Jema's POV
Maaga akong umalis ng bahay dahil hindi nanaman ako nakatulog. Hindi din ako sumabay kila Ced sa pag almusal, baka kasi mag tanong sila ng mag tanong, lalo na ngayong hindi kami nagpapansinan ni Jho.
Nang makarating ako sa office ko, padabog akong naupo sa upuan ko at nag simula ng mag trabaho.
Maya maya napatingin ako sa sofa kung saan laging nakaupo si Dean.
Ano kayang ginagawa nya ngayon? Bumalik kaya uli sya sa palengke? Ok na ba sya ngayon?
Napabuntong hiningi nalang ako sa mga iniisip ko..
Maghapon akong nagpaka busy para makalimutan yung gumugulo sa isip ko..
Dumaan yung Martes, Miyerkules, at Huwebes, parang walang nag bago, parang feeling ko may kulang, parang may hinahanap ako na nawala sa pagkatao ko.
Nakakasama ko naman si Ely pero parang hindi ko ramdam yung presensya nya, kakaen lang kami sa labas pagkatapos uuwi na, parang ginagawa nya lang yon para masabi lang na may time pa kami sa isa't isa.
Naguguluhan na din ako sa nararadaman ko.
Tuwing gabi naman nahihirapan akong matulog dahil tuwing ipipikit ko yung mata ko mukha ni Dean yung nakikita ko.
Nandito ako ngayon sa office, nakatingin uli ako sa sofa kung saan laging nakaupo si Dean at nag babasa ng magazine. Napapansin ko din na parang nagiging habit ko na yung pag tingin sa sofa kahit wala namang tao doon.
"Huy! nakatulala ka na naman dyan...!" nagulat ako ng biglang sumulpot si Kyla, ni hindi ko manlang naramdaman yung pag pasok nya dito sa office ko
"Anong kailangan mo?" tanong ko
"Papa-sign lang ako bes, kailangan na kasi ito ngayon.." sabi ni Kyla, inabot nya sakin yung mga documents at binasa ko iyon bago pirmahan.
"Bes, ilang araw ko ng napapansin, parang wala ka sa sarili mo, ok ka lang ba? stress ka na ba sa work?" nag aalalang tanong ni Kyla, "O baka namimiss mo lang yung taong palaging nakaupo sa sofa?" tanong nya uli, natigilan ako sa huling tanong nya
"H-Hindi ko sya namimiss" walang ganang sabi ko
"Ok, sabi mo eh.." sabi nya, "Pero bes, dito lang ako ha, kung kailangan mo ng kausap.. pero sana naman maghanda ka ng pagkaen kasi baka magutom ako sa kakakinig ng mga problema mo.. char!" sabi nya, natawa naman ako sa biro nya, "Ayan.. edi ngumiti ka din... ngumiti ka lang, mas bagay sayo yun bes.." sabi nya sakin
Dahil sa sinabi nya, bigla kong naalala si Dean...
"Ngumiti ka lang mam.. mas bagay sayo yung nakangiti ka lang.."
Naalala ko yung sinabi nya sakin noong Saturday habang kumakaen kami sa Tondo.
Lihim akong napangiti
"Ayyiiee! parang may naalala yung bestfriend ko..." asar nya sakin habang nakangiti, napailing naman ako
"Ewan ko sayo bes.." irap ko sa kanya, pagkatapos binigay ko na yung pinirmahan ko sa kanya, "Alis na.." pagtataboy ko sa kanya
"Hahahaha oo na!" sabi nya, pagkatapos naglakad na sya palabas.
Kinahapunan, habang nag da-drive ako pauwi, dumaan ako sa palengke kung saan ko unang nakita si Dean, nagbabakasakali na makita ko sya doon, pero wala akong Dean na nakita..
Dumaan din ako ng SB para bumili ng iced coffe..
"one Caramel Macchiato please.." order ko sa barista
Habang hinihintay ko yung order ko, may nakita akong isang pamilyar na tao, at may kasamang babae..
Biglang nagsalubong yung kilay ko..