A/N : Kamusta kapatid?
Ngayong araw, isang kakaibang karanasan ang nangyari sakin.
Ang mga mababasa mo ay testimonya ko,
Aminado ako sa sarili ko na lagi akong nagkakasala lalo na sa Panginoon, mahirap umiwas sa kasalanan dahil na sa mundo ka at alam natin na sa unang kasulatan palang, simula ng kinain ni Adan at Eba ang mansanas (karunungan) mula sa puno ng Eden, ay ibinigay na ni Adan sa kalaban (ang tinutukoy ko dito ay si Satan) ang awtoridad sa mundo. Kapatid wag ka magtaka kung lagi kang nagkakasala pero wag mo ding abusuhin dahil naranasan ko na yan.
eto lagi kong iniisip dati:
"ay nagkasala na ako, okey lang bukas nalang ako hihingi ng tawad"
"nakakahiya na kay Lord, baka galit siya di nalang ako magdadasal"
"ginagawa din naman ito ng iba, kaya baka tama lang ito"
Di ko alam nun na kapag lagi yan ang nasa isipan ko, unti-unti akong napupunta sa impyerno,
Kaya nung nalaman ko na mali pala ang lahat ng akala ko... bago pa mahuli ang lahat iniwasan ko na at nilabanan ko na ang isip ko.
Kagabi dapat may Bible study kami pero hindi ko natuloy, di ko alam panu nanyari yun pero isa lang ang sinisisi ko ang panahon... sobrang init kasi eh. pero di lang yun ang kasalanan ko may mga naiisip akong di maganda at di karapat dapat sa Panginoon.
Kaya pag dating ng umaga di ako mapakali, kahit nagdasal at nagpasalamat ako di parin ako mapakali...kaya naman pag pasok ko sa opisina, pumunta ako sa cr namin at sinira ko ang pinto..
Lumuhod ako, at nagdasal ng sinsero wala na akong pakialam kung makukuha nito ang oras ko sa trabaho ang importante sakin ay makapag dasal ako at aminin lahat ng kasalanan ko sa Panginoon,
ang kakaibang pangyayaring yun ay pagkatapos ko magdasal. Di ko na namalayang magaan na ang pakiramdam ko at wala na akong pakiramdam na guilt sa sarili at kakaibang kaginhawaan ang naramdaman ko dahilan kaya natapos ko ang trabaho ko.
Psalm 55:22New King James Version (NKJV)
22 Cast your burden on the Lord,
And He shall sustain you;
He shall never permit the righteous to be moved.
Mas maganda sa KJV ang verse na yan.
Mateo 11:28
"Lumapit kayo sa Akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan.
Isa lang sila sa mga verse na naalala ko na nasabi ng Panginoon sa mga tulad nating makasalanan. Kaya kapag nakakaramdam ako ng paglalayo sa Panginoon isa lang ang panlaban ko jan at yun ay.
Ang Pagdadasal.
Kapatid, kung bubuksan mo ang puso mo para sa Panginoon tiyak ko na magiging maayos ang buhay mo.
Tinataas ko sa Panginoon ang Lahat ng papuri at pagsamaba at nawa ang aking puso nais lamang sambahin ang Panginoong buhay magpakailana man sa pangalan ni Jesus na aking tagapagligtas Amen!
Mahal ka ni Lord.
JA
BINABASA MO ANG
Pangyayari kasama ang Panginoon
SpiritualeThis is My Experience in my Everyday life. How God move in me and How He will do more Tara samahan niyo ako sa takbo ng buhay ko, :) Naniniwala ako na kung ano man ang hinaharap kong pagsubok ay nararanasan mo rin kaya kung feeling mo nag iis...