Umakyat ako papunta sa kwarto ko kahit na tinawag ako ni Mama. Hindi ko napansin si Mama kasi baka makita niya ang mata ko na umiyak. Pagdating ko sa kwarto ko, agad akong humiga sa bed at kumuha ng unan tapos tinakpan ko ng unan ang mukha ko. Ganito kasi ako pag ayokong malaman nila mama na umiiyak ako.
Narinig ko na kumatok si mama pero hindi ko nalang pinansin. Siguro maiintindihan ni mama na may pinagdadaan ako. Ilang segundo, tumigil din si mama sa pagtuktok kaya napanatag din ang loob ko.
Kung iisipin niyo, OA ang reaction ko. Pero hindi niyo alam kung ano ang nararamdaman pag na ipit ka sa dalawang taong naging mahalaga din sa iyo. Kung kaninong kasiyahan ang ibibigay mo. Kung sino ang sasaktan mo. Ang pinangarap ko lang naman ay ang mapansin ng nag-iisa kong crush simula highschool na si Jacob. Pero bakit naging ganito ka complikado ang lahat?
Saan ako susugal? Sa lalaking sigurado ako na mahal ako, dahil pinapakita niya? Oh sa lalaking mahal ko, pero hindi ako sigurado na mahal din niya ako? Parang kanta lang to ni KZ eh. Mahal ko o Mahal Ako?
Pinagpaliban ko muna ang pag-iisip. Natulog muna ako kahit na hindi ako nakabihis at hindi kumain.
Kinabukasan, naramdaman ko ang pamamaga ng aking mata. Pero may pasok ako ngayon eh tapos may quiz din kami sa major subj ko. Kahit na labag sa kalooban ko, tumayo ako tapos naligo.
Bumaba ako pagkatapos kong ma ready ang sarili at ang mga gamit ko. Nandito pala si Mama, pero si Papa wala. Nasa Japan ata para sa isang meeting. Umupo ako sa harap ni Mama para kumain. Si Kuya Jarvis naman ay ewan. Nawala eh kahapon pa. May pinuntahan siguro.
Nakayuko lang ako habang kumakain para hindi mapansin ni Mama. Pero sabi nga nila, malalaman ng mga magulang mo pag may tinatago ka.
"Anak? Okay ka lang?" tanong ni Mama. Halata na nag-aalala siya.
"Opo, Ma." pagsisinungaling ko.
"Halata naman na hindi eh. Pero alam kong hindi ka pang ready isabi. Okay lang," ngumiti naman si Mama na nagpagaan sa loob ko. Ngumiti din ako pabalik kay Mama.
Kahit na sinasabi nila na strikto sila sakin pagdating sa lalaki, alam ko na may ideya na sila na lalaki ang nagpapaganito sa akin ngayon. Eto ang gusto ko sa mga magulang ko eh, alam nila ang kanilang limitasyon.
Nagpa-alam na ako kay Mama dahil baka malate ako. Sumakay nalang ako ng taxi dahil ayaw kong mag jeep ngayon. Masikip kasi.
Pagdating ko sa skwelahan, dumiritso na agad ako sa classroom.. And wrong move, nandun si Jacob. Dun pa talaga siya naka-upo sa silya ko. Nung nakita ako ni Jacob ay ngumiti siya sa akin at kumaway. Kumaway din ako tapos lumapit sa kanya. Kasi nandun ang upuan ko.
"Goodmorning, Jess." maligayang bati sa akin ni Jacob.
"Goodmorning din," umupo na ako sa upuan ko dahil umalis din naman si Jacob nung malapit na ako dun.
Tumabi muna sa akin si Jacob dahil wala pa ang prof namin. Wala pa din si Mycah. Nasasanay na umabsent tong si Mycah ah.
"Jess. Bakit namaga mata mo?" nag-aalalang tanong ni Jacob. Halata talaga siguro ang pagkamaga nito.
Ano ba sasabihin ko? "Ahhh, na-nanuod ako ng koreanovela eh. Nakaiyak ako! Nakakaiyak nga." Buti nalang na kumbinsi ko si Jacob dahil di na sya nag open sa topic na yun.
"Ahh. Free ka this sat, Jess?"
"Oo. Kung walang importanteng gagawin,"
"Ah sige," nakita ko naman na sumaya si Jacob. Weird niya.
Dumating na si Mycah at halatang tumakbo pa talaga siya dahil hingal na hingal.
"Jess," mahinang sabi ni Mycah. Hingal na hingal pa din kasi siya eh.
"Bakit, Cah? Parang nakakita ka ng multo ah?"
"Oo! Multo talaga!"
"Ha si—"
"Goodmorning, class!" dumating ang prof.... wait what? Kuya Jarvis?
Nakita ko naman na kuminang ang mga mata ng mga babae kong kaklase. Parang nakakita sila ng artistang hindi sumikat.
"Siya. Siya ang multo," sabi ni Mycah sabay upo. Pina-upo kasi kami ng "prof" namin. Kaya pala ganun naging reaksyon ni Mycah. Kuya ko pala nakita niya.
Nakita ko na parang may hinahanap si kuya sa room, nung naabot ang tingin niya sa akin, nag wink siya. Inirapan ko nalang.
"Sa akin sya nag wink! Ohmygash!"
"Gaga! Sa akin!"
Narinig ko ang usapan ng mga kaklase ko sa harap ko. Kahit na medyo matanda na si kuya may hatak parin talaga sa mga babae.
"So, ur prof isn't around. Answer this. I'll be watching all of you," sabi niya sabay upo at distribute sa hand-outs.
"Dito ka nalang forever sir!! Sana di na bumalik yung prof namin!" Sigaw ng bakla naming kaklase.
Nakita ko sa mga mata ni Kuya na parang gusto niya ang mga sinasabi ng mga kaklase ko.
Kinalabit ako ni Jacob at may sinabi sya sa akin.
"Kuya mo oh. Kanina pa tingin ng tingin sayo." Palihim na sabi ni Jacob tapos nagsulat agad sya sa aming sasagutan.
Oo nga. Itong kuya ko talaga oh.
Break na namin kaya pupunta na kami sa caf. Ugh. Maalala ko na naman ang surprise ni Jacob at ang rosas ni Kiley. Speaking of Kiley..
"Cah, saan si Kiley?" tanong ko kay Mycah. Sabay din namin si Jacob ngayon. Mukhang may pinag-uusapan sila.
"Ewan," sabi ni Mycah tapos umupo kami sa bakanteng pwesto sa caf.
Bumili ng pagkain si Jacob kaya naiwan muna kami ni Mycah.
"Jess! Bakit hindi mo sinabi sa akin na bumalik na kuya mo?" emote na sabi ni Mycah. Long time crush kasi niya si Kuya simula hs pa.
"Nakalimutan ko. Sorry, Cah." ewan ko kung ano ang nangyayari sa akin ngayon.
"Sasagutin ko na sana ang manliligaw ko pero nakita ko na naman mukha niya kaya ayun!" nahihirapan na sabi ni Mycah. Matagal tong mag move on eh.
"Kalimutan mo na sya," sabi ko.
May sinasabi si Mycah pero hindi ko naintindihan dahil may nakita akong nagpa-biak sa puso ko.
Si Kiley... pumapasok sa caf kasama ang isang babae. Parang new student.
Tumingin ako sa kanya tapos nakita kong nakatingin din sya sa akin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tumingin ako sa paparating na si Jacob na may dalang pagkain.
---
What do you think guys? :)
BINABASA MO ANG
Loving
Teen FictionSusugal ka ba sa pagmamahal? Kahit na alam mong ikaw lang din ang masasaktan?