2 Corinthians 9:7
7 Each of you should give what you have decided in your heart to give, not reluctantly or under compulsion, for God loves a cheerful giver.
Nagbigay ka na ba ng di masama ang loob mo?
Walang hinihinging kapalit?
o di kaya
Nagbigay ka ng di mo na sinasabi?
Ako may mga pagkakataon na lahat na gawa ko pero hindi palagi.
Minsan nasa jeep ako papunta akong Eastwood. Nasa 20th ave may sumakay na dalawang lalaki at nanghihingi ng konting donasyon para sa isang kasamahan nilang basorero. Di na ako nagdalawang isip na magbigay ng pera dahil sa pagiging Kristyano ko.
Pero pag dating sa dulo ng 20th ave may sumakay naman na mag-ina, lahat kami binigyan ng sobre. Di maganda ang pakiramdam ko sa mag-ina, hindi ko din alam kung bakit, pero isa lang ang nakita kong sagot na tumatakbo sa isip ko.
Isa kang ina na umaasa nalang sa bigay ng iba para sa iyong anak... Isip ninyo baka masama na ako
kahit ako din nasabi ko napakasama ko.
Kung araw-araw ganun at ganun lang din talaga ang ginagawa niya tama ba kaya?
Hindi ko mabigyan ang babae ng bukal sa loob ko, dahil lagi akong hinahawakan binigyan ko nalang pero kumpara sa dalawang binata mas kaunti lang ang binigay ko.
Sa isip ko may dalawang nagtatalo.
Yung dalawang binata nabigyan mo walang sama ng loob
pero yung mag-ina hindi
Nagkamali nga siguro ako sa ganung aksyon kaya ako'y nagdasal sa Panginoon na ako'y patawarin sa bagay na di ko maintindihan kung tama nga ba o mali. Dahil Kayo lang po ang nakakaalam.
Minsan sa mundong to di mo alam kung nasusunod mo nga ba ang kagustuhan ng Panginoon o hindi.
Pano mo nga ba malalaman? Siyempre kapatid magbasa ka ng Bibliya.
Walang mawawala sa pagbibigay ng oras sa Panginoon.
Kapatid hiram lang natin ang ating buhay kaya wag mong sabihing sayo ang lahat ng pinagpapaguran mo.
Kaya sabi ng Panginoong Jesus magbigay ka ng walang kapalit.
wag ka mag-alala sa mawawala dahil anjan ang Panginoon nakikita ang lahat ng ginagawa mo.
God Bless you Lagi. May God's favor be Done in your life kapatid.
BINABASA MO ANG
Pangyayari kasama ang Panginoon
EspiritualThis is My Experience in my Everyday life. How God move in me and How He will do more Tara samahan niyo ako sa takbo ng buhay ko, :) Naniniwala ako na kung ano man ang hinaharap kong pagsubok ay nararanasan mo rin kaya kung feeling mo nag iis...