THE CHILDISH MAFIA LORD
Written by: Krizzybabes
KATRINA'S POV
Dahil nga sa umalis ako sa eksena doon sa pathway kanina ay agad rin'g sumunod sa akin si Tristan kaya naiwan na lang si Jared para makipag talo sa ex-girlfriend nya'ng baliw. Magkasama kaming hinahap kung saang section kami nabibilang sa nakapa-scale na lists dito sa covered court para mas mabilis namin iyong mahanap.
"So this is what it feels like kapag nasa school ka." Amazed na sabi ni Tristan habang lingon nang lingon sa aming paligid. "Look at them Trina they seemed so happy." He added habang nakatanaw sa mga studyanteng mag kakaibigang masaya dahil muling nag kita ngayong first day of class, halatang excited mag kuwentuhan tungkol sa nag daang bakasyon.
"Yup, because they missed each other." I responded in a matter of fact tone habang patuloy parin sa pag hahanap ng pangalan namin per section ng bawa't grade level.
"Why would they? Ilang taon ba bago nila nakita ang isa't isa?" He asked at sakto namang nakita ko na rin ang pangalan namin sa first section kaya agad ko sya'ng hinarap tsaka inirapan.
"Only three months Tristan, dahil sa bakasyon." Naiiritang tugon ko na rito at muli na namang umirap 'saka ko sya nilampasan at nag patiunang mag lakad.
As usual, dahil gwapo si Tristan ay sya na naman ang center of attraction ng mga schoolmates naming gwapo hunters.
"Girl tingnan mo ohhh ang gwapo nya" Rinig kong bulong ng isang babae na para bang kinikilig pa.
"Mas gwapo pa sya kay Jared Balbuena girl, yung anak ng may-ari ng school na campus heartrob?" Ani naman nong isa, habang nakatanga lang kay Tristan na para ba'ng di sya makapaniwalang makakakita sya ng kasing gwapo ni Tristan na naka sunod lang sa likuran ko at halata sa mukha ang pag tataka.
"Oo nga ehh, same level kaya natin sya? O baka senior na. Ang gwapo nya kasi ehh."
"Omg! Parang na inlove ako agad sa kaniya."
"Kung junior man natin sya, I swear kakalimutan ko na yung sinabi kong hinding-hindi ako papatol sa bata"
Samo't saring kumento at bulungan na naririnig ko kaya agad akong napakamot sa aking. Diyos ko! Mas sasakit pa ata ngayon yung ulo ko. Ano ba yan! Bulungan here, bulungan there, bulong-bulongan everywhere.
Bigla na lang may humawak sa kamay ko at pinag intertwined ang mga daliri namin dahilan para matigilan ako at kumabog ng husto ang dibdib ko dahil sa sobrang pagkabigla. Agad ko itong binalingan at kitang kita ko ang pag tataka sa mga mata nya. It's Tristan at tila naninibago sa dami ng studyanteng nakikita at mga matang nakatitig lang sa kanya.
"Why are they looking at me like that Trina? May ginawa ba'kong masama sa kanila?" Kinakabahang tanong nito sa akin kaya di'ko maiwasang matawa dahil sa reaksyon nito, para sya'ng napa-paranoid. Social anxiety huh? Kung mga mafia boss at makapangyarihang criminal sa mundo hindi natatako pero dito sa school natatakot? Tsss, mapag tripan nga.
"Oo galit sila sa'yo at gusto ka nilang lapain ng buhay hanggang sa mapira-piraso yang buto't balat mo." Pananakot ko rito, agad namang sumilay ang takot sa mga mata nya at siniksik ang katawan nya sa katawan akin.
HAHAHAH HAHAHAAH! Sarap nya palang pag tripan, uto-uto. Sabagay matagal na.
"Don't leave me ok?" Natatakot na sabi nito kaya agad akong natawa at napailing. Nag patuloy kami sa pag lalakad ng magkahawak kamay dahil ayaw nya talaga akong bitawan kaya hinayaan ko na lang din. Nang makarating kami sa loob ng classroom ay kami parin ni Tristan ang center of attention pero hindi ko na lang pinansin at dire-deretso lang sa pag lalakad tsaka sapilitang tinanggal ang kamay ni Tristan.
YOU ARE READING
THE CHILDISH MAFIA LORD
Teen FictionSYNOPSIS: Tristan Angelo Montañes, a 18-year-old with the looks of a handsome teenager but the has the personality of a 3-year-old, was disowned by his father due to his childish demeanor. Despite this, Tristan's life remains peaceful as he dedicate...