Amora Cely's Point of View
Weeks and weeks and weeks later. Mas lalo kaming naging close ni Nayeli even I haven't figure it out, I still don't know kung ayun ba talaga ako.
Nayeli even kissed me infront of many students para lang sabihin na totoo ang nga rumor na may something sa amin, ang bilis kumalat ng nga chismis dito, gosh. I was really shocked that time pero wala na akong nagawa. I'm not complaining naman, medyo kinilig ako. Slight.
Minsan, niyayaya niya rin ako sa bahay nila. Nu'ng una akong makapasok sa kwarto niya, napanganga talaga ako because it really looks like a library sa sobrang daming libro. Pumupunta rin siya sa bahay namin kasama sila Reve and Miya kaya nakilala na rin siya ni dad.
Nalaman na rin nila Reve and Miya ang tungkol sa amin 'cause Nayeli told them. Wala naman reaksyon ang dalawa, ni hindi nga sila nagulat. That's not the reaction we're expecting.
Uwian na namin at nasa library ako ngayon, kasama ko si Miya. May meeting pa sila Nayeli and Reve kaya hindi sila nakasama sa amin. Pupunta kasi kami sa bahay nila Nayeli dahil ang sabi niya sa amin ay nagbake raw ng mga cupcakes ang mommy niya.
Nu'ng nakaraan pa ako nag-iisip about sa upcoming eighteenth birthday ko. Ilang araw na lang kasi, october na at october two ang birthday ko. I don't know kung magdebut ba ako nang bonggang-bongga or I'm just gonna invite my friends sa house namin.
Dumagdag pa 'to sa mga iniisip ko.
I took a deep breath at saka sinubsob ang mukha ko sa lamesa. "Gosh... I don't know kung ano bang ip-plano ko sa birthday ko."
"Simple eighteenth birthday na lang," Miya suggested. "Medyo alanganin kasi kapag enggrande ang ip-plano. Three days na lang, it's your birthday na. "
She has a point. Maybe, I'll just gonna ask dad kung pwedeng simple birthday na lang.
Napagdesisyunan na namin ni Miya na lumabas at sa gilid ng stage na lang namin sila hintayin, kanina pa kasi kami rito sa library. Hindi naman kami nagbabasa, mamaya sitahin na kami ng librarian na nagpapalamig lang kami.
Pero parehas kaming napahinto nang paglabas namin ay nakasalubong namin silang dalawa, papasok na rin pala sana sila. Napaangat kaagad ako nang tingin kay Nayeli, kinawayan niya ako kaya kinawayan ko rin siya pabalik.
"Oh," Miya's reaction. "Palabas na sana kami, e..."
Inakbayan ni Reve si Miya. "Let's go! Gusto ko na tikman ang cupcake ni tita."
Nauna nang naglakad ang dalawa habang kami ay magkaharap parin. Pero mamaya pa ay nilapitan niya ako at saka inayos ang buhok ko.
"You okay...?" she asks in a calm voice.
Nginitian ko ito. "Yes. Hindi ko parin kasi alam kung ano ang gagawin ko sa birthday ko. Just a simple birthday na lang, I guess?"
"It's up to you. It's your birthday."
Kinulong niya ang braso niya sa braso ko at saka niya sinandal ang ulo niya sa balikat ko habang naglalakad kami palabas ng gate. Ni minsan sa buhay ko habang nag-aaral dito ay hindi ko inisip na magiging ganito ka-soft sa akin si Nayeli.
Malay ko ba, right?
Nandito na kaming apat sa harap ng bahay nila. Binuksan niya ang pintuan at saka kami pumasok, pagpasok namin ay bunungad ang daddy niya sa amin, binati niya kaming lahat. Sumunod no'n ay narinig namin ang pagtakbo ni Behati.
"Ate Amora!!!"
Nagulat ako nang bigla siya tumalon at saka niya ako niyakap. Karga-karga ko siya ngayon, medyo bumigat siya nang kaunti, ah. Ang bigat niya talaga, not gonna lie.
YOU ARE READING
The Hers
RomanceAmora is a seventeen-year-old girl who likes to hang out with her guy friends. One day, her father enrolled her in an all-girls school called 'Galura Girls School' without her knowing where she will meet the president of the school, Nayeli. Started...