Part 2

2K 68 0
                                    

Jema's POV

"Hoy, alam mo ang sama mo, tinulungan kana nga sinungitan mo pa.." nakangusong sabi ni Ced, inirapan ko naman sya

"Oo nga, sayang gwapo pa naman sana.." sabi naman ni Jho

Umiling nalang ako..

Alam kong mali yung iniasta ko kanina, pero hindi ko alam kung bakit ako nainis sa mukha ng lalaking yon..

"Nice naman syang nakipag usap sayo.." sabi ni Ced

"Tama..." walang ganang sabi ni Jho, "Ang gwapo pa naman sana ng mga kasama nya, lalo na yung matangkad..." dagdag nya pa, napatingin naman ako sa kanya habang nakataas yung kilay

"Type mo?" tanong ko

"Hinde.. nagagwapuhan lang.. ito naman.." sabi nya sabay irap

Nandito kami ngayon sa sasakyan, ako yung nagdadrive, napadaan lang kami dito sa palengke, bumaba kasi kanina si Jho para bumili ng buko, kaya sumama kami ni Ced, kaso ayon biglang may humablot ng bag ko, mabuti nalang at tinulungan kami ng lalaki, malaking halaga pa naman yung laman nitong bag ko, nandito din yung phone ko..

Pero sinungitan ko lang.. dibale magpapaka nice ako kapag nagkita uli kami.. Kung magkita pa..

Ako nga pala si Jesica Margarett Galanza.. itong dalawang kasama ko mga kapatid ko ito, iba iba nga lang yung Mommy namin, apilyido ng mga mommy nila yung gamit nila.

Nagloko kasi dati si Daddy.. pero kahit hindi pareparehas yung mommy namin, mahal namin ang isa't isa, magkakasundo kami..

Ang panganay samin itong si Jho, mas matanda lang sya ng buwan sakin, ang pangatlo si Ced, pang apat naman si Mafe.

Wala na yung mommy nila Ced at Jho, kaya naman simula nung namatay yung mommy nila, kinuha na sila ni daddy.. tinanggap naman sila ng buo ni Mommy..

Parang mga kaibigan ko din sila.. oh diba? ang swerte ko dahil maliban sa kapatid ko na sila, kaibigan ko pa..

Sila din yung nagiging sandalan ko kapag may problema ako..

Nang makauwi kami sa bahay, napansin kong parang problemado si Dad..

"Dad, bakit parang stress ka?" tanong ko, nakasunod lang sakin sila Jho at Ced..

"Naku Ate.. nilayasan nanaman tayo ng mga driver nyo.. wala na kayong driver pag papasok kayo sa office nyo.." sabi ni Mafe

"W-what??!" gulat na tanong ko

"What??" panggagaya sakin ni Mafe, "kayo kasi sinusungitan nyo.." sabi nya

Meron kasi kaming tag iisang driver, dahil pareparehas kaming pumapasok sa office nila Jho at Ced, may kanya kanya kaming business na hawak..

Si Mafe kasi student palang..

Ayaw din kaming payagan ni daddy na mag drive kapag pumapasok sa office, kaya kailangan may driver, para meron din saming poprotekta kapag may nag abang samin.

Masyado kasi kaming mayaman kaya may mga kalaban kami sa business na gusto kaming patumbahin..

Lumapit sakin si Ced,

"Jema.. ano kaya kung puntahan natin yung tumulong sayo kanina? mukhang mapagkakatiwalaan naman yon.." sabi sakin ni Ced, napatingin kami ni Jho sa kanya

"Oo nga Jema.. malay mo kailangan nila ng trabaho, kahit yun nalang yung tulong natin sa kanila.." sang ayon ni Jho..

Narinig kami ni Dad na nag uusap.

"Meron kayong kilala?" tanong nya

Napahawak naman ako sa noo ko,

"Dad, kanina kasi may naghablot ng bag ni Jema, may tumulong sa kanya.. kaya ayon, nabalik yung bag nya.." kwento ni Jho

"T-talaga? buti hindi kayo napano?? gusto kong makilala yung tumulong sa inyo.." sabi ni Dad, naparoll eyes naman ako

So ibig sabihin magkikita kami.. uli..

"Oh Jema.. narinig mo yun? puntahan na natin dali.." hila sakin ni Ced

"Wait.. alam nyo, hindi nga natin alam kung saan nakatira yon.. or kung napadaan lang ba yun don.." kunot noong sabi ko

"ehh baka naman taga dun lang? dun tayo mag hanap sa part kung saan natin sila huling nakausap.." sabi ni Ced

"Hay nako! kapag hindi natin nakita yon lagot kayo sakin.." sabi ko habang nakakunot noo

"Oo, at pag nakita natin magiging nice ka sa kanya ok??" sabi ni Jho

"Eh hindi pa nga natin alam kung gusto ba nilang maging driver.." sabi ko

"Hay naku Jemalyn.. dami mong arte.. halika na.. ako na mag dadrive.." sabi ni Jho

Wala akong magawa kundi ang sumama sa kanila..

Nang makarating kami sa palengke, hila hila ako ni Jho at Ced, at nilibot namin yung palengke..

Kaso hindi namin makita..

"Diba?? ayaw nyo kasing maniwala.. wala yon dito...!" kunot noong sabi ko, "saka pwede ba can we go home na? ang baho dito..." inis na sabi ko

"Wait lang! alam ko nandito lang yon.." sabi ni Ced

Naiinis na ako sa kanilang dalawa, dahil siksikan dito at basa pa, napuputikan ako..

Hanggang sa makarating kami sa may bilihan ng mga damit..

Maya maya napa roll eyes ako dahil nakita ko kaagad yung lalaki na nakaupo, katabi ng mga kasama nya kanina..

"Ayon sila!! ayiiee! sabi na eh nandito lang sila!" masayang sabi ni Ced..

Agad nila akong hinila palapit sa mga lalaki..

Nang makalapit kami sa harap nila, agad silang nag sitayuan..

"Owww.. nandito kayo.." sabi ng matangkad na lalaki

"Yeah! at hinahanap namin kayo..." sabi ni Jho

Tumingin yung lalaking matangkad sa kasama nya habang nakangiti

"Owww.. mga bro, narinig nyo yun?? hinahanap daw tayo..." kausap nya yung dalawang kasama nya,, nakita kong napangisi yung lalaking nakausap ko kanina

Yabang... ang yayabang nila.. ugaling iskwater.. pwede ba talga silang maging driver??

Tumingin uli yung lalaking matangkad kay Jho

"Hi mga Ms. Beautiful.. may problema ba? may maitutulong ba kami sa inyo??" tanong nya kay Jho

"Ay, kasama namin yung kapatid namin, actually gusto nyang kausapin yung tumulong sa kanya kanina.." sabi ni Jho habang nakaturo sa lalaking kausap ko kanina, kaya napairap ako habang nakacross arm..

Tumingin sakin yung lalaking matangkad. 

"Really? parang hindi naman.. parang ayaw nya ngang makausap hahah!" sabi ng matangkad na lalaki habang nakahawak sa chin nya..

"Hindi... ganyan talaga yan.. wait kausapin ko sya..." sabi ni Jho, pagkatapos lumapit sakin at bumulong

"Jema.. kausapin mo na..!" sabi nya, tinulak nya ako sa harap ng lalaking kausap ko kanina.

Nakatingin lang sya sakin..

Huminga muna ako ng malalim pagkatapos tumingin sa kanya..

Nakakainis naman.. bakit kasi kailangan kong gawin to.. bakit ba ako sumusunod sa mga kapatid ko?

----------------

Tanggapin kaya??

In My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon