THE CHILDISH MAFIA LORD
Written by: Krizzybabes
KATRINA'S POV
Nang matapos naming makuha lahat ng kailangan ay agad na kami'ng dumeretso ni Tristan sa mansyon nila, para mag ayos. We decided to prepare at the same place para mas maging madali para sa amin pag mag kasama kami, kasi hindi na namin kailangang magkita kung saan at para magkasabay na rin kami'ng pupunta sa Vigotski's cruise ship. Napili namin na sa mansyon nya pumunta dahil hindi pwedeng malaman ni mommy ang tungkol sa pupuntahan naming party ni Tristan kasi sure akong mag fe- freak-out ito at pipigilan kami sa kailangan naming gawin.
Nang matapos kong ayusan ang aking sarili ay agad kong tiningnan ang repleksyon ko sa salamin upang sukatin ang sarili ko. I'm wearing a red fitted lacey gown na may slit hanggang sa aking kaliwang hita dahilan para lumantad ang aking mahabang binti. Kitang-kita rin ang aking malalim na cleavage dahil sa disenyo ng gown na suot na mas bumagay dahil sa magandang hubog ng katawan ko.
Mas naging elegante din ito dahil sa golden sequence na desenyo at ginawang pattern upang gawing elegante sa mata kahit na simple lang ang gown ay mas naging kaaya-aya. Kapag ganito ang suot ko ay hindi talaga ako nag mumukhang 17 year's old dahil sa tangkad at magandang hubog ng aking katawan, I literally looks like a twenty two year old woman everytime I wear this kind of outfits. Nakalugay lang ang mahaba at curly kong buhok sa likuran dahil ginaya ko ang pag-kaka-style ng buhok ni Catriona Gray habang suot nya ang lava dress nya.
Pagkatapos pag masdan ang sarili sa salamin ay lumabas na ako ng kwarto para hanapin si Tristan, hawak-hawak ko sa kaliwang kamay ang simpleng red mascara na gold pattern gaya ng gown na suot ko.
I wonder anong itsura ni Tristan ngayong gabi?
Dahan-dahan akong bumaba sa mahabang staircase ng second floor dito sa mansion, pababa sa first floor. Masyado kasing malaki ang mansion nila, may be a three times bigger and wider than ours kaya di'ko maiwasang ngumanga at humanga kahit na galing din ako sa marangyang pamilya.
"Ang bagal mo mag lakad." Kumento ng boses na nag mumula sa aking likura dahilan para mapabaling ako rito.
It's Tristan at agad ko sya'ng pinandilatan ng mata dahil sa sinabi nya sa akin. "Wow, kasalanan ko pang antaas ng hagdan mo. Nahiya naman ang mukha ko pag binilisan ko at nasubsob sa makintab at kulay ginto mo'ng staircase." Puno ng sarkasmong 'ika ko habang patuloy na buma-baba sa hagdan ng may ibayong pag iingat.
Tinawanan lang nito ang sinabi ko habang sumusunod lang din sa akin pababa. Tsk, 'di man lang ako inalalayang bumaba. Kahit kailan talaga walang kwenta ang isip batang 'to! gwapong mukha lang ata biyaya sa lalaking sa kanya ehh.
Nang tuluyan na kami'ng nakarating sa ground floor kung nasaan ang mahabang sofa nya ay agad akong humarap sa kaniya at salubong ang kilay na tumitig rito. He's wearing the suit that I picked for him earlier, he looked so gorgeous on it specifically because of his topknot hairstyle. Agad na napalitan ng pagka-mangha ang inis na naramdaman ko sa kaniya kanina dahil sa napaka angas at napaka gwapo nya'ng dating ngayon sa harapan ko.
Ewan ko lang kung paano naisip ng lalaking 'to na e-topknot ang buhok nya. I mean, he looked handsome with his usual hairstyle but this one hit's different. Mukha na sya'ng normal na Mafia boss dahil sa natural na angas ng pag kakaayos at features ng mukha nya. I can't even take my eyes of him, he looks so pleasing. His pointed nose, natural and kissable thin red lips and his perfectly shaped jaws, everything about him right now is so amazing.
YOU ARE READING
THE CHILDISH MAFIA LORD
Teen FictionSYNOPSIS: Tristan Angelo Montañes, a 18-year-old with the looks of a handsome teenager but the has the personality of a 3-year-old, was disowned by his father due to his childish demeanor. Despite this, Tristan's life remains peaceful as he dedicate...