Fulfilling days

77 5 0
                                    


God said. "Honor your mother and your father". 


One of the top commandments of God that is often not really followed.

Di ko alam sa iba pero ang sa akin lang ang maiishare ko.

Me and my father don't really have like father daughter relationship, I don't really like to be with him and as much as possible ay malayo ako sa kanya. 


Well yan ako noon but God put a kind of love that is unique and I praise Him dahil doon.


Feb 29. Yeah noong araw na yun ay lunes at wala akong pasok.  Sa di ko maipaliwanag na dahilan ang nasa isip ko ay ang Exodus 20: 12 (Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos. KJV)

Nagkataong wala ding pasok ang aking ama at nagdisisyon siyang magpintura ng bahay, dahil sa dalawa lang kami wala siyang ibang mauutusan kundi ako lamang. Pwede naman akong umalis at hayaan ko nalang siya, o di kaya magreklamo pero parehong di ko ginawa kasi nga naaalala ko ang salita ng Diyos Ama. 

Kaya kahit napapagod na ako kakautos niya di na ako nagreklamo, sumunod nalang ako hanggang matapos namin ang gawain.

Naramdaman niyo ba yung pagkatapos mong sumunod ay nakaramdam kayo ng parang kakaibang saya?. Sayang di karaniwan na parang fulfilled ang araw mo at nakalimutan mong pagod ka.

At naalala ko uli ang utos ng Panginoon. Nasabi ko pa nga "Salamat po Lord"  kasi naturuan niya ako ng isa sa mga pinakamahalaga na utos Niya.

Iba-iba man ang dahilan natin kung bakit minsan kaiinisan natin ang ating mga magulang ang magulang ay magulang parin, kahit masakit sila magsalita, kahit di nila nakikita ang effort natin, at kahit na di sila katulad ng iba wala paring papalit sa magulang mo na meron ka!. Biyaya ng Panginoon ang lumaki kang  may pamilya at kahit sa ibang tao ka pa pumunta ang huli mo paring lalapitan ay ang magulang mo parin.


Kaya nga siguro igalang natin ang ating mga magulang ay dahil magulang nating lahat ang ating Diyos Ama, kung wala tayong respeto sa ating magulang ay wala narin tayong respeto sa ating Ama na nagbigay buhay sa atin.


Sikapin mong magbasa ng Bibliya kapatid. Wag tayong magbase sa sarili nating kaalaman. Makiusap tayo sa Panginoong Jesus Christ na bigyan tayo ng kaunawaan at kaalaman sa kaniyang salita. Sikapin nating ang ugat natin ay ang salita lamang ng Panginoon.


God Bless you all. :) Kung may mga prayer request po kayo Piem niyo lang po I would be glad to  pray for you.

Pangyayari kasama ang PanginoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon