Nakagising ako sa weird na sigaw ng pangalan ko.
"My baby jessica!!!"
Oh no. Bakit napa-aga ang dating ng kuya ko? Akala ko next week pa? Oh no. This is so not happening.
Ang kuya ko kasi ay opposite ko talaga. 3 yrs lang ang gap namin at annoying yan. Masayahin kasi siya eh. Parating nakangiti. 2 yrs ko na din siyang hindi nakikita kaya namimiss ko din sya.
Tumayo ako at lumabas na para makita ang lalaking kahit parati akong ginugulo mahal ko parin.
"Baby Jessicca!" sabi niya sabay hug sakin. Miss ko din tong unggoy na to eh. Btw, baby talaga tawag niya sa akin.
"Na miss kita, kuya."
"Syempre. Sa gwapo ko to hindi mo ma miss?" Tumawa nalang ako. Nandito din pala ang parents ko. After years, completo na kami. Ang saya.
Sabado ngayon, kaya wala akong ibang gagawin kundi ang mag bonding kasama si kuya. Nag breakfast lang kami kasama sila tapos umalis na din agad parents ko. Busy eh.
Naka upo kami ngayon sa sala. Sa harap ng malaki naming tv. Minsan nga lang to ginagamit eh kasi hindi ako mahilig tumingin ng mga shows.
"Anong nangyayari sayo ngayon, baby?" tanong ni Kuya habang kumakain sa popcorn niya. Baby talaga ang tawag ni Kuya sa akin eh kaya sanay na ako. Close kami ni Kuya. Alam niya at alam ko ang lahat ng nangyayari sa mga buhay namin.
"Remember Jacob?" tanong ko tapos uminon agad ako ng juice.
"Ah yung crush mo?"
"Nanliligaw sya sa akin ngayon, ya."
Tumingin siya sa akin at nagulat tapoa pumalakpak pa.
"Good! Kailan mo sasagutin?" tanong niya tapos tingin ulit sa tv.
"Yun na nga eh. Di ko na sya gusto. May iba na akong gusto."
Napa-iling nalang kuya ko. "Mahirap yan,"
"Oo nga ya eh," kumain ako ng popcorn at tumingin sa movie na tinitingnan namin. Rio 2
"Btw, dahil dito muna ako sa Pinas, magtatrabaho ako. Sa school niyo,"
Napalunok ako. Bakit sa school namin?
"Ha? Ano trabaho mo dun? Janitor?"Di kasi yan teacher eh. Di ko nga alam kung bakit sa school siya mag-tatrabaho.
"Funny. Coach ng bball varsity. Sila nga kumuha sa akin eh. Gwapo kasi ako,"
Ah kaya pala. Magaling kasi sa bball kuya ko. At mahirap mang tanggapin pero oo, gwapo Kuya Jarvis ko.
4pm na at nakatapos na kami ng tatlong movie. Bored na nga ako eh.
"Baby, mall tayo?" Parang nahula ni Kuya ang iniisip ko.
"Sge ya, bihis muna tayo,"
Umakyat ako para magbihis. Nag shorts at simpleng T-shirt ang ako. Hindi naman dapat ganyan kabongga ang damit.
Bumaba ako at nakita kong naka ayos na din si Kuya. T shirt lang din pero malakas padin ang appeal niya.
"Tara, baby. Taxi nalang tayo. Di ko pa nakukuha ang sasakyan ko,"
"Okay. Let's go,"
Habang naglalaka kami dito ngayon sa mall ay halos lahat ng babae ay nakatingin sa amin. My main reason why I hate malling with my big brother. Halos lahat napapansin kagwapohan niya.
"Starbucks tayo, baby." Sabi niya at um-oo ako.
Pagdating namin sa sb naghanap ako ng mauupan at si kuya ang nag order. Alam naman niya kung ano ang gusto ko eh.
Umupo na ako at nag check sa twitter ko. Bukas pala dating nila Mycah. Miss ko na siya.
@riverajacob: Not a torpe anymore.
Hahaha. Nakakatawa naman si Jacob. Nag tweet nlng ako ng.
@jesicaaa: Sb with Jarvis.
Dumating na si Kuya at dala yung mga order niya.
"Eto na baby," sabay pwesto sa mga order pero para akong nakuryentahan sa lalaki na nakaupo sa katabi ng table namin. Si Jacob. Bakit hindi ko sya napansin kanina?
Umupo si kuya at tunayo si Jacob tapos pumunta siya sa akin.
"Kaya pala hindi ka nag rereply sa tweets ko. Paasa," sabi niya sabay walk-out. Wala siyang kasama eh.
Pero ano? Paasa? Last time I check, nangliligaw lang siya hindi boyfriend. Tumawa lang si Jarvis sa nakakunot ko na mukha.
BINABASA MO ANG
Loving
Teen FictionSusugal ka ba sa pagmamahal? Kahit na alam mong ikaw lang din ang masasaktan?