THE CHILDISH MAFIA LORD
Written by: Krizzybabes
KATRINA'S P.O.V
Nandito na kami ngayon sa harapan ng kompanya ni Tristan, hinihingal na nakatayo dahil sa pag daan namin sa masisikot at masikip na daan para iwasan lahat ng mga lalaking naka itim na damit at may mga dalang baril bahang hila-hila ako ni Tristan. Tama sya, mga kalaban nga ang mga lalaking yun, at hindi lang silang tatlo na sumusunod sa amin, dahil marami pa silang kasama na naka bantay sa dapat naming daanan kanina ni Tristan at yung iba naman ay nakabantay na sa daanan namin pero marami kaming dinaanan na pasikot-sikot ni Tristan hanggang sa nakarating kami rito ng ligtas at walang mga pasa o galos sa katawan.
"Ma'am, sir, ayos lang po ba kayo?" Takhang tanong ng gwardya na lumapit sa gawi namin dahil panay ang pag hahabol namin ng hininga.
Does it look like we're ok sa lagay nato? Ikaw nga tumakas sa mga kalaban ng hindi napapansin tingnan natin kung di ka rin hingalin pabalik dito.
"Y-yeah, we're fine now." Hingal na sagot ni Tristan sa security na lumapit sa amin. Sabay na kaming naglakad papasok sa loob kahit pagod na pagod pa rin kami sa katatakbo namin kanina, kung nakita nila kami kanina sure akong di na kami makakabalik ng buhay ngayon dito lalo na't andami nila at wala pa kaming dalang mga armas ni Tristan.
"What took the both of you so long?" Tanong na bumungad sa amin pagkapasok sa loob ng opisina ni Tristan kaya agad kaming napaharap sa boses na pinanggalingan nito. Si papa, salubong ang mga kilay at halatang naaasar habang nakatitig samin.
"I'm sorry dad, inabangan po kasi kami ni Tristan sa daan kaya mas malayo po yung dinaanan namin para makaiwas sa kanila." Paliwanag ko rito kaya agad na napatayo si papa at ngayon ay halata na sa mukha nya ang labis na pag aalala.
Is this true? Si papa nag aalala sa akin? Ngayon lang ata nangyari ang bagay na to sa tanang buhay ko.
Agad nawala ang pag aalala sa mukha nya at napalitan ito ng lamig. "What do you mean?" He coldly asked, his eyes were void of emotions after confirming na maayos kami.
"May dalawang buhay sa kanila ninong." Sabat ni Tristan kaya sabay kaming napalingon sa kanya ni papa, nakaupo na sya ngayon sa sofa malapit sa mini-playground nya at nasa malayo ang tingin. " I guess they're here to take a revenge to me, I didn't know they survive after what I did." Seryusong dagdag pa nito tsaka lumingon sa gawi namin ni papa kaya agad akong kinalibutan dahil sumilay ang nag liliyab na galit sa kanyang mga mata.
Ngayon ko lang sya nakitang ganito kaya mas lalo akong nagiging curious sa personality nya, napaka misteryuso nya'ng tao, minsan isip bata pero minsan nakakatakot, but the only thing I was sure of, is that he's dangerous, he's the most dangerous man I could ever imagine at napatunayan ko yun habang tumatakas kami kanina.
Bumaba ang tingin ko sa kamay nya'ng ngayon ay nakakuyom na at sa umiigting nyang panga, maging sa mga mata nya'ng nag liliyab sa galit. Halatang galit na galit na sya kaya agad akong napalunok, Ano bang nangyayari sa kanya? He seemed so scary, kahit ako ay natatakot ngayon sa aura na binibigay nya at halos hindi ako makaimik dahil sa takot.
"Starting today, I don't want the both of you to get out without any bodyguards beside you. And starting today, mas dadagdagan ko pa ang mga bodyguards nyo." Sabi naman ni papa na nakaagaw ng atensyon ko. Pagkatapos n'on ay lumabas sya ng opisina at tuluyan ng umalis kaya dalawa na lang kami ni Tristan ang naiwan dahilan para mamayani sa buong opisina ang katahimikan.
![](https://img.wattpad.com/cover/299709913-288-k396537.jpg)
YOU ARE READING
THE CHILDISH MAFIA LORD
Teen FictionSYNOPSIS: Tristan Angelo Montañes, a 18-year-old with the looks of a handsome teenager but the has the personality of a 3-year-old, was disowned by his father due to his childish demeanor. Despite this, Tristan's life remains peaceful as he dedicate...