Chapter 15

292 15 0
                                    

Amora Cely's Point of View

Next day, nagmamadali akong nagbihis para pumasok. I literally woke up early para makapaghanda, sasabihin ko na lahat kay Miya. I'm going to tell her na it's true.

Tinakbo ko talaga ang hallway hanggang sa makarating ako sa room namin. I saw her with Reve. Hah. Kaya pala ang tahimik ng room namin dahil nangapitbahay ang vice pressy.

"Oh, Amora's here," lumipat sa kabilang upuan si Reve. "Hingal na hingal?"

"It's true."

"What?" sabay pa sila.

Nagkumpulan kaming tatlo, gumawa kami ng bilog para walang makarinig ng mga sasabihin ko.

"Naaalala ko na lahat," I said. "It's true that I kissed her first," I whispered.

They both gasp. "Omg?!"

"Yes," I nods. "What am I gonna do?! Sabihin ko ba sakaniya or what?"

"Ako na lang ang magsabi sakaniya," Reve replied.

Maya maya pa ay may dumating na na teacher but napakurap ako nang dalawang beses nang kasunod nito ay ang president, Nayeli. Tumayo na si Reve sa kinauupuan niya at pumunta sa harapan.

"Okay class," the teacher. "The president is here to inspect the room because we have visitors from switzerland today. Behave, okay?"

After sabihin 'yon ay nagsimula nang maglibot ang president sa buong room namin, mabibingi ka sa sobrang tahimik ng room namin. Tunog lang ng aircon ang maririnig.

Kinakapa niya rin ang ilalim ng mga upuan namin dahil baka may mga bubble gum na nakadikit dito.

Ako na ang sumunod na daraanan niya kaya umiwas ako nang tingin. Ewan ko kung may mukha pa ba akong maihaharap sakaniya pagkatapos nang nagawa ko.

And then suddenly, lahat ng mga students ay napalingon sa akin kaya napaangat ako nang tingin. Nakahinto na pala sa harapan ko si Nayeli habang ang kamay niya ay nasa ilalim parin ng desk ko.

What is she looking at? May bubble gum ba ang ilalim ng desk ko?

"What?" tinaasan ko siya nang kilay.

I don't know why did I do that but nakatingin lang kasi siya sa akin, she's not doing anything. Para siyang mannequin.

Kumunot ang noo ko nang ialis niya ang tingin sa akin at saka nagpatuloy sa pagi-inspect ng room at ng mga upuan.

What the eff was that?!

Nang matapos na siyang mag-inspect at palabas na sila, sinenyasan ako ni Reve na sasabihin na raw niya kaya tinanguan ko na lang siya dahil lahat na naman mga kaklase namin ay nakatingin sa akin.

Break time. Naglalakad kami ni Miya sa field dahil tapos na kaming kumain. Nahagip ng dalawang mata ko si Nayeli, may kausap itong babaeng mukhang amerikana, they are also walking in the field. Mukhang ito na yata ang sinasabing bisita na galing switzerland.

Hindi naalis ang tingin ko sakanila. I crossed my both arms and I stare at them for a long time. Why am I doing this, by the way?! Irritating.

And then, I didn't expect na lilingon siya sa kinatatayuan namin. Our eyes met.

Tumaas ang kilay ko nang ialis niya kaagad ang tingin sa akin at saka muling kinausap ang bisita niya. Mas lalong tumaas ang kilay ko nang ngumiti ito.

Did she just smile?! This is the second time I saw her smile.

But I'm not happy. I don't know why.

"Hanggang kailan mo sila tititigan?" Miya suddenly ask kaya naalis ang tingin ko sakanila. "Nasa initan kasi tayo."

The HersWhere stories live. Discover now