CHAPTER 2

868 77 16
                                    

THE CHILDISH MAFIA LORD

Written by: Krizzybabes

KATRINA'S POV

Kasama ko si papa na nag lalakad papasok sa hideout nila ng grupo nya kung saan nakatambay si Lord Tristan ngayon, kaya di ko maiwasang kabahan dahil makikipag kilala ako sa isang kilalang halimaw sa underworld. Oo, halos kasing edad ko lang sya pero di ko maiwasang kabahan dahil baka hindi nya magustuhan ang presenya ko at dahil na rin sa sya ang makakasama ko sa araw- araw na gawain.

He's one of the most dangerous man in the underground world at kilalang-kilala ang pangalan nya bilang isa sa kinatatakutang mafia lord sa buong Asya. Most mafia bosses were afraid to mess up with him because they knew that he can destroy them and I think that he can do better without me. Sa totoo lang ay hindi ko rin maintindihan si papa kung bakit kailangan kong protektahan si Lord Tristan eh alam ko namang kaya nyang protektahan ang sarili nya.

"Act formal Trina, dapat magustuhan ka ni lord Tristan dahil ikaw ang naatasang mag bantay at mag protekta sa kanya. Ngunit bago mo munang makuha ang loob nya dahil mapili sya sa mga taong nasa paligid nya." Sabi ng papa ko na mas nag patindi ng tensyon na aking nararamdaman.

Gosh! sana naman hindi sya kasing strikto at kasing sungit gaya ng inaasahan ko. Mahinang hiling ko sa aking isipan habang kinakabahang nag lalakad kasama ng aking ama. Hindi ko pinapahalatang kabado akong makaharap ang isa sa pinaka mataas, kilalang negosyante at pinaka matinik na mafia lord sa buong under world, si lord Tristan. Ang lalaking pumatay sa 55 ka-tao na naging dahilan ng pagka- coma ng daddy nyang si Tito Theo, ang kaibigan ng papa ko. Siguro nga halos magka edad lang kaming dalawa at magaling akong makipaglaban tsaka gumamit ng mga sandata pero di ko maiwasang kabahan dahil dumaan na sya sa matinding laban at napatay nya pa lahat ng taong nanakit sa papa nya ng nag-iisa kaya ako kinakabahan.

"Are you ok Katrina? Tahimik ka ata?" Tanong ni papa na nag pabalik sakin sa realidad mula sa pinag iisip ko.

"Wala po pa, iniisip ko lang po kung paano ko kukunin ang loob ni lord Tristan, sabi nyo nga po diba? mapili sya sa mga nakakasama nya at baka di nya ako magustuhan." Sabi ko na lang rito at pilit na ngumiti, tinatago ang kabang aking nararamdaman. Tinanguan lang naman nya ako at nag patuloy na sa pag lalakad kaya sumunod lang rin ako sa kaniya.

Habang papalapit kami ni papa sa opisina ni lord Tristan, ay may naririnig akong mga kalabog at sigawan sa loob kaya mas lalong tumindi ang aking kaba. Tiningnan ko si papa at nakangiti lamang ito habang umiling. "Si Tristan talaga." Sabi nito na parang alam nya na kung anong nangyayari mula sa loob.

Nag patuloy kami sa pag lalakad at may isang lalaking naka formal suit ang lumapit samin ni papa at yumuko. "Anong nangyayari sa loob?" Walang kabuhay-buhay na tanong ni papa rito kaya napalunok ako.

"Si lord Tristan po master Kio nag wawala sa loob." Sagot naman nito kaya napabuntong hininga na lang ang aking ama. Binuksan na ni papa ang pintuan ng opisina ni Lord Tristan at naabutan namin ang nag kalat na mga laruan sa sahig ng opisina kaya napa nganga ako.

Laruan? May bata pa ba rito bukod kay Lord Tristan? Muling may kumalabog sa bandang kanan ng opisina kaya sabay-sabay kaming napalingon rito at doon namin nakita ang isang lalaking ka edaran ko na nag sisipang parang bata at tinatapon ang mga laruan na ngayon ay nag kalat na sa sahig.

"Give me, my goodamn milk now!"
Sigaw nito. Wew.

Luminga ito sa gawi namin making me see the full portion of his handsome face. Kissable thin pink lips, perfect jawlines, his pointed perfect nose, and his hazelnut eyes were looking at me for a couple of minutes. Gosh, he's so gorgeous, sino naman kaya ang isang 'to? Tanong ko sa isip ko habang nakatitig parin sa lalaking nasa harapan namin. Inilipat nito ang tingin sa ama ko at tumayo saka nag lakad papalapit sa amin.

THE CHILDISH MAFIA LORDWhere stories live. Discover now