Negatibo

146 10 0
                                    

A/N: Kamusta ka na kapatid? matagal din akong di nakapag kwento sayo at ako'y humihingi ng paumanhin sayo.



Kapatid ano napagdadaanan mo ngayon?


Nakaramdam ka ba minsan ng kasawaan sa mundo?

naku di magandang senyales yan.


Eh Naiinis ka ba sa kapit bahay mo?


Nagdadamdam ka ba sa minamahal mo?


Nagseselos ka ba ?


Nakakaramdam ka ba ng kalungkutan?


Mga bagay na negatibo?



Alam ko pakiramdam mo, mas gusto mo tawagin ang tropa, makipag inuman nalang hanggang sa malasing ka at makatulog pagkatapos kinabukasan uulitin mo lang ang ginawa mo hanggang sa mamatay ka


Kapatid kung kilala mo lang si Lord Jesus, tingin ko di ka makakaramdam ng mga bagay na negatibo.


Juan 11:25 Magandang Balita


Sinabi sa kanya ni Jesus "Ako ang nagbibigay-buhay at muling pagkabuhay. Ang sinumang sumampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay



Ito ang maganda sa salita ng Diyos kapatid.


Pwedeng literal at pwedeng hindi. Kung makikilala mo ng lubusan ang Diyos tingin ko araw araw kakaibang pakikipagsapalaran mapapala mo kasama Siya.


Minsan nalulungkot ako sa iba kong kaibigan na sarado ang tenga at sarado ng mga mata.


napapatanong ako sa sarili ko


Ano ba dapat ikahiya kung si Jesus ang magandang balita?


mabuti pa ang kalaswaan matyagang pinapakinggan, mga pananakit ng kapwa, pag yayabang.



Pero si Jesus na nagligtas ng buhay mo di mo maibida sayo.


si superman iniidolo, si batman


pero si Jesus na napako sa krus na nagligtas ng buhay mo di mo magaya.


nasa salita na mismo ng Diyos,


kung wala sa buhay mo si Jesus para kang patay na patuloy lang naglalakad sa mundong ito.


Kaya kapatid kung sa tingin mo wala ng nagmamalasakit sayo.


Tumingin ka sa taas, malaki ang pagmamahal Niya sayo, ginagawa Niya ang lahat ng paraan para lang makilala mo Siya.

Hindi pa huli ang lahat.


Inaantay ka Niya, na muli kang magbalik sa una nagmahal sayo.



Mahal ka ni Jesus.


Pinapanalangin ko na gabayan ka ng Panginoon sa bawat landas na tinatahak mo. Buksan mo lang ang puso mo Sa Kanya.



God Bless you.



JA

Pangyayari kasama ang PanginoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon