Part 27

2.2K 77 5
                                    

Dean's POV

Nandito kami ngayong sa MOA Seaside. 

Ewan ko ba kung anong trip nito ni Bryce at dito kami pumunta. 

"Bryce, anong gagawin natin dito?" tanong ni Tots, tiningnan naman sya ni Bryce

"Baka matutulog Tots? malamang maglalaro.." sabi nya, nakatingin lang sa kanya yung tatlong babaeng kasama namin

"sige, paramihan tayo ng makukuhang stuff toy! hahaha" sabi ni Tots, 

"Sige ba!" sabi ni Bryce, napailing nalang ako habang nakangiti

Sabagay namiss ko ding maglaro ng mga ganito

Una naming nilaro ay yung Pyramid Smash, unang naglaro si Bryce. 

Sa unang bato nya, may dalawang natira. 

"hahaha sayang Bryce, dalawa nalang yan, tamaan mo na..." sabi ni Jho

"Wait lang, wag kang maingay.." sabi ni Bryce, sa pangalawang bato nya hindi nya natamaan yung lata

"Oww! ok lang yan Bryce, may 2nd game pa" sabi ni Tots

Sa 2nd game ni Bryce, muntikan na nyang makuha yung price, kaso may isang natirang lata. 

"ok last game!" sabi ng nagbabantay

Nag concentrate muna si Bryce bago ibato yung unang pangbato, sa pagkakataong iyon, sa unang bato nya nalaglag lahat ng lata... 

"yes!!!" masayang sigaw ni Bryce

"Woaaahhh!!! galing!!" masayang sigaw ni Jho, pumili si Bryce ng isang stuff toy at binigay nya kay Jho, ang napili nya ay yung dog..

"Yiieehh! sakin talaga to?" tanong ni Jho kay Bryce, nakangiting tumango lang si Bryce

"Ayy ang sweet..." sabi ni Ced, pagkatapos tumingin sya kay Tots

"Galingan mo, para meron din ako nyan.." sabi nya habang naka pout

"Akong bahala.." sabi ni Tots habang nakangiti, nag bayad sya sa nagbabantay para sa 3 games. 

Sa una game ni Tots, muntik na nyang maubos ang lata, malakas kasing bumato si Tots at isa pa magaling sya dito.

Sa Pangalawang game nya, sa unang bato nya palang nakakuha na sya ng prize kaya tuwang tuwa si Ced, sa pangatlong game nya, wala syang nakuhang prize. 

"Ok lang yan Tots, may isa ka namang nakuha hahahahaha" sabi ni Bryce

"Ced, pili ka na ng stuff toy" sabi ni Tots kay Ced, ang napili naman ni Ced ay isang brown na teddy bear. 

Tumingin sakin si Bryce

"Oh Dean, ikaw na, dapat makakuha ka dyan ha, hahahahah para meron din si Jema.." sabi ni Bryce, napatingin naman ako kay Jema, nakatingin sya sa mga stuff toy na naka sabit, lihim akong napangiti

Hindi ako magaling dito, pero gagawin ko yung best ko para magkaroon ka din ng stuff toy..

Nag bayad ako sa nagbabantay para sa 3 game, pagkatapos binigyan nya ako ng pangbato

Bago ko ibato yung una, napatingin ako kay Jema na nakatingin lang din sakin, kinidatan ko muna sya, kaso inirapan nya lang ako kaya natawa ako. 

Sa unang bato ko....

"Bwahahahahhahahahaha! Dean, grabe ubos ha!"asar ni Tots, pano ba naman kasi wala manlang akong natamaan ni isa

Narinig kong natawa si Jema kaya napatingin ako sa kanya

Ayos to ha... tawanan ba naman ako.. 

Inis kong ibinato yung pangalawa kaso tumama lang sa patungan ng lata.. 

In My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon