Nandito kami sa mall ni Kiley ngayon. Namimili ng dress para sa aming Freshmen Party. May ganyan kasi sa school namin eh, yung party para sa mga Freshemen. Ang pinaka mahirap sa mga party ay ang susuotin.
Wala si Mycah dahil at usual, may lakad na naman sila. Mayaman sila Mycah eh. Kaya kung natripan ng Papa niya na pumunta sa isang lugar, pupunta agad sila. Si Kiley din, mayaman, may companya sila. Mga hotel ang kanilang negosyo. Kami, maykaya lang. May business kami ng mga damit at marami na din kaming branch. Fashion Designer kasi mama ko.
"Ang daming maganda dito, Jess. Ang hirap pumili," Nandito kami sa isang shop namin sa mall. Pareho kami ng nadarama ni Kiley ngayon. Mahirap.
"Mamili ka lang, libre ko na," kuminang naman ang mga mata ni Kiley. Habang naglalakad ako sa kabilang banda ng shop, may isang dress na nakakuha ng attention ko. Red dress. Hmm, better.
Pumunta ako kay Kiley at ipinakita sa kanya ang dress, "How about this?" lumingon si Kiley at parang nagulat.
"Bakit?" natatawang sabi ko.
"You'll look hot in that dress, Jess. Ayaw kong masunog ang place. Kaya please, wag yan," Tumawa nalang ako at pumunta sa counter. Kahit na shop naming ito, nagbabayad parin ako gamit ang credit card.
"Eto sa akin!" may inilagay na longsleeve si Kiley. Good choice. Gwapo siya sa suot nayan for sure. Natapos na kaming mamili kaya kumain muna kami sa Burger King at nag-usap.
"Sunduin nalang kita bukas sa inyo," sabi ni Kiley habang umiinom ng coke niya.
"Sige, what time nga mag start?"
"7 pm. 6:30 dapat ready ka na,"
"Okay," tumahimik muna kami at kumain. Nagutom din kami sa pamimili ng dress eh.
Habang kumkain kami, na-isip ko ang about sa tweet ni Kiley noon. Yung "Letting Go". Ano kaya ang ibig sabihin non?
"Kiley,"
"Yep?"
"May itatanong ako,"
"Ano?" tumigil siya sa pagkain at lumingon sa akin. Lumunok nalang ako. Go, Jess.
"Ano ibig sabihin nung tweet mo na Letting Go? Curious ako eh," parang nagulat si Kiley sa tanong ko at bakit parang hindi siya mapakali?
"Ah ano yun, hmm letting go, ni-let go ko na ang ano ang tae ko! Yun tae ko!"
Napa-face palm nalang ako. Alam ko may tinatago siya pero hindi niya kayang sabihin kaya hindi ko muna siya kukulitin.
Pagkatapos naming kumain, umuwi na kami. Hinatid akio ni Kiley sa bahay. Pagdating sa bahay, hindi na ako kumain, busog na ako eh. Nakita ko si mama na nagcocompute sa mga sales siguro.
"Oh, anak, kain ka na," kahit na busy si mama, alam ko na ginagawa rin na iyon para sa amin. Ang papa ko nagtatrabaho bilang Vice Press sa isang kompanya. At ang kuya ko naman ay nag-aaral sa States. Ewan ko bakit gusto niya sa States. Speaking of kuya...
BINABASA MO ANG
Loving
Teen FictionSusugal ka ba sa pagmamahal? Kahit na alam mong ikaw lang din ang masasaktan?