Pagkatapos naming mag shopping ni Mycah ay umuwi na agad kami. Susunduin niya daw ako mamaya para makapunta sa pinaka sikat na bar dito sa syudad.
Pumunta ako sa kwarto ko saka humiga sa bed ko. Nag buntong hininga ako dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari mamayang gabi. Balita ko din ay pupunta daw si Jacob. Ready na ba akong magpakita sa dalawang lalaking nagpabago sa buhay ko? Simula pa lang nang byahe namin ay naisipan ko na ito.
Hindi na ako magpapakaduwag. Makikita ko din naman sila, edi ngayon nalang. Pareho lang din naman ang madadama ko kung ngayon o hindi ngayon ko sila makikita.
Habang humiga at tinitingnan ang kesame, ay narealize ko ang ginawa ko noon. Bakit ang duwag ko? Bakit hindi ko inalam ang kanilang side? Bakit? Nagsimula na namang bumaha ang mga what ifs sa isip ko. Paano kung hindi ako umalis? Ano na kaya ang buhay ko ngayon? Pero wala na eh. Nangyari na. Ganito talaga siguro pag nagmahal ka, hindi ko iniisip ang mga ginawa ko.
Napatayo ako ng biglang tumonog ang phone ko. Kinuha ko ang phone ko tska sinagot ang tawag ni Kuya Jarvis.
"Oh ano?" sabi ko dahil wala ako sa mood. Halata sa tono ko na hindi ako interesado sa pagtawag ng Kuya ko.
"Galit agad?" natatawang sabi niya. Narinig ko sa background ang mga tunog ng sasakyan kaya mukhang nag didrive ito.
"Ano ba kasi?" sabi ko sabay punta sa closet ko.
"Guess what," sabi niya sa tonong na-eexcite.
"Can you just spoil it? Bilisan mo magbibihis pa ako," narinig ko na tumawa si Jarvis dahil sa pagalit ko na tono.
"May nakita akong flyers kanina," Kinuha ko ang isang shorts ko. May nabili naman ako kanina pero di ko trip na suotin yun eh.
"I dont care, Kuya." mariing sabi ko Kuya. Anong pakialam ko sa flyers na nakita niya?
Tumawa ng malakas si Kuya. "May pakialam ka nito. That's for sure,"
"Ano ba kasi? Bilis," sabi ko ng naiinip. Nakuha ko na sa closet ang gusto kong damit kaya bumalik ako sa kama ko at umupo. Hawak parin ang phone ko na masa may tenga ko dahil hindi pa tapos ang tawag ni Jarvis.
"Sure ka hindi ka mag-rereact ah?" sabi niya. Alam ko na nag smirk na ang mukha niya ngayon. Halata naman sa tono.
"Yeah, sure. What is it, Kuya?" sabi ko na naiinip. Pa suspense ka, Kuya ah?
"Nakita ko lang naman sa flyers na may concert pala banda nila Jacob sa SMX next month? Akalain mo yun? Sumikat pala sila?" natatawa at sunod sunod na sabi ni Jarvis.
Natutulala ako sa sinabi ni Kuya. So sikat na pala sila Jacob? Tama ang hinala ko noon. Magaling din naman sila eh. Hindi ko akalain na maapektuhan parin ako sa simpleng balita ni Kuya. Dapat pala handa na ako dahol tatlong taon din naman akong walang balita sa kanila.
"Jess? Still there? Akala ko di ka maapektuhan?" natatawang sabi ni Kuya.
"No. Its just that.. Di ko lang inasahan," pasimpleng sabi ko kahit na naapektuhan naman talaga ako.
"Okay. Will end this call. Nasa venue na ako. Laters!" sabi ni Kuya sabay end sa call. May conference pala siya ngayon. Inimbitahan kasi siya sa PBA na maging player.
Bumalik na sa normal ang isip ko. Agad akong tumayo saka nagbihis. Shorts, floral crop top na medyo makita na ang puson ko at isang flats na sandal. Kinulot ko ang dulo ng aking mahabang buhok. Di naman formal ang party na ito.. I think so.
