Dumaan ang isang lingo na parang bula. Naging masaya ang mga ginagawa namin nina Mycah at Kiley. Parang naging mag-bestfriends kaming tatlo. Ang weird lang kasi pag di namin nakasama si Kiley ay parang may kulang sa aming araw.
Masayang kasama si Kiley. Parating tumatawa, nakakahawa nga eh. Araw-araw din akong tinitext ni Kiley. Pakiramdam ko nga na parte na siya ng araw ko. Ito na nga ang iniiwasan ko eh, ang ma attached. Pero kahit na may mga bagay na bumabagabag sa akin, hahayaan ko muna dahil masaya naman ako kahit paano.
Nakikita ko parin si Jacob sa school. Pinapatibok niya parin ang puso ko pero hindi na pareho noon. Nabalitaan ko nga na may binusted si Jacob. Siya pa talaga ang nag busted ha.
Naglalakad pala kami ni Kiley ngayon sa mall. Di sumama si Mycah dahil may lakad sila ng papa niya. Bibili kasi ako ng mga libro. Hindi halata pero bookworm ako.
"Ganda pala ng story ng fifty shades, Jess." sabi ni Kiley habang sumisipsip sa Starbucks na take-out namin.
"Binasa mo?" tanong ko sa kanya habang kumakain sa burger ko.
"Hindi,"
"Ay oh nga pala. Di ka pala bumabasa. Hahaha," sabi ko ng natatawa. Di kasi pala to bumabasa.
Tinapos muna namin ang aming pagkain bago kami pumunta sa National Bookstore. Naka budget na ako ngayon. Inipon ko din ito. Matagal din akong namili dahil mahirap kasi maganda ang lahat ng libro. Sa huli, pinili ko ang Divergent series, Fangirl, at Eleanor and Park. Lumabas na kami sa bookstore at lumakad na papunta sa exit.
Habang naglalakad na kami parang may napansin akong kakaiba. Nakita ko na ang lalaking na minsang mas nagpatibok ng malakas sa puso ko. Tiningnan ko siya at bakit hindi na ako nakaramdam nung malakas na pagtibok nito?
Nakaramdam na ba kayo ng pagkalito? Yung di niyo alam ang dahilan kung bakit nawala ang pakiramdam ng nagapasaya sayo? Mahirap ang ganito. Hindi ko alam. Isang mysteryo parin. Ganito lang kasi talaga ito eh, nawawala ang mga damdamin ng isang tao sa di malamang dahilan.
"Oh, Jess? Paran kang nakakita ng multo ah?" walang alam na tanong ni Kiley. Di ko kasi to sinabihan na crush ko si Jacob.
"Ah, wala, uwi na tayo," hinila ko siya parang mas madali kaming makarating sa exit.
Pero nakaramdam ako ng kuryente nung nakita kong nakatingin sa amin si Jacob at bakit parang may bakas ng sakit ang mga mata niya? Ugh. Imagination ko na naman ito siguro.
Gabi na nung dumating ako sa bahay. Sumakay lang kami ng jeep ni Kiley. Medyo malapit lang kasi ang bahay niya sa aming bahay.
Excited na akong basahin ang mga libro na ito. Matagal ko na kasing nalaman na magaganda ito ngunit hindi ko parin binili dahil wala akong pera.
Pumasok ako sa kwarto ko at pinatong ang mga ito sa lamesa. Check ko muna ang social accounts ko bago ako magbabasa.
Pag open ko palang sa twitter ko, sabog na ang notifications ko. Matagal na din kasi pala akong hindi naka-open nito. Nakita ko ang mga mention sa akin ni Mycah, Kiley, at mga friends ko sa twitter.
@kileyraymond: @jessicaaa Huy! Di ka nag reply sa text ko ah?
@mycah: @jesicaaa Best, OMG OMG.
@jesicaaa: @kileyramond Di ko nga na receive text mo. Hahaha! :P
@jesicaaaa: @mycah Why best?
Di ko na nireplyan yung ibang nag mention sa akin kasi last week pa naman din yun. Kanina kasi yung tweet na yun nila Mycah at Jessica.
Nag scroll muna ako sa home sa twitter ko. Di ako nag fafacebook. I prefer twitter.
Kung may kinakain siguro ako ngayon, naluwa ko na ito siguro.
@riverajacob: Naging totoo na ba bro?
@riverajacob: Walang talo talo.
Ako kaya ang ibig sabihin ng mga tweet niya? Nakakalito naman. Nakita ko din ang bagong tweet ni Kiley at mas nalito ako.
@kileyraymond: Sorry, bro.
Hindi naman dapat ako mailto. Wala naman siguro akong kasali. Siguro magkakilala sila ni Jacob. Nag tweet muna ako bago ko babasahin ang libro ko.
@jesicaaa: Confused.
Mahirap din palang malito. Yung di mo na alam kung ano ang gagawin mo. Bigla na lang nawala ang nararamdam mo, possible ba ito? Nakakalito.
——-
This story is not that long. Mabilis ang mga pangyayari. :)
BINABASA MO ANG
Loving
Teen FictionSusugal ka ba sa pagmamahal? Kahit na alam mong ikaw lang din ang masasaktan?