A/N: kamusta araw mo?
Mayroon ka bang daily devotional Bible sa cellphone mo? ako kasi meron. Ang ganda ng messages sakin ngayon eh
Roma 12: 2
Hwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugod-lugod at ganap na kalooban niya.
Natanong mo na ba sa sarili mo kung ano nga ba ang gusto ng Panginoon sa buhay mo? ako kasi Oo.
Marami akong mga kapatid sa pagiging Kristyano ang lagi kong naririnig sa kanila "sinabi ni God".
Pano mo ba malalaman kung ano sinabi ni God sayo?
Sagot ko basahin mo ang Bibliya (Holy Book). Simula ng binasa ko ang Holy Book, nalalaman ko sa mga ginagawa ko kung ano ang tama o mali sa mga ito, kahit sa pagiisip.
Kapatid aaminin ko sayo natatalisod parin ako sa prosesong to, kahit kasi sinabi sa Holy book na wag ka magsasalita ng di maganda sa kapwa, nakakapagsalita padin ako minsan ng di maganda.
Ang pinagkaiba ko lang sa dati ay hinihingi ko na ito ng tawad sa Panginoon.
Ngayon pano mo ba malalaman kung kinakausap ka ng Panginoon?
siguro di mo napapansin baka kinakausap ka na pala pero di mo lang pinapakinggan.
Halimbawa ko nalang ito nangyari sa akin:
Pag uwi ko sa bahay(galing kasi akong trabaho). Nadatnan ko ang mga kapatid ko na nanunuod lang ng t.v at wala namang masamang ginagawa pero bigla ko nalang silang inaway hanggang lahat sila galit na sa akin.
Pag katapos ng away namin, napatanong ako sa sarili ko bat ko sila inaway? tapos parang may nagsasalita pa sa isip ko na 'wala silang kasalanan, dapat humingi ka ng tawad sa kanila.' Tapos maalala ko isang parte sa isang verse 'Huwag ninyo hayaang lumubog ang araw na galit parin kayo' at ' kung may galit sayo ang iyong kapatid puntahan mo ito at humingi ka ng tawad saka ka bumalik upang mag alay'
parang ganyan yun eh, kaya makakaramdam ako ng guilt, dahilan kaya ako kailangang humingi ng tawad sa aking mga kapatid. Sa bandang huli naging okey na kami uli.
Ganyan mga pangyayari, naku kapatid pag intimate na relationship mo kay papaGod, malalaman mo kung ano nga ba ang tama o mali sa mga ginagawa mo, kung kalugod- lugod nga ba ito sa Paningin ni Lord o hindi.
Sabi ng mga Pastor na kilala ko, everytime na nagkakasala ka ay muli mo lang pinapako ang Panginoong Jesus sa krus ng kalbaryo.
Gugustuhin mo ba laging makita si papaJesus na nakapako sa krus? kung ako yan naku ayoko na, sisikapin ko kahit paulit ulit basta maging tama na ako sa mata ng ating Panginoon. Ikaw din kapatid.
Inaantay lang tayo ni papaLord na lumapit at tumawag sa Kanya.
Mahal ka ni Lord.
God Bless you. JA
BINABASA MO ANG
Pangyayari kasama ang Panginoon
SpiritualThis is My Experience in my Everyday life. How God move in me and How He will do more Tara samahan niyo ako sa takbo ng buhay ko, :) Naniniwala ako na kung ano man ang hinaharap kong pagsubok ay nararanasan mo rin kaya kung feeling mo nag iis...