Dean's POV
"Bro, ito na yata yung address ng bahay eh.." sabi ni Bryce habang nakatingin sa card na binigay sakin
"Aba ang laki ng bahay, talagang yayamanin..." sabi ni Tots
Nag doorbell si Bryce, maya maya may lumabas na katulong
"Sino po sila?" tanong ng katulong
"Uhm kami po yung magiging driver ng nakatira dito... binigay po kasi samin itong address na to.." sabi ko, sabay pakita sa kanya ng card na may address.
"Ano po name nyo?" tanong samin
"Dean, Bryce at Tots.." sagot ko
"Ay sige po wait lang po ha.." sabi nya, tumango lang kami
Tumingin ako sa orasan ko..
Tamang tama, saktong 10 nandito na kami..
Maya maya bumalik uli yung katulong..
"Sir, pasok daw kayo.." sabi ng katulong habang binubuksan yung gate, pagkabukas non agad kaming pumasok.
"Naku, sana magtagal kayo dito.." sabi ng katulong
"Bakit po?" tanong ni Tots
"Naku, yung mga ipagdadrive nyo nakailang palit na ng driver yan eh.." sabi nya pagkatapos naglakad na sya papasok ng bahay..
Kaya pala ang laki ng offer hahaha..
Nang makapasok kami sa bahay, inilibot ko yung paningin ko.
Ang lawak, sobrang yaman siguro nila.
"Wait lang po kayo dyan, upo muna kayo.." sabi ng katulong
"Thank you po.." sabi ni Tots, sabay sabay kaming umupo sa sofa.
Maya maya nakita namin yung may edad na lalaki at babae bumababa ng hagdan, kasunod nila yung tatlong babae na nakausap namin, at meron pang isang babae.
Sabay sabay kaming tumayo.
"Good Morning po.." bati naming tatlo..
Ngumiti yung may edad na lalaki.
"Sir Jesse nalang.." sabi nya, "ito nga pala yung asawa ko, Ma'am Fe nalang itawag nyo, at ito ang mga anak ko, Jho, Jema, Ced at Mafe.." pakilala nya sa mga anak nya.. napatingin ako sa babaeng tinulingan ko.
Jema pala ang name nya..
"Hello po sa inyo.." sabay sabay naming bati
"Ako nga po pala si Bryce de Leon.." pakilala ni Bryce
"Dylan Tots Carlos po" pakilala naman ni Tots
"Dean Wong po.." pakilala ko din
"So, kayo pala yung tumulong sa mga anak ko..? Maraming maraming salamat sa inyo.." sabi ni Sir Jesse habang nakangiti
"Wala po yun, kahit sino naman po gagawin yon.." sabi ko habang nakatingin kay Jema, inirapan nya lang ako..
Hahaha ang sungit nya talaga, sana wag ako yung kunin nyang driver, baka palagi kaming mag away nito..
"Yaya, kuhanan mo sila ng pagkaen" utos ni Sir Jesse sa maid nila, agad namang sumunod ito.
Umupo sila sa sofa na katapat ng inuupuan namin..
Sinenyasan kami ni Sir Jesse na umupo, kaya umupo uli kami.
"pwede ko ba kayong interviewhin??" tanong nya samin,
"Yes po, pwedeng pwede" sabi ni Bryce
"Magkaka ano-ano ba kayong tatlo?" tanong ni Sir Jesse sa amin, nakikinig lang yung asawa at mga anak nya