April 25

144 12 0
                                    

A/N: Masaya ako nang araw na toh'



Alam mo yung feeling mo na gusto mo rin ishare sa mga kaibigan, katrabaho, kapitbahay ang magandang balita..


Masyado akong despirada sa pag share sa dalawang kaofficemate and also may friends about the word of God. Kaya dinaan ko sa cartoon style ang pagkekwento ko ..


Kinuwento ko sa kanila yung para sakin na napangiti ako ay yung parte kung san nagusap ang Panginoon at si Abraham

Sinabi ng Panginoon na wawasakin niya ang Sodoma at Gomorra dahil sa madaming kasalanang ginagawa ng bansang ito.


Genesis 18:23-33

23: Itinanong ni Abraham, "Lilipunin po ba ninyo ang lahat ng tao, ang mabubuti kasama ng masasama?

24 Sakali pong may limampung mabubuting tao sa lunsod, wawasakin pa rin ba ninyo iyon? Hindi po ba ninyo papatawarin ang lunsod alang-alang sa limampung iyon?

25 Naniniwala po akong hindi ninyo idaramay ang mabubuti. Hindi ninyo gagawin iyon sapagkat kung ganito ang mangyayari, parehong magdurusa ang masama at ang mabuti. Hindi ninyo magagawa iyon! Makatarungan ang Hukom ng buong daigdig!"

26 At sumagot si Yahweh, "Hindi ko wawasakin ang lunsod alang-alang sa limampung mabubuting tao."

27 "Ipagpaumanhin po ninyo ang aking kapangahasan," wika ni Abraham, "wala po akong karapatang magsalita sa inyo, sapagkat akoy'y isang haak na tao lamang.

28 Kung wala pong limampu, at apatnapu't lima lamang ang mabubuti, wawasakin pa rin ba ninyo ang lunsod?"

"Hindi, hindi ko wawasakin, alang-alang sa apatnapu't limang iyon," tugon ni Yahweh.

29 Nagtanong muli si Abraham, "Kung apatnapu lamang?"

"Hindi ko wawasakin ang lunsod alang-alang sa apatnapung iyo," tugon sa kanya

30 "Huwag sana kayong mgagalit, magtatanong pa ako, Kung tatlumpu lamang ang mabubuting tao roon, wawasakin ba ninyo?"

Sinagot siya, "Hindi ko wawasakin ang lunsod alang-alang sa tatlumpung iyon"

31 Sinabi pa ni Abraham, "Mangangahas po uli ako. Kung dalawampu nalamang ang mabubuting tao roon?"

"Hindi ko pa rin wawasakin ang lunsod alang-alang sa dalawampung iyon," muling sagot sa kanya.

32 Sa hulinh pagkakataon nagtanong si Abraham, "Ito na po lamang ang itatanong ko: Paano po kung sampu lamang ang mabubuting tao roon?"

"Hindi ko parin wawasakin ang lunsod alang-alang sa sampung iyon," Sagot ni Yahweh.

33 Pagakasabi nito, umalis na si Yahweh at umuwi naman si Abraham.


Napangiti ako kasi habang binabasa ko ito parang magkaibigan lamang sila ng Panginoon,

Kapatid kung makikilala mo ang Panginoon naku baka maging ganyan din kayo kaclose tulad ni Abraham.



nanahan satin ang Panginoon kapatid.



God Bless you..


JA


Pangyayari kasama ang PanginoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon