THE CHILDISH MAFIA LORD
Krizzybabes
KATRINA
"Trina..." Mahinang bulong ni Tristan sa pangalan ko at ramdam ko ang pangamba sa boses nya habang tinitingnan ang reaksyon ko. Maya-maya pa'y napayuko sya at hindi na masalubong ang tingin ko habang ako naman ay puno parin ng takot ang buong pagkatao.
Fear assaulted my whole being as my eyes darted on Tristan's arm bleeding. Nagulat ako sa pagiging brutal nya, I've never seen him like that before.
He's like an angry lion void of emotions in his eyes only anger is visible in his aura. He's heartless, Cruel, and brutal at aaminin kong nakakatakot syang makitang ganito pero mas natakot ako nang makita ang sugat nyang tinamaan ng bala kanina. Batid kong dumudugo ang sugat nya hindi lang halata dahil nakasuot sya ng itim na leather jacket ngunit kita ko ang tumutulong dugo mula sa mga kamay nya kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng takot.
Para akong naestatwa sandali habang nakatingin sa kaniya ngunit nang matauhan ay agad akong lumapit dahil sa pag aalala. "Oh my God! We have to go to the hospital Tristan you're bleeding. Baka maubusan ka ng dugo." Nag aalalang wika ko habang nakahawak sa braso nyang tinamaan ng bala. Dahan-dahan naman syang nag angat ng tingin sakin at tinitigan ako deretso sa mata, kunot ang noo nito at tila ba binabasa kung ano ang iniisip ko kaya na sapok ko sya sa noo. "Do you hear me? Baka maubusan ka ng dugo! You're bleeding for goodness sake! Wag kang tumunganga dyan, damn it!" Galit na wika ko at hinila sya palakad upang lumabas ngunit agad nya akong pinigilan.
"Huwag tayong dumaan dyan, baka marami pa ang nag babantay sa labas. It's safer kung doon tayo sa dinaanan ko kanina dadaan." Ika nito kaya kahit naka kunot ang noo ay tumango na lamang ako. Hinila nya ako patungo sa isang tabi na may malaking Cabinet at binuksan iyon tsaka hinawi ang mga naka hanger na damit kaya agad akong namangha nang makita ang sekretong daanan palabas rito. Meroon syang pinindot sa kaniyang tainga habang higit nya ako sa kabilang kamay papasok sa sikretong daanan. At nang makapasok ay agad nya akong binitawan kaya sinuyod ko nang tingin ang buong paligid. Naramdaman ko naman ang dalawang palad na humawak sa parehong pisnge ko at iniharap sa kaniya dahilan para mag salubong ang aming mga tingin sa isa't isa kaya napalunok ako.
Sinisipat nito ang kabuuan ng mukha ko at humito ang tingin nito sa sugat malapit sa mga labi kong dahilan ng pag suntok at pag sampal sakin ng gurang na Martinez kanina at hindi nakalampas sa akin ang pag igting ng panga ni Tristan dahil sa galit. Agad namang lumamlam ang kaniyang mga mata nang mapansing nakamasid lang ako sa reaksyon nya, kaya muli nyang hinaplos ang gilid ng labi ko. I flinched a little because of the pain. Ibinalik nya ang isang palad sa aking pisnge then he cherishes my right cheek with his right thumb at muling tinitigan ako sa mata habang puno ng pag aalala. "Are you ok ?" Tumango ako sa tanong nya at hindi maiwasang bumaba ang tingin sa mapupula nyang labi na tila ba, nang-aakit na halikan ko. Magkalapit lang ang mga mukha namin sa isa't isa and I can feel his breath fanning my face kaya hindi ko maiwasang mapalunok habang titig na titig sa kabuuan ng mukha nya, lalo na sa mga labi nya.
I can feel my heart racing, hindi pa nakatulong ang katahimikan na bumabalot sa pagitan namin. I want to kiss him, to feel his lips against mine. damn it! This is not good. I can't stop myself from glancing at his red Rosie thin lips and I can't fight the urge to kiss him but before I could even think about it, my body leaned closer towards him and my arms encircled around his nape then pulled him closer as I covered his lips with mine. Ramdam ko ang pagkabigla ni Tristan dahil sa ginawa ko but I didn't stop. I moved my lips against his until I felt his hands sneak around my waist and he pulled me closer to deepen the kiss we shared.
He kissed me back with equal ferocity and passion. It was like we were hungry to taste each other's lips and we kissed until we were out of breath. Tumigil lang kami noong pareho na kaming hindi makahinga but he still planted three small and soft kisses on the side of my lips where my bruise is located. "Mi piaci davvero mia signora." Bulong nito ngunit tama lang upang marinig ko. Kahit hindi ko maintindihan ang kaniyang sinabi ay hindi hadlang iyon sa muling pag bilis ng tibok ng aking puso na halos tumigil na kanina dahil sa halikang pinag saluhan namin.
