A/N : Sorry wala yung 8, katulad nung 7 medyo marami akong hinarap na problem, na di naman bago. Pero salamat sa mga nag babasa nito.
This Day, nagpunta ako sa Tondo, dahil may cell group akong inumpisahan.
More like story telling ako this day dahil karamihan sa nakinig ay mga bata. Tinanong ko sila if they know who is Abraham, Isaac, Joseph.
And sad lang dahil di nila kilala
Abraham is father of faith dahil pinangakuan siya ng Panginoon
Genesis 15:5
Dinala siya ni Yahweh sa labas at sinabi sa kanya, " Tumingin ka sa langit at masdan mo ang mga bituin! Mabibilang mo ba iyan? Ganyan karami ang magiging lahi mo."
at dito naniwala si Abraham na ganun nga karami ang kanyang magiging lahi, kahit alam niyang wala siyang anak ng mga panahon na sinabi ng panginoon sakanya yun.
Faith, ganyan sila katatag noon, to the point kahit patayin ni Abraham ang kanyang kaisa-isang anak na si Isaac sinunod nya parin ang utos ng Panginoon,
Pero di niya alam siya lang pala ay sinusubok ng Panginoon, at si Isaac, dahil nananmpalataya din siya sa Panginoon hahayaan niyang siya'y patayin.
Diba grabeng faith yan, kahit kamatayan di k papapigil.
My Verse nga eh
John 14:6
alam na ninyo yan, binigay ko na yan sa unang sulat ko.
If you Believe Jesus as you Savior then you will walk like Christ did,
Mateo 16:24
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, "Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin.
Maraming tinanggap lang si Jesus pero paulit ulit parin sa mga makasalanang gawain. Nakita na siguro ni Jesus ito kaya sinabi niya pasanin ang kanyang krus, na ibig sabihin, para sa akin ay ang hirap ang bigat ng krus na binuhat niya. Di man literal na krus ang tinutukoy ko pero ito ay sing bigat din ng mga pagsubok na tinatahak mo.
Tandaan mo, di ka nag iisa, lagi kang may kasama na laging nagaantay lang sayo na tawagin mo siya sa buhay mo. Di mo alam kung gaano siya kasaya pag tinanggap mo si Jesus sa buhay mo. Isang fiesta sa langit ang magdiriwang sa pagtanggap mo sakanya.
Lagi mo ding isipin na lahat ng tao sa mundo may kinakaharap na problema kaya di lang ikaw...
Si LordJesus mahal ka, kaya wag ka malungkot na walang nagmamahal sayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/36646166-288-k274361.jpg)
BINABASA MO ANG
Pangyayari kasama ang Panginoon
EspiritualThis is My Experience in my Everyday life. How God move in me and How He will do more Tara samahan niyo ako sa takbo ng buhay ko, :) Naniniwala ako na kung ano man ang hinaharap kong pagsubok ay nararanasan mo rin kaya kung feeling mo nag iis...