Ah. Para pala sa akin.
"Thanks, Jacob." Ngumiti din ako pabalik. Kumain nalang ako para hindi ako masyadong maapektuhan sa mga tawa na naririnig ko sa kabilang lamesa.
Habang kumakain kami, napansin ko na may umupo sa tabi ni Jacob... Si Kuya Jarvis pala. So bali kaharap ni Mycah si Kuya ngayon kasi katabi ko si Mycah. Tumingin ako sa mukha ni Mycah at nakita kong namumula ang tenga niya. Tenga kasi ang namumula sa kanya pag kinikilig siya, hindi mukha niya.
Nag bro fist naman si Jacob at Kuya kaya inirapan ko nalang si Kuya. Ngumiti si Kuya kay Mycah, "Sup, cah. Long time no see," ngiti na sabi ni Kuya. Alam din kasi ni Kuya na may crush si Mycah sa kanya.
"Sana talaga hindi na tayo nagkita," matapang na sagot ni Mycah. Tumawa ako at si Kuya. Apektado parin talaga si Mycah kay Kuya eh. Si Jacob naman ay may ka-text.
Lumingon ako sa kabilang lamesa at nakita ko na nakatingin na pala si Kiley sa akin kaya umiwas ako ng tingin at tumingin ako kay Kuya. Nag-uusap parin pala sila ni Mycah.
Tumayo si Jacob at nagpa-alam na mauuna na siya kasi may pupuntahan siya. Nag-uusap lang sila Mycah at Kuya. Inaasar ni Kuya si Mycah. Nasa kabila padin pala na lamesa sila Kiley.
"So? Kung may crush ako sayo? Gwapo ka na nun?!" narinig kong sabi ni Mycah. Natawa kami ni Kuya. Alam ko naman na di to magpapatalo si Kuya eh.
"Oo. Kaya nga may crush ka sa akin eh, kasi gwapo ako? Diba?" pang-aasar ni Kuya. Natawa nalang ako dahil halata na kinikilig si Mycah dahil namumula na naman nag tenga niya. Bigyan ko kaya sila ng moment nila? Hmmm. Tumayo ako kaya tumigil silang dalawa sa pag-uusap at nagtakang tumingin sa akin. Tumawa nalang ako ng mahina.
"Una na ako guys. May pupuntahan muna ako," Bago pa sila maka-react ay tumakbo na ako. 2 oras ang free time ko eh kaya matutulog nalang siguro muna ako... sa library.
Habang naglalakad ako papunta sa library ay hindi mo maiwasang maisip si Kiley. Bakit naging ganun siya bigla sa akin? Akala ko ba para sa akin ang rosas na yun? Ang hirap intindihin ng mga lalaki minsan. Yung magpaparamdam siya sayo na gusto ka niya tapos, mawawala lang bigla? Bakit ganun talaga ang mga lalaki?
Nandito na ako sa library ngayon. Buti nalang may space sa likod banda para hindi halata na matutulog ako. Marami din namang studyante dito, kaya for sure hindi ako mahahalata nito.
Nagising ako sa isang maingay na bangayan sa may likod ng shelf. Nagulat ako nung narinig ko ang pangalan ko.
"Minahal mo ba talaga si Jessica, Jacob? Ha?" sumilip ako sa shelf ng mga libro at nakita kong nandun si Jacob at Kiley. Nag-uusap. Hindi nila ako nakikita dahil may shelf na nakaharang.
Nakita kong nagdadalawang isip si Jacob sa isasagot niya. Si Kiley naman ay parang gusto ng manapak ng tao.
"Sagutin mo ako Jacob. Mahal mo na ba siya?" nagmamakaawang tanong ni Kiley. Nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan na siya.
"Kung sasabihin ko na oo, pakakawalan mo na ba siya?"
Ano ang ibig sabihin nila? Hindi ko maintindihan.
"Hindi. Dahil lalaban ako hanggang sa maging akin siya," nakita ko na nag igting ang panga ni Jacob.
"May the best man win," sabi ni Jacob ngunit ikinabiak ng puso ko ang sunod na mga sinabi ni Kiley.
"Kalimutan natin na naging deal lang lahat. Na kaya ko siya kinaibigan para malaman ko kung sino ang gusto niya. At plinano natin lahat pati ang panliligaw mo, pati mga tweets natin, pati ang paglayo ko, at yung suntukan natin. Dahil tayong dalawa ay natalo sating sariling laro,"
Hindi ko na narinig ang sunod na sinabi ni Jacob dahil inayos ko na ang gamit ko at lumabas na ako sa library.
—-
Again. 25 chaps or more lang po ito :) Tatapusin ko ito ngayong summer.
So, what do you think guys? :)
BINABASA MO ANG
Loving
Teen FictionSusugal ka ba sa pagmamahal? Kahit na alam mong ikaw lang din ang masasaktan?