Third Person's Point of View
Saturday.
Miya is so excited, she can't even sleep last night kahit gabi pa 'yon magaganap. Tatlong oras lang ang tulog niya but she's still very energetic.
She received a text from Reve three minutes ago.
Vice President : hi miya!
Vice President : movie night to ah im currently finding some good movies para panoorin :)She replies.
Miya : okay po :))
After she sends it, nagtatatalon ito sa tuwa na may kasama na ring... kilig. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ngayon dahil niyaya siya ng vice a.k.a. her crush.
It's currently six thirty in the evening and seven thirty kailangan ay nando'n na siya. So, sinimulan na niyang mag-ayos, she already take a bath na nu'ng four but naligo pa ulit siya para sure na hindi siya magiging dugyot.
It's already seven fifteen nu'ng matapos siyang mag-ayos ng sarili. Yes, gano'n talaga ka-tagal mag-ayos ang isang Miya. Hindi kasi siya makapili kung ano susuotin niya.
Reve texted her address habang nag-aayos siya.
Her mom is free kaya siya na lang naghatid sakaniya sa bahay nila.
And also... her family accepts and supports her for being a lesbian.
"Text me kapag uuwi ka na, okay?" her mother said nu'ng nakarating na sila. "Huwag lalagpas ng twelve."
"Mom, ginawa mo naman akong si cinderella," napakamot pa siya sa batok niya.
She laughs. "Sige na. Enjoy," smiles.
Nang makaalis na ito, ro'n na siya dahan-dahang naglakad palapit sa bahay nila.
The house is simple yet lowkey big. Wala namang masyadong decoration sa labas or something.
Nasa harapan na siya ng pintuan nila. Naririnig na niya ang mga tugtugan sa loob. Hindi mapakali ang kamay niya sa magkabilang gilid, gusto niyang magdoorbell but she can't. Nahihiya ito.
Inhale, exhale. Kaya ko 'to.
She was about to press the doorbell when the door suddenly opens.
"I'm still waiting for—" it's Reve. Nagulat ito nang may taong nakatayo sa harapan ng pintuan nila nu'ng pagbukas niya but napalitan ito nang ngiti nang makita niya kung sino 'yon. "Miya!!!"
She hugs her. A really warm hug, she can feel it. Hindi pa siya nakapagsalita dahil sa sobrang higpit ng yakap ng vice sakaniya.
Humiwalay ito sa yakap. "Kanina pa kita hinihintay!"
"Good evening po, vice—"
"Oh, God," she reacts. "Stop calling me that. We're not in school. Call me in my name, okay?"
What??? Hindi ako sanay...
"Uhm.. hindi po—"
"And stop using 'po' Miya. Nakakatanda 'yan. We're literally in the same grade and age."
"Okay p—" she stops. "I mean, okay..."
Reve puts her both hands on Miya's shoulder at saka na sila pumasok sa loob ng bahay nila. Siya lang ang mag-isa ngayon sa bahay nila dahil ang mother niya is still working.
"Oh, I forgot to tell you," humarap ito sakaniya. "Marami pala tayo ngayon. Masaya manood ng movie kapag marami, right?"
She blinked three times. Marami kami??? I thought... kaming dalawa lang. And I thought too na... ako lang ang inaya niya.
YOU ARE READING
The Hers
RomanceAmora is a seventeen-year-old girl who likes to hang out with her guy friends. One day, her father enrolled her in an all-girls school called 'Galura Girls School' without her knowing where she will meet the president of the school, Nayeli. Started...