THE CHILDISH MAFIA LORD
Written by: Krizzybabes
KATRINA
"Good morning everyone." Bungad ng adviser namin na si ma'am Backwards nang makapasok at makarating ito sa harapan namin.
"Good morning ma'am." Sabay-sabay na bati rin namin pabalik rito.
Bihira lang naming makita si ma'am dito sa classroom, kahit pa sya ang adviser namin ay bihira sya'ng tumambay dito dahil busy daw sya. Pumupunta naman sya dito every morning para e-check kung ano ang ginagawa namin since wala naman kaming subject sa kanya kasi sa senior highschool naman ang item na meron sya, isang General Mathematics, statistics and probability teacher. Wow hanep, ang talino!
"So, natanggap ko na ang mga grades at exam results nyo from last week. And so far, wala namang sobrang bumaba ang grades sa inyo, maybe the lowest grade is 85 and the highest grade so far is 99." Sabi nito kaya napapalakpak ang halos lahat dahil sa magandang balita.
"All of you have high grades pero pumili lang ako ng top 10, na may pinaka matataas na general average sa inyo, to be part of classroom awardees
but almost everyone of you here are part of the honors list kaya wag sasama ang loob nyo." Nakangiting ani nito na para bang proud na proud sa amin kaya mas napahiyaw ang marami dahil sa saya."Some of you is also part of the top 10 last year pero may iba rin'g bagong kasali sa highest 10 and it's 'very shocking'.... specially the rank 1. " Nakangising sabi nito kaya mas lalo kaming na-excite lahat dahil diniinan talaga ni ma'am ang pag-kakasabi ng very shocking na part.
"Sige na ma'am sabihin mo na sa'min."
"Wahhh, sino kaya ang rank 1? For sure isa lang kina Ivory at Katrina yan. Sila lang naman talagang dalawa ang laging nag aagawan sa rank 1 position ehh."
"Ma'am sabihin nyo na po."
"Pusta ko si Ivory yan."
"Hindi si Trina...."
Kanya-kanyang sabi ng mga classmates ko at agad naman kaming nag katinhinan ni Ivory sa isa't isa. Agad nya akong siniringan ng mata tsaka ngumiti sa kaibigan nyang si Syl.
"Tsk, malay mo naman si Tristan diba?" Sabi naman nung isa naming ka-klaseng lalaki kaya agad na nag tawanan ang lahat dahilan para mainis ako. Alam kong sinadya nyang isingit yun sa usapan para gawing katatawanan si Tristan kaya 'diko maiwasang mainis.
Speaking of Tristan, agad umikot ang mga mata ko sa loob ng classroom para hanapin ang lalaking yun ngunit agad ring napabuntong hininga ng hindi ito nakita. Hindi pa ata sya dumadating o nandoon na naman ang lalaking yun sa rooftop dahil nandoon naman yun palagi ehh, imposibleng wala pa sya dahil mas maaga pa'ng magising ang isang yun kaysa sa lamok.
"Ok, I'll start announcing from the top 10. Anyone who's being called, please stand up and come here infront." Sabi ni ma'am kaya nanahimik na ang lahat.
"Top 10, we have...... Ms. Sylviana Mondragon." Magiliw na anonsyo ni ma'am kaya napatalon-talon si Syl sa saya.
"Top 9, mr. Apaul Manzanares. Top 8 ms. Rhea Alqueza. Top 7, Ms. Joysie Jimenez. Top 6, we have Aidan Arroyo. top 5, ms. Ellaine Demitillo. Top 4 Mr. Ghent Concepcion." Masayang sabi ni ma'am kaya sunod-sunod na nag sitayuan ang mga tinawag nito para pumupunta sa harap at kunin ang mga certificate nila.
YOU ARE READING
THE CHILDISH MAFIA LORD
Fiksi RemajaSYNOPSIS: Tristan Angelo Montañes, a 18-year-old with the looks of a handsome teenager but the has the personality of a 3-year-old, was disowned by his father due to his childish demeanor. Despite this, Tristan's life remains peaceful as he dedicate...