Lumabas ako sa C.R nung naka-ayos na ako sa sarili ko. Tumingin ako sa salamin at ngumiti. Dapat hindi makita ni Kiley na naapektuhan ako. Kung ganyan siya, ipapakita ko din sa kanya na parang wala lang ang friendship namin. Na parang hindi ko siya nakilala.
Bumalik ako sa room at nakita ko ang nag-aalala na mukha ni Mycah. Umupo ako at ngumiti lang kay Mycah para ma assure siya na okay lang ako.
Dumating ang prof namin. "Prepare a yellow paper. We will have a quiz."
Lumingon ako sa likod para kunin sa bag ang yellow pad ko. Ikinabigla ko ang pag-kalabit ni Jacob sakin. Bakit wala na ang kuryente na nadama ko noon?
"Hingi, Jess." Kilala niya ako? Para naman akong nataranta at napunit yung una kong kinuha na papel kaya kumuha ulit ako at ibinigay sa kanya.
"Thanks," sabi niya sabay ngiti. Siguro kung noon niya ginawa ito, nahimatay na sguro ako. Ganyan kasi yan, mawawala lang ang ating mga pakiramdam. Parang isang fangirl na di na updated sa idolo niya. Pero kahit na nawala, may maliit na parte na mananatili parin.
Natulala ako bigla. "Sure," sabi ko sakanya sabay tingin sa harap.
Natapos na ang araw namin. At mas nag concentrate ako sa mga leksyon para di ko maisip si Kiley.
Pauwi na kami ni Mycah pero ayaw ko munang umuwi. Baka mag senti lang ako.
"Mall tayo, Cah." aya ko sa bestfriend ko.
"Ayy sorry, Jess. Gusto man kitang samahan pero may lakad kami ni Kuya eh."
"Sige okay lang."
Inihatid ko muna si Mycah sa jeep, kasi maglalakad ako sa mall. Mag cine nalang siguro ako ngayon.
Habang lumalakad ako sa mall, nabigla ako sa nakita ko. Si Jacob at Kiley. Nasa Starbucks. Nag-uusap at mukhang seryoso ang kanilang inuusapan. Di na ako tumingin ulit at naglakad patungo sa Cinehan.
Natapos na ang Avengers at medyo gabi na. Mas okay ito kasi pagdating ko sa bahay. Diritso na akong matutulog.
Nag take-out ako sa KFC at umuwi na. Pagdating ko sa bahay binigay ko kay Mama ang pagkain at pumunta agad ako sa kwarto ko. Natulog para makalimutan ang mga nangyari.
Pumasok ako sa room namin at wala pa si Mycah. Hindi pa kami marami kasi maaga pa eh. Binabasa ko muna ang libro namin para maka advance study muna.
May pumasok sa room kaya lumingon ako. At nakita si Kiley na papunta sa akin.
Ito to na pakiramdam. Yung pagtibok ng puso ko. Ito ang naramdaman ko kay Jacob noon. Ito to eh. Hindi ito pwede.
"Kiley,"
"Let's stop talking, Jess. Kalimutan mo ang pagkakaibigan natin," sabi niya at lumabas sa room. Nakita ko sa mukha niya ang bahid ng nasasaktan.
Natulala ako at napa-isip mga sinabi niya. TAGOS.
Yung pakiramdam na alam mo yun ang nangyayari pero mas masakit pala pag yun tao na mismo ang magsabi sayo? Parang sinisampal niya ang katotohanan na wala na talaga. Saklap.
Di ko na napansin na natapos na pala ang morning subjects namin. Papunta na kami sa caf ngayon.
Tulala lang ako habang kumakain at alam ko na nag aalala na si Mycah pero binibigyan niya parin ako ng space. Ito ang gusto ko sa best friend ko eh.
Masakit ma iwan sa ere. Masakit yung di mo alam kung ano ang dahilan kung bakit ganon ang naging takbo ng mundo. Bumaliktad. Kung sana pinakinggan ko lang ang nararamdam ko, di sana ako naging ganito. Kung sana di ko siya kinaibigan. Ang daming "What ifs". Pero nangyari na eh. Wala na akong magawa kung hindi tanggapin.
Habang nag eemote ako. Dumating ang kakalase ko sa isang subject na pawis. Parang tumtakbo.
"Jess! Cah! Nagsusuntukan yung kaibigan nyo na si Kiley at yung si Jacob!"
Ha? Nagsusuntukan?
----
Say something :)
BINABASA MO ANG
Loving
Teen FictionSusugal ka ba sa pagmamahal? Kahit na alam mong ikaw lang din ang masasaktan?