Miya's Point of View
Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong maihaharap sa vice at lalo na sa mommy niya! Nakakahiya talaga! Ayoko na... gusto ko na lang magpakain sa lupa.
Bakit niya kasi ako hinalikan?! What's the meaning of that?! She's giving me mix signals at ayokong umasa.
'Tapos tinulak pa ako ni Amora kanina sa field, nakakaloka talaga. Nahihiya na nga ako, dinagdagan niya pa. Muntik na ako masubsob kanina.
Pero okay lang. Buti na lang nasalo niya ako. Haha.
But still! Napayuko ako sa desk ko.
Maaga natapos ang discussion that means... early dismissal! Wooh! Niligpit ko na kaagad ang mga gamit ko. Lalabas na sana ako pero naalala kong nagtatago pala ako kay vice.
"Uh, Miya," kami na lang ni Amora ang natitira sa room. "I have to go na. I promised to my dad kasi na sasamahan ko siya mag-grocery. See you tomorrow!"
Hala? Iiwan niya ako? No way! Hindi maaari!
Lalabas na sana siya pero hinila ko siya papasok sa loob ng room. "Wait! Sabay na tayo."
"E 'di, let's go," hinila ko ulit ang bag niya sa likod. "Girl, what now?"
"Nakalabas na ba lahat du'n sa kabilang room?" sumisilip-silip pa ako sa pintuan.
"My gosh, Miya," nasapo niya ang noo niya. "Kanina pa. Tayo na lang ang nandito sa taas. And why are you hiding ba?"
"Nothing. Let's go na," hinila ko siya palabas ng room.
Nakahawak ako sa parehong balikat niya, nasa likuran niya ako. Kanina pa ako palinga-linga sa paligid, malay natin nandyan pala siya. Tatakbo talaga ako.
"Miya, stop making me your shield," hinatak niya ako sa gilid niya. "Bakit mo ba tinataguan si vice, ha? Dahil ba diyan sa kiss?"
"Amora!" I covered her mouth. "Your voice are so loud! Baka naman may makarinig!"
"Okay. I'm sorry."
Nang makalabas na kami ng gate, naghiwalay na kami ng daraanan. Nakita ko pa siyang sumakay sa kotse ng dad niya, hindi kasi ako masusundo ni mama ngayon dahil marami siyang ginagawa.
Naglalakad ako nang may biglang humila sa bag ko kaya napaatras ako. Ready na ready na akong makipag fight nang malaman ko kung sino 'yon.
It's Reve. The vice president.
Nakasandal siya sa kotse niya while her both arms and legs ay naka-krus. She's wearing a shades, naka-uniform pa rin siya.
Tatakbo na sana ako nang bigla niya ulit hablutin ang bag ko kaya napatakip na lang ako ng mukha at saka tumalikod.
Nakakahiya talaga! Ayoko na. Huhuhu... akala ko umuwi na siya.
Hinarap niya ako pero nakatakip parin ang mukha ko. "Alisin mo 'yang kamay mo sa mukha mo. I want to see your face."
Hindi ako nagsalita. Nakatakip parin ang kamay ko sa mukha ko.
"Isa."
What in the... why is she counting?!
"Dalawa."
Help me, Lord.
"Tat-"
Hindi ko na siya pinatapos sa pagbibilang at inalis ko na ang kamay ko sa mukha ko, baka ano pang gawin niya sa akin kapag 'di ko siya sinunod.
"Good," tinanggal niya 'yung shades niya. "Pasok," she taps her car.
"Ha-?" gulat-gulat ako sa sinabi niya. "I mean! Bakit po?"
YOU ARE READING
The Hers
RomanceAmora is a seventeen-year-old girl who likes to hang out with her guy friends. One day, her father enrolled her in an all-girls school called 'Galura Girls School' without her knowing where she will meet the president of the school, Nayeli. Started...