Side Story : Part 2

296 12 0
                                    

His Point of View before the confession.

Maverick's Point of View

"Amora, help!" nagtatatalon ako nang sagutin niya ang tawag ko.

"Why? Bakit? What happened at bakit parang nagp-panic ka?"

"Available ka ba ngayon?" sobrang lakas nang kabog ng dibdib ko. "Hindi 'to tungkol sa atin, ah. Tapos na 'yon. Ah, basta! Du'n ulit sa coffee shop."

"Okay...? Just a minute, patapos na ako."

Nang maibaba na niya ang tawag ay nagsuot na ako ng sapatos at saka patakbong lumabas ng bahay. Pinaandar ko na 'yung motor ko at saka umalis.

Pagdating ko sa coffee shop ay nadatnan ko rin sakto si Amora na bumaba ng jeep. Kinawayan ko ito at saka nauna nang pumasok sa coffee shop.

"So," ani Amora nang makapasok na rin siya sa coffee shop, kaharap ko siya. "Ano 'yung-"

"Order muna tayong kape," putol ko sa sadabihin niya. "What do you want? My treat."

"I'm okay," she said. "Wala ako sa mood magkape ngayon. Ano ba 'yung sasabihin mo na kailangan sa personal sabihin at hindi sa phone?"

"Uh... I don't know how to say this..." napayuko ako.

"What? Do you still like me, Mave? Oh my, don't. Baka patayin ka ni Nayeli."

"No, that's not it. I don't like you anymore," hinarap ko siya. "I think... I like someone else."

"Ooh. With whom?" uminom ito ng tubig.

"I think, I'm catching feelings with him."

"I beg your pardon? Did you just say 'him'?"

"Yea, you're right," tinakpan ko mukha ko at saka huminga nang malalim. "I think... I think I like Jericho."

Napapikit na lang ako nang bigla niyang ibuga sa akin ang tubig na iniinom niya, nakapikit din akong kumuha ng tissue at saka pinunasan ang mukha ko.

That's... gross.

"What. The. Actual. Hell?!" umubo-ubo pa ito. "Seryoso?! When?!"

"Uhm... I don't know?" napakamot ako nang batok. "One day, bigla ko na lang siya nagustuhan. Nakakaramdam na ako nang selos kapag may kausap siyang iba or 'yung atensyon niya ay hindi sa akin."

"Oh my, gosh..."

"But I think, isa sa mga nagustuhan ko sakaniya is 'yung lagi siyang nandiyan para sa akin. Alam mo 'yun? 'Yung kahit busy siya, binibigay niya parin niya oras niya sa akin. Minsan nga nag-guilty na ako dahil lagi akong nagpapasama sakaniya. Pero wala kasi akong choice since ikaw, busy ka rin, siya lang din naman ang close ko, e."

Kumunot ang noo ko nang maluha ito. "Nakakatouch naman 'yan! I didn't expect na magugustuhan mo siya kasi gu- Oh."

"Kasi what?" tinagilid ko ang leeg ko.

"Wala. Nevermind," umayos ito nang upo. "So, what's your plan? Aamin ka ba sakaniya?"

"Ayun na nga, e," medyo nilapit ko ang upuan ko. "Paturo nga ako. Gusto ko magbigay ng hint sakaniya na gusto ko siya."

"Ay, wala akong alam diyan," napakamot siya nang sentido. "Ganito na lang. Kunwari... maglasing ka. And then... magbanggit ka ng mga names na babae."

"Eh? How it that a hint?"

"Hindi naman sa hint. Tingnan mo lang magiging reaksyon niya, tingnan mo kung magseselos. Kapag 'yung mukha niya medyo naiinis, may gusto na 'yon sa 'yo!"

The HersWhere stories live. Discover now