Inilayo nya na ang kaniyang noo mula sa pagkakalapat sa akin at muli akong tinitigan. Napalingon lang kami sa aking likuran dahil sa isang kaluskos kung nasaan ang sikretong daanan kaya agad kaming nag katinginan. "We have to get going." Aniya at hinubad ang kaniyang leather jacket na suot at inabot iyon sa akin. "Wear this. " He added ngunit nabaling ang tingin ko sa kaniyang braso. At dahil wala na ang suot nitong jacket na humaharang sa dugo nito kanina ay kita na ngayon kung gaano karaming dugo ang umaagos mula roon kaya agad akong binalot ng pag aalala.
"Tristan..." Hindi ko na natuloy pa ang dapat kong sabihin ng hinawakan nito ang baba ko at agad itong inangat upang mag salubong ang mga mata namin. He gave me a peck on my lips then he smiled like he was assuring me. "I'm fine Mia Regina. " Aniya at muli akong matamis na nginitian kaya nangiti rin ako. He intertwined our fingers and held my hands tighter bago nya ako hinila upang mag patuloy sa pag lalakad. "Kailangan na nating bilisan. Mag isa lang si Jared sa baba baka hindi na natin maabutan nang buhay. " Aniya kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Nandito si Jared?" Gulat na tanong ko at tumango ito ng hindi ako nililingon.
"He volunteered to come with me to save you. " Aniya. Tumigil ako sa pag lalakad at natigil rin naman ito at humarap sa gawi ko ng may kunot na noo.
"Why did you take him with you? Tristan, he's not like us! Paano kung mapahamak sya?" Naiiritang tanong ko rito dahil na rin sa pag aalala. Hindi katulad namin si Jared and it's too dangerous for him to be here and as a friend, hindi kakayanin ng kunsensya ko na may mapahamak dahil sa akin.
"Are you worried about that idiot Mia Regina?" Madilim ang ekspresyong tanong nito kaya tinaasan ko sya ng kilay at nag cross arms pa ako sa harapan nya bago sya sinagot.
"Malamang!" Mataray na sagot ko rito at mas dumilim naman ang ekspresyon ng mukha nya dahil sa naging sagot ko. "Jared is my friend Tristan, a special friend to me and he's out of our world, and I don't want to drag him down to our mess." Dagdag ko pa.
"non-lo conosci così tanto, mia regina! Damn it! Why do you always trust that idiot that much?" He said. His jaw clenched because of anger. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang ibang sinabi nya.
Agad akong nag cross arms sa harap nya at tinapunan sya ng mataray na tingin. "pwede ba? Tigil tigilan mo yang pag e italiano mo? Wala ka sa italy at mas lalong hindi kita maintindihan kaya umayos ka. " ika ko at agad syang siniringan ng mata.
Nawala sa isip ko ang dumudugong sugat sa braso nya dahil sa pagkaasar ko. Nanguna na akong lumakad palabas upang hanapin si ang kinaroroon ni Jared dahil baka mapahamak ito kaya napuno ng pag-aalala ang buong pagkatao ko. He's not like us, kaya hindi ko maintindihan si Tristan kung bakit nya hinayaan si Jared na sumama rito knowing na hindi namin kapareho ang lalaki.
"Hey Trina, wait for me! " Mahinang tawag ni Tristan sakin pero hindi ko iyon pinansin magkus ay binilisan ko nalang ang pag lalakad upang mahanap si Jared. I just hope that he's fine. Mahinang dasal ko habang pababa ng hagdan patungong second floor.
"Trina ano ba! Baka mapahamak ka sa ginagawa mo! ". Mariin nang sabi ni Tristan pero sinawalang bahala ko parin at nag patuloy lang pababa hanggang sa umalingaw-ngaw ang isang putok ng baril. Naramdaman ko ang malakas na pwersang humila sa akin at bahagyang pag ikot ni Tristan upang magkapalit kami ng pwesto. Napaangat ako ng tingin sa mukha nya dahil sa pagkabigla at kitang kita ko ang mariin na pagkakapikit nya habang bumabalatay ang matinding sakit sa mukha nya.
"Tristan! ".
@Krizzybabes
YOU ARE READING
THE CHILDISH MAFIA LORD
Ficção AdolescenteSYNOPSIS: Tristan Angelo Montañes, a 18-year-old with the looks of a handsome teenager but the has the personality of a 3-year-old, was disowned by his father due to his childish demeanor. Despite this, Tristan's life remains peaceful as he dedicate...