Feeling~15

153 14 16
                                    

Pagdating ko sa bahay agad akong umakyat sa taas kahit na tinatawag ako ni Kuya. I dont know. Hindi ko lang feel makipag-interact kahit na nino. Gusto kong mapag-isa.

Sa gabing yun, napagdesisyonan ko na mag basa lang ng libro. Ayaw kong kumain din. Eleanor & Park ang binabasa ko at ewan bakit pero na cocornyhan na ako. Lahat ng bahay tungkol sa pag-ibig nayan, wala ng kwenta para sakin.

Pumasok si Kuya sa kwarto ko kahit na hindi siya kumatok. Ganyan naman talaga siya eh. Umupo siya sa kama ko. Magkaharap kami ngayon. Nilagay ko muna ang libro ko sa lamesa na nasa kwarto ko dahil mag-uusap kami ni kuya. Hindi to mahilig pumunta sa kwarto ko eh. Pupunta lang ito pag may mahalagang bagay ang pag-uusapan. Humarap ako kay Kuya at nakita ko ang nag-aalala na mga mata niya.

"Bakit?" panimulang tanong ko.

"Anong nangyari?" dalawang salita na nagpa-iyak sa akin. Kahit na pinipilit kong maging malakas, kahit na pinapalabas ko na hindi ako naapektuhan, sa huli ay maapektuhan parin talaga ako dahil naging mahalaga ang mga taong nagpaganito sakin ngayon. Mahirap talagang magpanggap dahil sa huli ay alam mong naapektuhan ka talaga.

Lumapit si Kuya sakin saka niyakap ako. Alam kong mahal ako nito kahit na minsan nag-aaway kami. Nung natapos na akong umiyak ay bumitaw na ako kay Kuya at humarap sakanya.

"Bakit? Ano ba talaga ang nangyari?" tanong ni Kuya gamit ang nag-aalala na mga mata.

"Deal kuya. Isa lang palang deal," naiiyak na sabi ko pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Sino?" nakakuyom na ang kamay ni Kuya ngayon.

"Kiley & Jacob," sabi ko at nakita kong pumikit si Kuya saka pinapahinahon ang sarili.

"Mga walang hiya,"

"Oo nga, Kuya. Mga walang hiya,"

"Alam ba nila na alam mo?" nagtatakang tanong ni Kuya.

"Hindi. Narinig ko lang. Wag ka nalang mag react, Kuya."

"Ano?! Eh bubugbugin ko sila bukas eh!"

"Wag na. Sayang lang, Kuya. May plano din naman ako eh." nakita ko namang pumikit ng isang segundo si Kuya. Kuya, inaantok ka ba?

"Ano?"

"Kailan balik mo sa US?" pag-iiba ko sa usapan.

"Saturday," sagot ni Kuya saka tumango ako.

"Ah sge. Baba ka na, Kuya. Magbabasa na ulit ako,"

"Ano nga plano mo? Saka hindi ka kakain?"

"Basta. Bukas na. Hindi. Busog ako," ginulo lang ni Kuya ang buhok ko saka tumayo at umalis sa kwarto ko.

Sabado pa naman pala eh. Pwede pa. Kaya pa to.

Kinabukasan, maaga akong nagising kahit na late akong natulog. Kumain ako saka pumunta na sa skwelahan. Mamaya padaw si Kuya eh. Alam ko na pampalipas oras lang niya ang pagiging staff sa school. Dahil ang dali lang eh babalik na siya sa US agad-agad.

Habang naglalakad ako papunta sa room, ay may naapakan ako na papel. Kinuha ko iyon at saka binukas.

"I love you. I really do. Please give me a chance,'

Pagbasa ko nun, tinapon ko agad sa pinaka-malapit na basurahan. Pwe! Hindi yan totoo. Wag maniwala.

Pumasok ako sa room kung saan kaklase ko si Jacon at Mycah. Pagpasok ko palang nakita ko na nag-tatawanan silang dalawa. Pagkita nila sakin, ay kumaway sila kaya kumaway din ako.

Umupo ako sa upuan ko tapos nakinig lang ako sa usapan nila.

"Seriously, Jacob?" nagulat n tanong ni Mycah.

"Yeah," natatawang sabi ni Jacob.

"Excited na ako!" masayang bati ni Mycah.

"Ako nga din eh," sabi ni Jacob saka tumingin ng nakangiti sa akin. Inirapan ko lang siya. Buti nalang at dumating na ang prof namin. Iwas na sa pag-uusap.

Lunch na at nandito kami ngayon sa caf kasama si Kiley. Umupo lang yan dito kahit hindi invited. Kumain lang ako dahil medyo nagutom ako.

"Jess, free ka sa Sabado?" tanong ni Kiley. Hindi pa ako nakakasagot ay nagsalita na si Mycah.

"Wag! Wag sa sabado!" sigaw ni Mycah tapos may sinenyas siya kay Kiley gamit ang mata. Hindi ko nalang sila pinansin, patuloy lang ako sa pagkain.

"Jess. May napansin ako," sabi ni Kiley.

Humarap ako sakanya saka itinaas ko ang kilay ko. Binaba ko din naman agad.

"Ano?" nagtatakang tanong ko.

"Hindi ka na masayahin," sabi ni Kiley.

Nang dahil yan sa inyo, gago! Gusto kong isigaw sa kanya kaso parang may nagsasabi sa loob ko na wag nalang.

"Hindi naman ah?" ngumiti ako sa kanila tapos kumain ulit. Nakita ko na hindi kumbinsido si Kiley ngunit kumain ulit siya.

Natapos na ang lunch. Dalawang subject nalang makaka-uwi. Gusto ko ng umuwi.

Pagkatapos agad ng pang-huling subject ko ay tumayo agad ako at inayos ang gamit ko.

"Cah. Uwi na agad ako ah. Di maganda pakiramdam ko."

Nakita ko ng tumigil si Mycah sa ginagawa niya saka tumingin sakin.

"Ganun ba? Sayang naman. Movie marathon sana tayong tatlo." nanghihinayang na sabi ni Mycah. Sorry, cah. Gusto ko ng talagang umuwi.

"Sorry." yun lang sabi ko pero ngumiti parin si Mycah.

Nagpa-alam ako sakanya na sasakay na ako ng jeep. Siya nalang daw ang magsasabi kay Kiley na umuwi na ako.

Pagdating ko sa bahay, nakita ko na nanunuod si Kuya ng isang movie. Fifty shades. Tsssk. Boys. At mukhang hindi siya pumunta sa school dahil ngayon ko lang siya nakita dito.

Umupo ako sa tabi niya tapos kumuha ng popcorn. Lumingon si Kuya sakin.

"Uy. Aga ah,"

Tumawa ako. "Oo nga eh,"

Habang kumakain kami. Napag-desisyonan ko na sabihin na kay Kuya ang plano ko.

"Kuya, sama ako US,"

Nakita ko na tumigil si Kuya sa pagkain saka tumingin ng gulat sa akin.

"Sure ka?"

"Oo," sabi ko saka kain ulit ng popcorn.

---

Nasa half na ito ng story. Yey! Sorry sa typos. Di ko na na-check eh.

LovingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon