Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. I'm tired with this shits. Napapagod na akong maramdaman ang mga bagay na walang kwenta. Walang kwenta! Sinayang ko lang ang mga luha ko sa taong hindi deserving. Nasasaktan ako pero pipiliin kong hindi magpa-apekto. Napapagod na ako. Pagod na pagod na sa mga nangyayari.
I feel betrayed. Yung pakiramdam na inisahan ka ng mga taong naging mahalaga sayo. Nagtiwala ako sa kanila pero ito lang pala ang nalaman ko. Ano ako? Laruan? Kahit na hindi ko alam ang rason sa deal nila ay nasasaktan parin ako. Naging mahalaga kasi sila sa akin. Nasasaktan ako pero hindi ko ipapa-alam sa kanila na nalaman ko.
Hihintayin ko na sila mismo ang mag-sabi sa akin...
Hindi ko napansin na may tumulong luha na pala. Pumunta muna ako sa cr para ayusin ang mukha ko. I look like a mess right now. Parang gusto kong kumanta ng Im a mess ni Ed Sheeran.
Pagpasok ko sa cr napalingon si Mycah sakin. Tumigil siya sa pag-susuklay sa buhok niya at pumunta sa akin.
"Jess! Bakit ganyan mukha mo? Umiyak ka ba?" nag-aalalang tanong niya sakin. Pumunta ako sa may salamin para tingnan ang mukha ko. Hindi naman halata na umiyak ako kaya pwede pa akong magsinungaling.
"Ha? Hindi naman ah?" guilty ako dahil bestfriend ko sya ngunit may mga bagay talaga na ayaw mong sabihin kahit nino. Kahit sa bestfriend mo pa.
"Weh?" sinuri niya ang mukha ko at tumawa nalang ako. Tumawa din sya pero nakikita ko sa mga mata niya na nag-aalala siya. Sorry, Cah.
Hinila ko palayo si Mycah sa CR dahil baka ma late kami sa susunod na subject. Same kasi kami ng sched and course. Para nadin maiwasan niyang magtanong, hindi naman din halata sa mukha ko ng umiyak ako.
Pumasok kami sa room namin at nagulat ako nung nakita ko si Kiley... wait classmate kami sa subject na ito?
"Ki!" sigaw ni Mycah na ngumingiti. Binitawan ko si Mycah dahil alam kong kakausapin niya si Kiley. Ngumiti si Kiley samin at kumaway. Wow. Ang... Kapal!
Nilagpasan ko si Kiley at umupo sa pinaka-likod na bakante na upuan. Pag-upo ko kumuha agad ako ng libro at nagbasa. Nakita ko sa peripheral vision ko na nag-uusap sila Mycah at parang nagtataka sila bakit ganun ang inasta ko. Hindi ko nalang pinansin.
Buti nalang dumating ang prof para maiwasan na ang pag-uusap nila. Tumabi si Mycah sakin at umupo na din.
"Psst," tawag ni Mycah sakin.
Lumingon ako sa kanya. "Hmmm?"
"Anong nangyari kanina ba't ganun ka?" pabulong na tanong ni Mycah dahil nag umpisa na ang prof namin na mag-leksyon.
Tumingin ako sa harap nung narinig ko yun, "Wala lang ako sa mood," sabi ko ng pabulong at nagsimula ng nag sulat. Hindi nagsalita si Mycah ngunit halata na hindi siya kumibinsido sa sagot ko pero hindi na sya nagtanong baka mapagalitan kami.
Natapos na ang dalawang subject namin at tahimik lang ako. Naririnig lang ako sa prof. Okay nadin eto, para maiwasan ko ang pag-iisip.
Lumabas na kami ni Mycah dahil wala nadin kaming klase. Habang naglalakad kami ni Mycah palabas ng gate ay kwento ng kwento lang sya tungkol sa kanila ni Kuya Jarvis. Tumango-tango lang ako sa mga kwento niya. Kinikilig siya kahit na may nangliligaw sa kanya. Ganyan yan siguro, may mga crush tayo na mahirap ng mawala satin kahit na matagal na natin itong hindi nakita.
Nung nasa gate kami ay nagulat kami nung may nag park na sasakyan sa harap namin. Pamilyar na sasakyan. May lumabas na lalaki at nakita ko ang naka-ngiting mukha ni Kiley samin. Inirapan ko lang siya. Lumapit siya papunta samin.
"Yo, Ki!" bati ni Mycah sa masayang tono.
"Uyy. Saan kayo?" tanong ni Kiley samin habang naka-pamulsa sa kanyang pants. Suot niya ngayon ay isang itim na polo shirt, black pants, at isang simpleng vans lang... Why is he so damn attractive? Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko gusto ang kung ano man ang nararamdaman ko sa tiyan ko ngayon.
"Pauwi na. Ikaw?" sagot ni Mycah habang ako ay tumitingin lang sa paligid para maiwasan ang tumingin sa gwapong nilalang na nasa harap ko ngayon.
"Papunta ako sa mall. Sama kayo?" masayang sabi ni Kiley habang tumitingin sakin. Nakikita ko sa peripheral vision ko.
"Ayyy. May lakad kami ng kapatid ko eh. Ikaw nalang, Jess!" sabi ni Mycah kaya lumingon ako kanila at umiling. Kahit na gusto kong sumama ay may parte parin sa akin na ayaw.
"Busy ako." sabi ko kaya tumaas ang kilay ni Kiley. Damn, stop doing that thing!
"Kailan mo pa akong tinanggihan?" sabi niya. Nakita ko sa mga mata niya ang paghihirap.
"Obviously, ngayon," sabi ko sabay irap. Too mean but damn mas masakit pa ang nalaman ko kaysa sa pagka-mean ko sakanya!
Nagulat silang dalawa sa sinabi ko. May nakita akong jeep kaya sasakay na ako. Susunduin din naman si Mycah ng driver nila ngayon.
"Una nako. Bye," sabi ko sa kanila at sumakay na sa jeep. May sasabihin pa sana si Kiley ngunit hindi ko na pinansin. Nakita ko sa malayo ang mga gulat at nagtatakang mukha nila habang nag-uusap silang dalawa. Umiwas na ako ng tingin.
Ba't pakiramdam ko nagbabago na ako? Ugh.
BINABASA MO ANG
Loving
Teen FictionSusugal ka ba sa pagmamahal? Kahit na alam mong ikaw lang din ang masasaktan?