THE CHILDISH MAFIA LORD
Written by: Krizzybabes
KATRINA
Nagising ako na nasa kama na ako ng aking kwarto at may benda na rin ang sugat na natamo dahil sa saksak na inabot ko mula doon sa mga lalaking gustong gumahasa sa'kin. Kumikirot parin ang tagiliran ko at may IV-fluid na nakakabit sakin kaya kumunot ang noo ko.
Siguro kumuha ng private doctor si mama para dito nalang ako sa bahay ipagamot.
"Hay!" Napabuntong hininga na lang ako ng maalala ang mga nangyari.
Biglang may pumihit sa pintuan kaya napabaling ako sa direksyon nito, at mula doon ay pumasok si Tristan na may nag aalalang ekspresyon ngunit agad din'g naging blanko ng makita akong naka-upo at nakatingin sa kanya.
"Hey!" casual na bati nito sa akin, walang ka-emo-emosyon ang mukha. "Maayos naba ang pakiramdam mo?" He asked.
Agad ko namang pinakiramdaman ang aking sarili. "Kinda?" Kunot noong tugon ko dahil hindi pa naman talaga ako maayos kasi kumikirot parin ang tagiliran ko dahil sa saksak. Ansakit.
Tumango lang ito sa'kin kaya agad na namayani ang matinding katahimikan sa pagitan naming dalawa kaya tumikhim ako at nag salita. "What are you doing here by the way?" I asked him, naiilang dahil hindi man lang sya kumukurap habang titig na titig sa akin pero tahimik lang ito at hindi sinagot ang tanong ko.
"I thought Jared was taking you home every day? Why does this thing happened to you now?" He asked instead, tinutukoy ay ang nangyari sa'kin.
Pinag kibit-balikat ko lang iyon sa kaniya. "Nawala ako sa mood ehh, kaya hindi ko nalang hinintay si Jared na ihatid ako pauwi at nag taxi nalang ako." Parang wala lang na sagot ko rito.
"Without even thinking what might happened to you?!" Madilim ang mukhang tanong nito habang nakatitig sakin. Mariin itong pumikit at tumalikod na sakin para lumabas.
"Rest now Trina, you must recover fast." Ani nito bago tuluyang lumabas.
"Sandali!" Pigil ko sa kanya kaya agad syang tumigil 'saka lumingon sakin. "C-can you tell my mom to bring me some foods? I-I'm starving." Nahihiyang pakiusap ko rito dahil sobrang seryuso nya, malayo sa Tristan na palaging kaharap ko dati.
Tumango lang sya bago tuluyang lumabas at sinara ang pinto kaya napabuntong hininga ako.
I guess we will never go back to the way we used to treat each other before.
Malungkot na ika ko tsaka bumalik sa pag kakahiga. Maya-maya pa ay may kumatok sa kwarto at pumasok mula doon ang papa at mama ko, together with Tristan and two other mens kaya kumunot ang aking noo.
May dalang pagkain si papa kaya agad akong napa-upo at agad rin'g napaigik dahil sa kirot ng aking tagiliran. "Katrina!" Puno ng pag aalalang tawag ni mama sa akin at tumakbo papalapit sa kama ko para alalayan ako.
"S-sorry mom, nagutom lang po talaga ako ehh." Malambing ani'ko rito.
"My God, darling you made me so worried." Nag aalalang ani nya habang naluluha ang mga mata kaya napangiwi ako.
Kahit kailan ay ang OA talaga ni mama.
Inilapag ni papa sa kama ang dala-dala nya at bumuntong hininga. "Eat now, Trina." My father said, kaya agad akong pumulot ng kutsara at nag simulang kumain na para bang aagawan ako ng pag kain dahil sa sunod-sunod na pag subo.
![](https://img.wattpad.com/cover/299709913-288-k396537.jpg)
YOU ARE READING
THE CHILDISH MAFIA LORD
Teen FictionSYNOPSIS: Tristan Angelo Montañes, a 18-year-old with the looks of a handsome teenager but the has the personality of a 3-year-old, was disowned by his father due to his childish demeanor. Despite this, Tristan's life remains peaceful as he dedicate...