Chapter 11

297 14 0
                                    

Amora Cely's Point of View

Months and months later, sobrang dami ko na kaagad napagdaanan sa school na 'to. I'm enjoying studying here na altough, I still miss my old school... miss ko na ang mga friends ko ro'n. We're communicating pa naman pero minsan na lang.

I heard a news from Jericho na may nililigawan na raw na babae si Maverick nitong mga nakalipas na araw. I'm happy for him, hindi naman ako masyadong nasaktan. I don't know, lumipas na rin ang feelings ko para sakaniya. Baka hindi talaga kami para sa isa't-isa.

And I was totally shocked when Jericho confessed to me na may gusto pala siya kay Maverick, matagal na. I don't know na he's gay 'cause wala naman siyang sinasabi sa amin. Inamin niya sa akin 'yon last month, and last last week, he's sad 'cause may niniligawan na nga raw si Mave.

Miya and I are getting more close kumpara nu'ng mga nakaraang buwan. Nakilala na rin siya ni dad, she's always at my house, lagi siyang nags-sleep over sa amin. Last week, second monthsary nila ni Reve, we decided na sa amin sila magcelebrate, in my room.

Yes. Third wheel na naman ako.

Are you waiting for Nayeli? Well, wala pa rin siyang pinagbago, hindi pa rin siya matinong kausap. Still a bookworm and study first. I don't know if she's study first or gusto niya lang mag-aral kasi trip niya.

Pareho lang ba 'yon?

Lagi rin siyang hiwalay sa aming tatlo, hindi siya sumasama sa mga gimik namin. Masungit pa rin, always snobber. And strict. Wala paring pinagbago, I still hate her.

Maybe, a little? I don't know. Minsan, matino rin siyang kausap pero minsan lang. Hindi parin talaga siya matinong kausap.

About Lilith naman, hindi na niya ginugulo but she's always staring at us and giving us a death stare. Ugh, mas mukha pa siyang patay sa death stare niya. Duh.

I don't really expect na magkakaro'n ako ng mga friends here 'cause hindi ko talaga alam kung paano makipag-interact. Kaya... I'm really glad na I met them.

I'm walking right now sa field when I saw the stage sa may covered court. I'm confused 'cuz I saw many gifts, naka-wrap pa. Nagtaka tuloy ako.

What the eff is the date today? Pasko na ba? I thought, it's still August thirty? Bakit ang daming regalo sa stage?

"Huy, Amora! Tulala ka?" it's Miya.

"What's the date today?" taka-takang tanong ko sakaniya. "Nagtime travel ba ako 'cause why is there so many gifts? Pasko na ba?"

Natawa siya kaya mas lalo akong nagtaka. "Hindi mo alam nangyayari? Birthday na kasi bukas ng president kaya ganiyan, taon-taon may ganiyan tuwing may birthday siya. Debut niya tomorrow. Hindi niya ba nabanggit sa 'yo?"

What the actual eff?! Debut niya bukas? Hindi ko alam 'yon, ah. Same pala kami age. Kaso sa october pa debut ko. Malapit na rin.

"No," napangiwi ako. "We're not that close. Bakit niya sasabihin sa 'kin ang birthday niya? At saka, bukas pa pala, e... ang atat naman nila magbigay ng regalo."

"Punta ka bukas?"

"Eh?" No? "No. Why would I? Wala rin akong regalo, duh? Baka iregalo ko lang ang sama ng loob ko sakaniya."

"Same," napakamot siya nang sentido. "But pinipilit ako ni Reve, e."

"E 'di... punta ka."

"Kapag kasama ka."

"Hindi nga ako pupunta."

"Hindi rin ako pupunta."

Nag-apir kami at saka umakyat na ng room namin.

The HersWhere stories live. Discover now