A/N: Christian music ... marami po ba kayong alam na chrisitian or gospel songs? tagalog or english. Hingi naman po sana ako... Worship or Praise ... Thanks po sa mga magbibigay.
Today Is a good day, kahit mainit blessed padin.
Kanina nagpunta ako ng cubao, di kasi ako pumasok. May nilakad lang akong importante dahilan kailangan ko mag liban sa trabaho.
Habang nakikinig ako ng mga Christian songs, Napapaisip ako kung pano nila nabibigay na anointing yung kanta...
God wants music, kaya nga niya nilikha si Lucifer which is originally called angel of worship. Gusto ko awitan ang Panginoon pero di ko alam kung nagugustuhan ba Niya ang awit ko, kasi kung babasehan ko ang sarili ko sa mga sikat na mga musikero/ra, sikat ng mga christian band nararamdaman ko ang kakaibang power pag umaawit sila sa Panginoon dahil sa Power na yun gugustuhin mo na din awitan ang Panginoon.
Di mo siguro ako maiintindihan dahil di mo pa ito nararanasan, pero sa mga kapwa ko na sabi nila ay matured christian na baka maintindihan niyo ako.
God gave me a name "Passion" dahil sa name na yan, I wanna be more and more passionate to God.
I wanna see God smile...
Isa pa sa nangyari habang nakikinig ako, I wanna burst out my feelings, pero pinipigilan ako ng isip ko. Burst out ko sana sa bus yung gusto ko sabihin sa mga tao dun, gusto ko isigaw 'MAHAL KAYO NI LORD!' tapos sabay baba ng bus kaso sa huli di ko nagawa.
Tapos naalala ko si Paul,
1 Corinto 4:10
Kami'y mga hangal alang-alang kay Cristo; Kayo nama'y marurunong dahil kay Cristo!; Mahihina kami; kayo nama'y malalakas. Hinahamak kami: Kayo nama'y pinaparangalan.
Tinanggap nila ang lahat ng sinasabi tungkol sa kanila.
Samantalang ako, di ko pa nagawang sabihin sa mga tao sa bus na yun na "MAHAL SILA NG PANGINOON" kung dun palang di ko magawa, pano ko magagawa ang tungkuling katulad ng ginawa ni Paul?
Tuwing umaakyat ako sa overpass tumitingin ako sa langit at lagi akong nagpapasalamat sa Panginoon, tapos nakakaramdam ako na gusto ko sumayaw dun
Naalala ko si David di ko sure san scripture yun pero
Ito yung nawala sakanya tapos bumalik eh.
Nagsasayaw si David at wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya, kahit sariling asawa niya.
1 Cronica 15:25-29
25 Pagkatapos, si David, ang pinuno ng Israel at ang mga pinuno ng libu-libong kawal ay masayang nagpunta sa bahay ni Obed-edom upang kunin ang Kaban ng Tipan ni Yahweh. 26 Sa tulong ng Diyos, nadala ng mga Levita ang Kaban ng Tipan, kaya't sila'y naghandog ng pitong toro at pitong tupang lalaki. 27 Si David ay nakasuot ng kamisetang yari sa magandang telang lino, gayundin ang mga Levitang may dala sa Kaban, ang mga manunugtog at si Kenaniaz, ang pinuno ng mga manunugtog. Suot din ni David ang isang efod na lino. 28 Ang buong Israel ay kasama nang kunin ang Kaban ng Tipan ni Yahweh. Sila'y nagsisigawan sa galak, hinihipan ang tambuli at trumpeta, at tinutugtog ang pompiyang, lira at alpa.
29 Habang ipinapasok sa Lunsod ni David ang Kaban ng Tipan, si Mical, anak na babae ni Saul ay dumungaw sa bintana. Nang makita niyang si David ay nagsasasayaw sa tuwa at siya'y labis na nainis.
Walang pakialam si Haring David sa mga tao, basta pinupuri niya ang Panginoon. Sa panahon ngayon sa Church nalang tayo nakakapagpuri, Bakit hindi araw araw... gusto ko gawin yan pero kumukuha pa ako ng tamang oras.
Mangangaral 8:6
May kanya-kanyang panahon at paraan para sa lahat ng bagay ngunit di natin ito lubusang nalalaman.
Excited ako dahil maraming plano sakin ang Panginoon.
Basta mag antay lang ako..
salamat sa pagbabasa kapatid.
Mahal ka ni Lord.
JA
BINABASA MO ANG
Pangyayari kasama ang Panginoon
SpiritualThis is My Experience in my Everyday life. How God move in me and How He will do more Tara samahan niyo ako sa takbo ng buhay ko, :) Naniniwala ako na kung ano man ang hinaharap kong pagsubok ay nararanasan mo rin kaya kung feeling mo nag iis...