Feeling~18

119 12 10
                                    

Umupo ako tabi ni Mycah habang tinitingnan ang papalayo na si Kiley. Nagkibit balikat nalang ako dahil alam kong masama ang ginawa ko at alam kong ako ang dapat sisihin dito. Yes, I've been immature. Padalus-dalus ang naging desisyon ko noon at pinagsisihan ko iyon. Pero may mga naging maganda epekto naman din ito. Dahil naging model ako. May mga bagay talaga na kailangan mong isakripisyo pero may kapalit naman ito na worth it din.


Lumingon ako kay Mycah at nakita kong parang nagtataka ang mukha niya dahil sa inasal ni Kiley. Tumingin si Mycah sakin saka parang naguluhan.


"Weird. Masayahin naman yun ah," nagkibit balikat siya saka nag iwas ng tingin sakin sabay kuha ng isang wine na nasa lamesa. Napa-isip naman ako sa sinabi ni Mycah. Masayahin si Kiley nung wala ako? Mukhang hindi pala siya naapektuhan. Sino naman ako para maapektuhan siya diba? Isang hamak na kaibigan lang naman ako na iniwan sila ng walang sinabi.


Uminom ako ng wine para maiwasan ang mga iniisip ko. Nakita ko naman na parang nagulat ang mga kasama namin sa table. Wala akong kakilala dito. Si Mycah at si Kiley... lang ang kilala ko dito. Napa ahem naman si Mycah dahil alam niya na parang walang ideya ang mga kasama namin dito kung sino ako. Halata na may class sila dahil sa mga galaw nila.


"So, guys, this is Jessica. Bestfriend ko." tumango sila tsaka may sumipol na isang lalaki na may-kaakbay na babae habang ngumingiti. I think i saw them sa isang billboard kanina.


"Jessica? The model? Akala ko nasa US ka?" sabi nung lalaki habang ngumingiti sa akin. May itsura din ang isang to. Halatang model. Di pala basta basta mga kaibigan nila Mycah.


Awkward ako na ngumiti sa kanila. Lahat sila nakatingin sakin. "Yeah. Kakauwi ko lang," sabi ko kaya tumango sila.


"Oh. So magkikita pala tayo? For good ka na ba dito?" sabi niya sabay kalas sa kaakbay niya na babae sabay kuha ng beer na nasa lamesa.


"I think so. Maghahanap ako ng pwedeng pag modelan dito," sabi ko sabay tingin kay Mycah na may kausap na lalaki na katabi niya.


"Di yan mahirap. Sikat ka din naman eh," sabi niya. Nakita ko na tumingin si Mycah samin saka nag-taas ng kilay. Binaba din naman agad niya ito.


"Jessica. This is Brydon. Model yan," sabi niya tapos tumango nalang ako. "Yang katabi niya si Madison," dagdag ni Mycah kaya tumango nalang ako. Pinakilala din ako ni Mycah sa kanila, isa-isa. Hindi ko na din na memorize ang pangalan ng iba. Basta ang alam ko bigatin ang mga 'to. Paano kaya sila naging kaibigan kay Mycah? Naaala ko noon na ako si Kiley, at Jacob lang ang kaibigan ni Mycah pero ngayon marami na. Marami palang nangyari. Of course.


Lumalalim na ang gabi at mas lumalakas na ang music at mas maingay na ang mga sigaw ng mga tao. Tipsy nadin sila pero ako hindi masyadong uminom dahil alam ko na madali lang akong malasing.


Saan na kaya si Kiley? Di na siya bumalik ah? Akala ko mag c-cr lang siya? Ganyan lang siguro ang buhay, may mga taong hindi na babalik kahit na sinabi nilang babalik pa sila.


Nagyaya nadin sila Mycah na sumayaw sa dancefloor pero inayawan ko. I dont dance. Kaya pumunta sila doon na wala ako, kami nalang ni Brydon ang naiwan dito. Tumayo siya saka umupo sa tabi ko. This is... awkward. Di kasi kami close.


"So, bakit ka bumalik dito sa pilipinas?" panimulang tanong niya sabay lagok ng beer niya.


"Nandito parin ang buhay ko sa pilipinas," sabi ko sabay iwas ng tingin. Parang may nararamdamam akong hindi magandang mangyayari. Weird.


"Oh? Eh sa US ka sumikat eh, paano pag lumaos ka dito?" hindi makapaniwalang tanong niya. Natatawa pa siya.


"Hindi ko hinahabol ang pagkasikat," iritadong sabi ko sabay layo ng konti sa kanya.


"Lahat ng tao gustong maging sikat," sabi niya sabay lapit sakin kaya medyo napaatras ako sa kinauupuan ko.


"Wag mo akong isali. Baka ikaw!" sabi ko. Nakakairita ang isang to. Lumapit siya sakin sabay hawak sa baba ko. Kinalas ko ito ngunit malakas siya. Walang nakakapansin sa amin dito dahil abala ang lahat sa pagsasayaw.


"Pakipot ka pa," sabi niya. Nakakadiri! Kakalasin ko pa sana ang kamay nya ng makita kong may-kumalas nito sabay kwelyuhan si Brydon. Nakita ko naman na parang nagulat si Brydon kaya natawa siya saka tinaas ang kamay niya para nagpapahiwatig na suko siya. Binitiwan naman ng isang lalaking naka-igting ang panga, si Brydon. Tumawa si Brydon saka tumingin sakin tsaka kay Kiley na parang papatay ng tao sa kanyang mga tingin. Umalis si Brydon ng hindi man lang nag-papaalam.


Tumingin sakin si Kiley saka umiling, tapos naglakad palayo. Tumayo ako tapos sinundan si Kiley. Kahit na nagkipagsiksikan ako, pinatuloy ko parin para maabutan si Kiley.


"Excuse me. Excuse," sabi ko sa mga taong nadaan ko.


"Kiley!" sigaw ko ngunit parang wala siyang narinig or nagbibingi-bingi lang siya. Ganyan naman tayo diba, kahit na alam natin na yun ang nangyayari, iniiwasan parin natin.


Nung naabutan ko na siya ay kinuha ko ang braso siya para humarap siya sa akin. Nasa labas na pala kami ng bar, hindi ko napansin.


Magkaharap na kami ng lalaking nagpatibok sa puso ko noon.. hanggang ngayon. Tumingin ako sa mga mata niya, mga matang gusto ko na ako lang ang nakikita.


Nag igting agad ang panga niya tapos tatalikod na sana pero hinarap ko agad siya tapos yinakap. Damn, I'm willing to fight just to own this boy! Wala akong paki-alam sa mga taong nakakakita sa amin. Ang pakiramdam ko ay kami lang dalawa ngayon ang nandito sa mundo.


Hindi siya yumakap pabalik ngunit hindi niya din ito kinalas. Kinalas ko na ang pagkakayakap ko sakanya tsaka tingin sa kanya.


Walang emosyon pinapakita sa mukha niya ngayon. Tiningnan ko ang mga matang pinpahiwatig na emosyon. Bakit?


"Kiley! I miss you!" maligayang sabi ko para ma iwasan ang tensyon na namamagitan sa amin.


Tumango siya saka pinasok ang kamay sa bulsa niya. Tumalikod ulit para maglakad. Pagod na ako sa paghahabol sa kanya. Pero may parte parin sa akin na gustong habulin siya.



——


I'm back!! Hahaha naging busy lng. Sorry sa super late update. Babawi ako! :)


Sorry sa typo and errors if meron di ko naman na check. Hehe



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LovingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon