A/N: Ginawa kong April 5 ang next dahil Dito nag start kung bakit ko napagdisisyunang gumawa ng Inspirational. I feel God wants me to share to you all what happens to me Especially with God.
So Hope na mabasa mo ito kapatid.
Masaya ako ngayon...
Naranasan mo na bang igive up kay papaGod ang lahat ng kasalanan mo, aminin sakanya ang lahat ng ito?
Envy? (Inggit)
Gluttony? (katakawan)
Wrath? (Galit)
Lust? (Kalibugan)
Greed? (Pagkaganid)
Pride? (kahambugan)
Sloth? (Katamaran)
Wala ka man lahat ng yan meron ka siguro mga tatlo niyan meron ka.
Nagawa mo na ba? Umiyak ka dahil sa pagsisisi mo... Nagdasal ka ng maigi at talagang taimtim ka humingi ng tawad.
Sinubukan mo na bang labanan ang hiya mo sa pag amin sa Panginoon ng lahat ng iyong kasalanan? Kung hindi pa mapapayo ko sayo, Magdasal ka sakanya, lage, at wag ka mag alinlangang umamin ng kasalanan mo, at sikapin mong wag mo ng ulitn.
Mateo 11:28
Lumapit kayo sa akin, kayong lahat ng nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin at bibigyan ko ng kapahingahan (NIV)
Kung ang ibang tao malaman lang ang mali sayo ikinakahiya ka na oh nilalayuan ka ang Panginoon hindi!
Naranasan ko ngayong araw ang isang pinakamagandang pangyayari sa aking buhay. Ako'y sinagot ng Panginoon kanina, lahat ng mga dasal ko ay unti unti niyang tinutupad.
Kaya kung ikaw gusto mo siyang maranasan, maniwala ka lang sa ating tagapagligtas na si Jesus.
John 20:29
Sinabi sa kanya ni Jesus, "Naniniwala ka na ba dahil nakita mo ako? Mapalad ang mga naniniwala kahit hindi pa nila ako nakikita"
Naiilang ka ba sa mga nababasa mo?
wag ka magalala ayos lang yan, mahalaga nagawa ko ito at nabasa mo ito.
Ang buhay ko ay nadadaan din sa iba't ibang pagsubok, kaya gusto ko lang sabihin sayo, kung ano man ang pinagdadaanan mo ay ganun din ako. Yun nga lang ako may pinagkukunan ako ng lakas, at nageenergize ng spirit ko.
Ikaw?
ano sayo?
Barkada?
Laro?
Jowa?
Gala?
Artista?
Lahat yan di ka kilala, pero pansamantala makakatulong makalimot sa mg problema mo.
Maswerte nga yung mga mas bata sakin na mainit sa Panginoon, Dahil bata palang sila aktibo na sila at talagang makikita mo na talagang binubuhos ng Panginoon sa kanila ang lahat ng magandang pagpapala.
Ako, ilang taon na, ngayon lang ako naging ganito kainit sa Panginoon, pero sabi nga naman nila, hindi pa huli ang lahat.
Wala naman talaga ako ganong masabi, di ko din alam bat ko to ginawa.
pero masaya lang siguro na ibahagi ko sainyo mga karanasan ko,
masaya ako sa mga makakabasa ng kwento ko, at nagpapasalamat ako.
Jesus is my savior.!
God Bless you.
JA
BINABASA MO ANG
Pangyayari kasama ang Panginoon
EspiritualThis is My Experience in my Everyday life. How God move in me and How He will do more Tara samahan niyo ako sa takbo ng buhay ko, :) Naniniwala ako na kung ano man ang hinaharap kong pagsubok ay nararanasan mo rin kaya kung feeling mo nag iis...