Narinig ko na ang busina sa labas at napagtantong si Mycah na iyon. Inilock ko ang bahay saka pumunta sa sasakyan niya. Fortuner. Oh well, mayaman kasi sila.
Pina-upo ako ni Mycah sa back seat katabi siya. May driver kasi sila kaya okay lang.
"Ganda! Bagay siguro sayo kahit panty lang!" sabi ni Mycah sa akin habang sinusuri ang suot ko.
"You look beautiful too," sabi ko dahil totoo naman. Naka messy bun ang buhok niya, sleveless top, shorts na maganda ang kulay dahil may pattern ito, at isang flats na sandal. Party kasi talaga doon kaya no need to be formal.
"Asus! Pero di ko talaga mapapantayan beauty mo!" sabi niya kaya tumawa nalang ako. She's exaggerating it.
"Malapit na tayo?" Tanong ko dahil hindi na ako masyadong memoryado ang bawat lugar saming syudad.
"Yep! Wag kang mahiya ah? For sure kilala ka nila. Pero ipapakilala kita sa kanila bilang kaibigan ko," sabi ni Mycah na ngumingiti. Tumango ako saka ngumiti nadin.
Nakita ko na nakarating kami sa isang lugar na halatang mamahalin. Sa building palang nito ay mapapansin mo na. Lumabas kami ni Mycah saka pumasok sa bar.
Pagpasok ko palang, nakakagaw pansin ang iba't-ibang kulay sa paligid. Malakas ang music tsaka maraming umiinom. May ilang sumasayaw sa dancefloor.
Nakita ko na nagbubulungan ang nakakita sa akin. Hindi ko nalang pinansin dahil hinihila ako ni Mycah. Papunta siguro kami sa pwesto ng mga kaibigan niya.
Habang lumalakad kami at hinihila ako ni Mycah ay may biglang humila sakin kaya napatigil kami ni Mycah.
Nakita ko ang dalawang babaeng mas bata sakin, ngumingiti.
"Ohmy! You're Jessica, right?" pagulat at pasigaw na sabi nong isa. Malakas kasi ang music kaya sumigaw siya.
Natawa ako dahil nag eenglish parin siya kahit na nakakaintindi naman ako ng tagalog.
"Hello. Yep. " sabi ko ng nakangiti. I need to maintain my image.
"AHHHH! Picture please?" sabay na sabi ng dalawa. Nakakagulat naman. Lakas kasi ng tili nila.
Nilingon ko si Mycah at nakita kong na umiling siya. May itunuro siya sa di masyadong malayong lugar ay mga kaibigan niya ata.
"Doon tayo. Picture muna kayo, sunod ka lang," sabi niya kaya tumango ako at sinundan siya ng tingin. Ngunit sa di malayong lugar, nakita ko ang mga mata na ilang taon ko ng di nkita. Matalim ang tingin niya sakin sabay inom sa beer na hawak niya. Kinagat ko ang labi ko saka tumingin sa dalawang batang gustong magpapicture.
Habang nagpipicture kami ay di ko maalis ang mga mata na tumititig sa akin ngayon. Ang mata na puno ng galit, irita, sakit.
Natapos ang picture kaya lumakad na ako papunta sa kanila. Papunta sa kanya. Hindi niya parin inaalis ang matatalim niyang tingin. Kung nakakamatay ang tingin, double dead na siguro ako ngayon.
Nung malapit na ako kay tumayo siya at nilagpasan ako. Tinawag siya ng katabi niya na babae kanina.
"Kiley! Saan ka?" tanong nung babae. Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko.
"CR," sabi niya sabay tingin saking sa huling beses. Inirapan niya ako saka naglakad patungo sa CR.
--
New cover!! Thanks to my bestfriend clumsykittycat :*
BINABASA MO ANG
Loving
Teen FictionSusugal ka ba sa pagmamahal? Kahit na alam mong ikaw lang din ang masasaktan?