DISCLAIMER
This is a work of fiction. Names characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Unedited work
Grammatical and typology errors ahead.
"Act formal Trina, dapat magustuhan ka ni lord Tristan, dahil ikaw ang naatasang mag bantay at mag protekta sa kanya pero bago mo magawa yun, kailangan mo munang makuha ang loob nya dahil mapili sya sa mga taong nasa paligid nya." Pag aagaw ng pansin ni papa habang nag lalakad kami papunta sa opisina ni lord Tristan dahilan para mas lalong tumindi ang kaba na nara-ramdaman ko.
"Sana naman hindi sya kasing sungit at kasing strikto tulad ng ini- imagine ko." Bulong ko sa sarili habang hindi mapakaling nag lalakad kasama ng aking ama. Hindi ko pinapahalatang kabado akong makaharap ang pinaka mataas, pinaka kilalang negosyante at higit sa lahat, pinaka matinik na mafia lord sa buong underworld, si lord Tristan ang lalaking pumatay sa 55 ka-tao na naging dahilan ng pagka- coma ng daddy nyang si tito Theo, ang kaibigan ng papa ko. Siguro nga't halos magka edad lang kaming dalawa at magaling din akong makipaglaban 'saka gumamit ng mga sandata pero di ko maiwasang kabahan dahil sya ay dumaan na sa matinding labanan at napatay nya pa lahat ng taong nanakit sa papa nya ng nag-iisa, kaya anong maipag mamalaki ko sa isang kagaya nya hindi ba?!
"Are you ok Katrina? Tahimik ka ata?" Tanong ni papa na nag pabalik sakin sa realidad mula sa aking malalim na pinag iisip.
"Wala po pa, iniisip ko lang po kung paano ko kukunin ang loob ni lord Tristan, sabi nyo nga po, mapili sya sa mga nakakasama nya at baka di nya rin ako magustuhan." Tugon ko rito tsaka pilit na ngumiti, tinatago ang kaba na aking nararamdaman na kinatango nya nalang at nag patuloy na sa pag lalakad ng tahimik kaya tumahimik na rin ako.
Habang papalapit kami ni papa sa opisina ni lord Tristan ay may mga naririnig akong mga kalabog at sigawan sa loob kaya mas lalo lang tumindi ang kabang nararamdaman ko. Tiningnan ko si papa at nakangiti lamang ito habang napa-pailing sa 'di ko malamang dahilan. "Si Tristan talaga". Sabi nito na parang alam nya na kung anong nangyayari mula sa loob at natatawa nalang habang iniisip 'yun na pinag kibit balikat ko nalang at sumunod na lamang sa kaniya.
Nag patuloy kami sa pag lalakad at may isang lalaking naka formal suit ang lumapit samin ni papa at yumuko. "Anong nangyayari sa loob?". Walang buhay at seryusong tanong ni papa rito kaya napalunok na lamang ako. Baka bad timing ang pag punta namin rito at mabulyawan pa ako ni Lord Tristan.
"Si lord Tristan po master Kio, nag wawala po sya sa loob." Sagot naman nito kaya napabuntong hininga na lang ang aking ama. Binuksan na ni papa ang pintuan ng opisina ni Lord Tristan at naabutan namin ang nag kalat na mga laruan sa sahig ng opisina dahilan para mapanganga ako.
Laruan? May bata ba rito bukod kay Lord Tristan? Muling may kumalabog sa bandang kanan ng opisina kaya sabay-sabay kaming napabaling ng tingin rito at doon namin nakita ang isang lalaking siguro ay magkasing-edad ko lang na nag papadyak na parang bata habang naka simangot at nag tatapon ng mga laruan kung saan-saan.
"Give me my goodamn milk now!" Nag wawalang sigaw nito at saka tumingin sa gawi namin ng mapansin ang aming presensya. I meet his hazelnut eyes looking towards mine saka ito nag lipat ng tingin sa katabi ko, kay papa. Tumakbo ito patungo sa kinaroroonan namin at yumakap kay papa na parang bata saka nag pout at nag puppy eyes.
"Nong Kio, ayaw na naman nila ako bigyan ng gatas." Parang batang sumbong nito kaya napa-irap ako.
Ghad, I hate these kind of childishness!
I am Lady Katrina Psy a 17 years old half Korean, Filipino, and I hate immature people like Tristan Angelo Montañes, the childish mafia lord.
A/N: Hello this is Krizzybabes and this is my second novel here on Wattpad so I hope you guys will support me on my journey writing this novel. You can vote and comment your suggestions and feedback to help me grow in writing as well, but jdon't insult me, since I'm a beginner in the field of writing.
Hope you guys will enjoy this story thank you so much, and happy reading. 😘
Currently doing a major revision kaya need ko sya i-unpublish and publish it again after editing. 😊
Krizzybabes
YOU ARE READING
THE CHILDISH MAFIA LORD
Dla nastolatkówSYNOPSIS: Tristan Angelo Montañes, a 18-year-old with the looks of a handsome teenager but the has the personality of a 3-year-old, was disowned by his father due to his childish demeanor. Despite this, Tristan's life remains peaceful as he dedicate...