Ang kawal ng Panginoon

141 11 7
                                    

A/N: Magandang Gabi kapatid. Kamusta ka na? 


Akala mo sa araw - araw na dinaranas mo ay nagkataon lang, pero mali ka. Ito ay araw-araw na laban mo sa espiritual na mundo.

Marami sa atin ang kulang sa kaalaman lalong - lalo na sa Banal na Kasulatan. Pag sa

 umaga, dahil ayaw mo malate nagmamadali ka pero pag dating mo late ka parin. Akala mo walang espiritual battle na nangyayari ... pwes ito sasabihin ko sayo! Meron kapatid!


Ibubulong sayo ni taning, "madismaya ka, mainis ka sa katabi mo, sisihin mo kapatid mo" 

Pero ibubulong sayo ng Banal na Espiritu "Huminahon ka lang, wala kang dapat sisihin, aagahan mo nalang ulit bukas"

Grabeng laba diba..

Your mind is the battlefield, wag mo hayaang matalo ka sa ginagawa ni taning..

Sa dami mo ng alam na kasulatan sa Banal na Aklat. Ang unang-una makakakonsensya sayo ay ang 


Tradisyon. Nakaugalian na kasi, kaya akala mo tama lang. Ito kasi ginagawa nila kaya tama lang ang ginagawa mo.

Kapatid tandaan mo to sabi ni Paul sa mga taga Corinto

1 Corinto 1:27

Subalit pinili ng Diyos ang mga naturingang hangal sa sanlibutan upang hiyain ang mga marurunong, at pinili niya ang mga naturingang mahihina upang hiyain  na mga malalakas

At sinabihan/Pinaalalahanan din ni Paul si Timoteo

1 Timoteo 1:4

At huwag nilang pag aksayan ng panahon ang mga alamat at mahahabang talaan ng mga angkan. Iyan ay pinagmumulan lamang ng mga pagtatalo at hindi nakakatulong sa tao upang matupad ang plano ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya

Marami sa atin dahil sa nakaugalian ay dun nalang tayo. 

Pero ito ay mali pala. Gusto ng Panginoong Jesus na manampalataya tayo sa kanya, at wag na tayo maniwala sa kung ano man ang pinapakita ni taning sa mundong ito.

Kapatid ang mundong ito'y malapit ng mawala, kailan mo pa gagamitin ang armas  ng Panginoon?




A/N: Unang bahagi. Pasensya na mga kapatid ah sobrang madami akong battle na nangyayari sa buhay ko kaya di ako nakapag paramdam. Lagi kong Ipinagdarasal sa Panginoong Jesus na sumainyo nawa ang Espiritu ng Panginoon. Amen!



Pangyayari kasama ang PanginoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon