CHAPTER 28

229 29 0
                                    

The Childish Mafia Lord

Written by: Krizzybabes

This Chapter is dedicated to awanmarwan_ thankyou so much sa votes and comment bhie I appreciate it very much

KATRINA'S POV

Namayani ang nakakagimbal na katahimikan matapos umiyak ni Tristan sa mga bisig ko at ngayon ay tahimik na itong nakaupo at nakatitig sa marmol na lapeda ng kaniyang ina. Nakamasid lang ako sa kaniya habang malungkot itong nakaupo sa libing ng mama nya, ramdam ko parin ang lungkot at hinagpis nya ngunit batid kong mas gumaan ang pakiramdam nya dahil nailabas na niya ang mga nararamdaman nya. I know na hindi ako magaling sa pag comfort ng tao but I think what I did is enough to make him feel better, atleast.

Batid kong gusto nyang kausapin ang puntod ng nanay nya kaya bumuntong hininga ako at tumayo para bigyan sya ng privacy kung ano man ang nais nyang sabihin. Walang imik akong umalis 'saka nag lakad patungo sa manmade na waterfalls na umagaw ng atensyon ko kanina.

Hindi parin ako makapaniwala sa gandang taglay niyon, kahit na halatang manmade lang ang talon ay para parin itong natural at nakakalula sa ganda. Malapad ang lugar na ito, kung susumahin ay pwede ng mag patayo ng isang University sa lupaing kinatutung-tungan namin, hindi ko pa man kasi nalilibot ang buong lugar ay masyado nang malaki ang na consume ng malapad na daanan at manmade na falls, ganoon din ang flower garden kung saan kumuha ng mga bulaklak si Tristan kanina. Batid kong marami pa'ng ibang magaganda bagay ang nasa lugar na ito kaya hindi na ako mag tataka kung gaano ka nakakalula ang ganda nito.

"This is my mom's favorite place" napapiksi ako sa gulat dahil sa hindi inaasahang boses ni Tristan na nag salita mula sa tagiliran ko. Ni hindi ko man lang narinig ang mga yabag nya papalapit sakin. Humarap ako sa gawi nya at nasalubong ang kaniyang kulay caramel na mga mata kaya napalunok ako. "This place is composed of all her favorite barbie scenes so she decided to make this place exist kahit na alam nyang sobrang magiging magastos ito ay ginawa nya because she loves barbie so much." Ika nito, ngayon ay nakatingala na sa talon na nasa aming harapan

"You told me that this place is your family's secret place, why did you bring me here?" I ask because I can't take my confusion anymore.

Lumingon sa gawi ko ang mukha nya at muli kong nasalubong ang kaniyang maamong mga mata. "Bacause you are important for me Katrina." Halos pabulong na tugon nito sa akin na nag pakabog ng sobra sa dibdib ko. Batid kong mahina lang ang pag kakabanggit nya ngunit malinaw ito sa pandinig ko.

"W-what do you mean?" I ask in horror, para bang may sinabi syang nakakatakot kahit na malinaw na malinaw naman ang mga sinabi nya sa pandinig ko kanina, but he just look back at the water falls instead of answering my question.

"Did you know that behind that manmade falls is another secret door towards a man made cave with tuns of real diamonds and golds?" Patanong na ika nito habang nakangiti. "Mommy bought those fancy and expensive diamonds just to fulfill her dreamed fantasy world." Naiiling na dagdag nya pa kaya napatanga ulit ako

Seriously? Is he even real? Nanlalaki ang matang tingin ko sa kanya dahil sa pagka gitla sa mga sinabi nya. Parang gusto ko tuloy makita ang mga sinasabi nya.

"She don't even care how much money she spent just for this." Dagdag nya pa habang ako ay nakatanga lang sa kanya.

"Pwede ka'ng maligo diyan sa waterfalls if you want it's safe." Muling sambit nya nang hindi ako nakapag salita na tinugon ko lang ng marahang pag tango. Muling namayani ang katahimikan saming dalawa hanggang sa tumunog ang kaniyang phone kaya kinuha nya ito mula sa kaniyang bulsa at tinapat sa kaniyang tainga.

THE CHILDISH MAFIA LORDWhere stories live. Discover now