3 years later.
Naglalakad lako sa mall ngayon mag-isa wearing a pink shorts, crop top and a sandals. Magkikita kami ni Mycah ngayon. Gash, I miss her!
Habang naglalakad ako ay alam ko na hindi nila maiwasang tumingin sa akin. Well yeah, nakita siguro nila ako sa isang magazine.
Napagdesisyonan ko na pumunta na lang sa Starbucks para maghintay kay Mycah. Nag-order nalang ako ng frappe saka umupo.
Its been three years and yes, things changed. Hindi ko maitanggi sa sarili ko na nagbago ako, personally. Pagdating ko sa US noon, hindi na ako nag MassCom. Nagsimula akong mag-modeling doon. Adjusting there was a tough start for me. Mahirap mag hanap ng mga pwede kong ekstrahan sa pagmomodeling. Kung ano man ang meron ako ngayon, dahil yan sa paghihirap ko. My first year there was hell for me. Mahirap. Pero hindi ako nag complain dahil desisyon ko naman yun. Dumaan ako sa maraming training, work outs, diet at iba iba pa para ma iba ang porma ng katawan ko.
Nakita ko na trending ako sa twitter. Alam nila na nandito ako sa pilipinas ngayon. Kung noon, wala lang paki-alam ang mga tao sa mga tweets ko, ngayon naman ay maingat ako dahil issue na naman iyan.
May pumasok na pamilyar na babae, mas mahaba na ang buhok niya ngayon. She's wearing a sleeveless top, jeans, and a simple sandal. Nakita niya ako kaya lumaki agad ang mata niya saka tumakbo papunta sa akin. Tumayo ako saka sinalubong si Mycah ng isang mahigpit na yakap.
"I miss you, girl!" sabi ni Mycah.
"I miss you too," sabi ko saka kumalas na sa yakap niya. Pinag-titinginan na kasi kami.
Umupo kami dalawa kahit na wala pang order si Mycah.
"Kailan ka lang umuwi?" panimulang tanong niya. Noong nasa US pa ako, nag s-skype din kami ni Mycah ngunit noong sa pangatlong taon ko na doon.
"Last night," sabi ko sabay inom ng aking frappe.
Tinutukan ako ni Mycah gamit ang kanyang magagandang mata. This girl is really attractive.
"Dami nagbago, Jess." sabi niya kaya natawa nalang ako.
"Its the same me naman," Damn, I should stop speaking english. Nasa pilipinas na ako, wala na sa US.
"No. Hindi eh. Iba na aura mo," sabi niya.
"Bakit? Ano na?" sabi ko kahit na nahihirapang magtagalog.
"Nakaka... intimidate ka na. Hindi na ikaw yung babaeng simple lang. Yung babaeng wlang ibang iniisip kundi mapansin ng crush niya noon." natatawang sabi ni Mycah dahil sa pag-alala sa mga pangyayari noon. Tumawa nalang din ako dahil sa mga alala noon. Yes. Naka-move on na ako.. I think.
"Nakoo, Cah. Feel mo lang yan. Btw, graduating ka na diba?" tanong ko. Hindi na kasi ako nag-aral sa US kasi modeling ang pinagtutukan ko ng pansin. Medyo may paghihinayang nga ako dahil wala akong na tapos na curso.
"Yes! At last!" masayang sabi ni Mycah. February ngayon so probably next month siya mag-graduate.
"Wait, MassCom parin ba, Cah?" tanong ko. Hindi ko kasi natanong to sakanya noong nag skype kami.
Tumawa si Mycah sa sinabi ko. "Marami ka na talagang hindi alam, Jess." nagtaka naman ako sa sinabi niya kaya dinugtungan niya ito.
"Nag shift ako. Diba 1st sem ka umalis nong 1st yr pa tayo? Nag shift ako pag 2nd sem, Bussinees Ad. Wala ka na din naman kay ayun," sabi niya ng may malungkot na ngiti. Hindi niya kasi alam na pumunta ako sa US. Nagtampo siya ngunit wala na din naman daw syang magagawa.
"Sorry talaga, Cah." sabi ko saka ngumiti sakanya. Ngumiti din siya.
"Nakoo, past is past." tumawa siya kahit na alam kong hindi parin iyon okay sa kanya.
Sumipsip akong panghuli sa aking frappe. May kinuha si Mycah sa bag niya na isang papel saka ibinigay sakin. Kinuha ko ito saka tiningnan.
"What's this?" nagtatakang tanong ko habang tinitingnan ito.
"Invitation card. May party mamaya. Punta ka," napatango nalang ako saka tiningnan ang sa loob nito.
Nabasa ko sa sa isang mamahaling bar ito gaganapin. 8pm. Hindi ako sanay sa parties ngunit pupunta nalang ako para malaman nila na nandito na ako.
"Sige. Sabay tayo punta nito?" sabi ko sabay tingin sa relo ko. 11am pa pala.
"Sure. Puntahan kita mamaya sa inyo. By the way, shopping muna tayo para susuotin mamaya!"
sabi niya sabay hila sa akin palabas sa Starbucks."Wait. Wait, Cah!" sabi ko sabay kuha sa kamay ko na hinila niya. Humarap siya sa akin.
"Ano?" nagtatakang tanong niya. Huminto kami sa gitna ng daan kaya naglakad kami sa papunta sa kanang bahagi para hindi kami makaharang sa mga taong naglakakad.
"Ba't kailangan pa mag shopping? May mga damit naman tayo,"
"Nako! Wag na KJ! Mamili tayo ng mga top at shorts para mamaya!" excited na sabi ni Mycah.
"Hep! Marami naman akong mga shorts and shirts sa bahay," sabi ko.
"Bonding time nadin ito, eh! Sige na! Please!" hindi talaga magpapatalo si Mycah kaya sumuko nalang ako.
Marami kaming nabili na mga top and shirts sa iba't ibang shop. May credit card naman ako at si Mycah kaya okay lang. Napagdesisyonan namin na pumunta sa People are People para sa huling shop na pupuntahan nmin. 2:30 pm nadin. Hindi pa kami nag lunch kaya medyo gutom pala ako.
Pumasok na kami sa loob ng PRP saka namili na. Maraming sinasabi sakin si Mycah tungkol sa mga nangyayari sa buhat niya.
May nakuha akong isang light pink na ombre shorts. Ganda! Pinakita ko kay Mycah yun saka pumalakpak siya.
"Perfect! Yan suotin mo mamaya!" maligayang sabi niya kaya ngumiti.
"Sino pala mga pupunta?" tanong ko kay Mycah.
"College friends." sabi niya kaya tumingin ako sa kanya.
"Sino?"
"Di mo naman kilala. Ang kilala mo lang ay si Kiley. Bakit?" hindi nakatingin na sabi ni Mycah.
Nabitawan ko ang hinhawakan ko saka tumingin kay Mycah. Ready na ba akong makita si Kiley?
----
Thankyou ate @ArvieSH para sa bagong cover ko x Para sayo ang chapter na ito ate. Hihi
BINABASA MO ANG
Loving
Teen FictionSusugal ka ba sa pagmamahal? Kahit na alam mong ikaw lang din ang masasaktan?