Feeling~11

142 21 15
                                    

Pumasok ako sa caf kahit na labag sa kalooban ko. Siguro nadala ako sa mga sinasabi ng schoolmate ko at ng bestfriend ko. Oo, kaya pala hindi pumasok si Mycah ay dahil tinulungan niya si Jacob. Akala kasi niya na crush ko pa si Jacob. Akala niya na baliw na baliw parin ako kay Jacob. Hindi niya alam na si Kiley na sa akin.


Ito ang mahirap eh. Yung hindi alam na kahit nino na may gusto ka sa isang tao. Kasi kapag nalaman, may mga bagay na magbabago. Mawawala ang pagkakaibigan namin ni Kiley pag nalaman niya.


Habang tinitingnan ko ang mga nakangiti na mga mukha ng mga tao sa caf ay na guilty ako. Parang sila din ay pinapaasa ko. Makikita kasi sa mga mata ng mga tao dun na masaya sila para sa akin. Na siguro iniisip nila na ang swerte ko dahil ma-effort si Jacob. Ma effort ang lalaking nanliligaw sa akin.


Makikita sa buong caf ang effort ni Jacob. Sa pagdala palang ng mga instrumento sa caf ay malaking effort na yun.


"How could a heart like yours

Ever love a heart like mine?

How could I live before?

How could I have been so blind?


You opened up my eyes

You opened up my eyes"


Habang kinakanta yun ni Jacob, nakatingin lang siya sakin gamit ang maliligaya niya na mga mata. Bakit nung huli kaming nagkita parang ang galit niya sa akin tapos ngayon, masaya na masaya na siya?

"Swerte mo besh. Ma-effort ang long time crush mo. Im so happy for you," Di ko napansin na katabi ko na pala si Mycah. Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Mahirap. Mahirap talaga.

"Mycah..."

"Bakit hindi mo sinabi agad besh? Kahit na. Masaya ako para sayo!" Nakikita ko sa mga mata ng bestfriend ko na masaya talaga siya para sa akin.

Ngumiti nalang ako "Sorry. Na busy lang eh."

"Alam ko na na overwhelm ka, okay lang,"


Natapos na pala ang kanta ni Jacob pero may sinabi siya na ikinagulat.


"Sorry for being childish. Kuya mo lang pala yun. Sabi nga niya alagaan daw kita," Nakita ko sa mga mata ni Jacob na oarang nahihiya siya pero masaya parin.


KUYAAAAA JARVIS. BAKIIIIT? Iniisip ko palang ang sigurado na ako na tumatawa na yung kuya ko sa mga pangyayari. Minsan kasi, sinabi niya na mas maganda pag may dinadaan para mas maging malakas daw. Pero kung alam lang ni Kuya kung ano ang pinagdadaan ko ngayon.


Lumapit siya sa akin gamit na naman ang mga mata na masaya. Ayoko nang tumingin sa mata niya! Dahil mas lalo akong naguguilty dahil dapat ngayon ibu-busted ko na sya pero nagdadalawang isip na naman ako.


Alam niya ba ang pakiramdam na ito? Na mahirap pumili, kung ang kasiyahan mo ba or ang kasiyahan ng mas nakakaraming tao? Tiningnan ko ang mga tao sa caf at halata na masaya sila para sa akin.

Nandito na sa harap ko ngayon si Jacob pero hindi na niya hawak ang mic. Siguro dahil na din sa privacy namin.


"Jess. I love you. Always. I'm just waiting for your answer," sabi niya at ibinigay sakin ang isang malaking bouquet na may mga bulaklak at mga Ferrero Rocher. Every girls dream.

"Thankyou, Jacob." sabi ko dahil hindi makapaniwala na gumasto siya ng ganito para lang sa panliligaw sa akin.


Ito na siguro ang pinaka mahirap na naranasan ko. Ano ang pipiliin ko? Ang masaktan ako or ang masaktan ang ibang tao? Magiging selfish ba ako para sa sariling kaligayahan?

"You're always welcome," abot tenga na ngiti ni Jacob.

Tumingin ako kay Mycah at nakita ko sa mukha niya na mas masaya pa ang mukha niya sa akin.


"Besh. Uwi na ako. Bye, Jess. Bye din, Jacob." sabay ni Mycah at kumaway na sa amin saka tumakbo papunta sa parking lot ng school.


"Uhm. Thankyou, Jacob ah. Sobra sobra na," sabi ko habang lumalakad kami ni Jacob papunta sa gate. Inayos nadin ng mga yaya ni Jacob ang mga gamit na nandun sa caf. Mayaman eh. Pinadala lang ang mga yaya.


"Wala yun. Para sayo, gagawin ko ang lahat," ngiti na sabi ni Jacob sabay tingin sa mga mata ko. Umiwas lang ako ng tingin.

"Thankyou. Sige, Jacob. Uwi na ako. May paparating na jeep na din naman eh,"

"Hatid na kita,"

Paano ba to. Ayaw kasi ni mama na may lalaking na iinvolve sa buhay ko. Strict sila.

"Wag na Jacob. Sobra na eh. Tapos baka makita nila Mama. Strict sila eh,"

"Ay ganon ba...." nakita ko ang pagkabigo sakanyang mga mata. Eto ang ayaw ko eh. Makita ang isang taong nabigo. Kasi naramdaman ko na ang nabigo. Masakit yun. Ito ang kahinaan ko, ang makita ang isang tao na nabibigo.

Pero nakita ko din na bumalik na sumaya ulit ang mukha ni Jacob. "Pero ipapakilala mo din naman ako sa kanila eh. Maghihintay nalang ako," may pag-asa sa mata ni Jacob. Mas lalong kumirot ang puso. Jacob ayokong masaktan ka...

"Sige, Jacob. Bye!" tumakbo ako dahil dumating na ang jeep.


Sumakay na ako ng jeep at kumaway na kay Jacob. Nasasaktan na akong isipin na masasaktan ko si Jacob pag inamin kong may iba akong gusto. Ano ang gagawin ko...

Naisip ko si Kiley at yung kanina.. ano yun?


To Kiley: Saan ka kanina?


Nag-text ako sa kanya para malaman kung ano yung rosas na dala niya. 1 minuto na ang nagdaan pero wala paring reply.


1 new message

Kinabahan ako habang inunlock ko ang phone ko.


From Kiley: School


To Kiley: Ah ok. Ano yung rosas na dala mo kanina? Para kanino yun?


Kailangan ko ng sagot. Kailangan.


1 new message

From Kiley: Kung sasabihin kong para sayo, ano ang mararamdaman mo?



Bakit, Kiley? Mas pinagugulo mo ang isip ko. Bumaba ako sa jeep habang tumutulo ang mga luha.



LovingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon