THE CHILDISH MAFIA LORD
Written by: Krizzybabes
Isang buwan din ang lumipas nang hindi ko namamalayan dahil sa pagiging busy ko sa academics at dahil na rin sa atensyon na binibigay sa akin ni Jared kaya hindi ko na masyadong napapansin ang presensya ni Tristan at hindi namin pagkakaunawaan.
Sa loob ng isang buwan na iyon ay bumalik din ang dati nyang pag sasagot ng mga kalokohan sa mga teachers namin ngunit hindi na ngalang sya kasing kulit nang dati, nakikipag-usap na din naman sya sa iba naming ka-klase pero halata parin ang pag iwas nya sa akin.
"Hey," Pukaw ni Jared sa atensyon ko ng makarating sya sa harapan ko sabay halik sa aking pisnge.
"Hi...." Nakangiting bati ko rin pabalik sa kanya.
"Uyyyyy!" Tukso samin ng iba naming ka-klase na malapit lang sa gawi namin at nakakita sa ginawang pag halik ni Jared sa aking pisnge kaya namula ako sa hiya.
"Ikaw Katrina, ba't 'di mo nalang sagutin yan'g si Jared tutal naman para na rin kayong mag jowa sa ka-sweetan nyo?" Denver asked with his usual playful smirk whenever he's teasing us.
"HAHAHA, wag mo nga'ng madaliin si Trina. I'm willing to wait kung kailan nya ako balak sagutin , no need to rush bud, I know that she still wants to focus on her academics right now, and besides she needs time." Saway ni Jared sa kaibigan nya nang hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang mga labi kaya napatingin ako sa kanya at napatitig.
Naka-akbay sa upuan ko ang kanang braso nya kaya napangiti ako, kahit kailan kasi talaga ay napaka gentleman nya; yun ang dahilan kaya mas lalo akong nag kaka-gusto sa kanya.
Nadaanan ng paningin ko si Tristan na nakatingin din sa gawi namin na may blangkong ekspresyon, ngunit agad din itong nag iwas ng tingin matapos makitang nakatanaw din ako sa gawi nya.
"Hey, nag review ka'ba?" Jared asked with his usual charming smile kaya napangiti rin ako, maybe nahawa lang sa ganda ng ngiti nya.
"Yup! You know, ako pa ba?" Nakangiti ani ko sa nag mamalaking tono kaya natawa ito tsaka ginulo ang buhok ko.
"Alam nyo kayong dalawa......hindi halatang nasa 'ligawan stage' pa lang. Para kasing mag-on na talaga kayo dahil sa mga kilos nyo ehh." Ani ng isang ka-klase naming si Jhoanna kaya napayuko ako. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin ako sanay na napapansin nila or kina-kausap nila ako kaya it ends up na si Jared ang taga sagot sa kanila dahil hindi naman ako kumportable.
"Maybe ganon lang talaga kami ni Trina, Jhoanna. We don't actually find it sweet, maybe it's our natural way on treating each other because we're both comfortable." He explained with a smile on his handsome face, dahilan para mas lalo pa akong humanga sa kanya.
Magaling sya'ng makipag sagutan at mas lalong kaya nyang i-handle ang isang usapan o sitwasyon na katulad nito ng hindi sya naiilang. Masyado syang maraming kayang gawin ng hindi ko kaya kaya mas lalo akong nag kaka-crush sa kanya.
"Guys, andyan na si ma'am!" Huma-hangos na sigaw ng classmate ko habang tumatakbo papasok dito sa loob kaya agad rin'g nag sibalikan ang mga classmates naming magulo kanina. Bumalik na rin si Tristan sa proper seat nya which is sa tabi ko pero walang namutawing salita mula sa bibig nya kaya patuloy lang ako sa pag tingin sa kanya.
Alam kong nararamdaman nya ang mga titig ko sa kanya pero sina-sawalang bahala nya lamang ito. Sya pa'ba? Eh ang lakas ng pakiramdam nyan sa paligid ehh. Tsk.
![](https://img.wattpad.com/cover/299709913-288-k396537.jpg)
YOU ARE READING
THE CHILDISH MAFIA LORD
Ficção AdolescenteSYNOPSIS: Tristan Angelo Montañes, a 18-year-old with the looks of a handsome teenager but the has the personality of a 3-year-old, was disowned by his father due to his childish demeanor. Despite this, Tristan's life remains peaceful as he dedicate...