Part 23

1.8K 63 2
                                    

Jema's POV

Nakatingin lang ako sa pinto ng office ko kung saan lumabas si Dean..

Naramdaman kong niyakap ako ni Ely.

"Love, wag kang maniniwala sa sinasabi ng iba, sinisira lang nila yung relasyon natin" sabi nya sakin, "mabuti nalang at pinaalis mo na yung lalaking yon.." dagdag nya pa

Alam ko sa sarili kong labag sa loob ko yung pag papa alis ko kay Dean.

Inalis ko yung pagkakayakap sakin ni Ely at naglakad papunta sa upuan ko, pagkaupo ko napahilamos ako sa mukha ko dahil sa inis. Nag lakad naman si Ely papunta sa likod ko at hinilot hilot yung likod ko.

"Love.. hayaan mo na sya, deserve nya yon.." sabi nya

"Bakit ka nga pala nandito?" seryosong tanong ko sa kanya

"W-wala, gusto lang kitang makita.. ayaw mo ba akong makita?" tanong nya, hindi nalang ako umimik, "Ok, aalis na muna ako, mukhang wala ka sa mood ngayon" dagdag nya pa, hinalikan nya ako sa pisngi pagkatapos nag lakad na sya palabas.

Napahilamos uli ako sa mukha ko dahil sa inis, naalala ko yung reaction ng mukha ni Dean kanina.

Maya maya pumasok si Jho, kasama si Carly at si Bryce.

"Jema, anong nangyare? hindi mona daw driver si Dean??" nag aalalang tanong sakin ni Jho, tumango lang ako, "bakit?" tanong nya

"S-Sinisira nya yung relasyon namin ni Ely, sinabi nya na may kahalikang babae si Ely k-kahit wala naman" inis na kwento ko sa kanila, napatingin ako kay Bryce na nakakunot noo.

"Mam, hindi magagawang mag sinungaling ng pinsan ko.." sabi nya sakin, inis naman akong tumingin kay Bryce

"Pwede ba, wag kang makikisabat... Kaming magkapatid lang yung nag uusap dito..." inis na sabi ko sa kanya

"Pero damay yung pinsan ko dito!" inis din na sabi nya, napapikit nalang ako

"Pwede ba, umalis na muna kayo dito sa office ko?" pakiusap ko sa kanila, tiningnan lang ako ni Bryce habang naiiling bago sya tumalikod at nag lakad palabas.

Napatingin ako kay Jho na nakatingin lang sakin

"Jema, p-pano kung totoo yung sinabi ni Dean??" tanong ni Jho

"Jho! ano ba! hindi magagawa ni Ely yon ok??! kilalang kilala ko si Ely, hindi sya ganong tao!" inis na sabi ko,

"Ok, sabi mo eh.." seryosong sabi nya, "pero pano kung sabihin ko sayong nakita ko din si Ely na may kahalikang babae noong nakaraang araw? maniniwala ka ba sakin??" seryosong tanong nya, nakatingin lang din ako sa kanya habang nakakunot noo, "I'm sure hindi.. kasi mas paniniwalaan mo yung boyfriend mo.. gusto ko mang sabihin sayo noong nakaraang araw pa pero alam kong hindi ka maniniwala.. alam kong marami kang idadahilan, kesyo baka hindi sya yung nakita ko, baka namamalikmata lang ako.. wake up sis!" dagdag nya pa

Hindi ako nakasagot sa mga sinabi ni Jho

"Sabagay mas maganda nga talaga na sarili mong mata yung makakita ng kagaguhan ng boyfriend mo..." si Jho uli yan, tiningnan nya lang ako na parang dissapointed bago maglakad palabas ng office ko

Tiningnan ko yung susi na inabot sakin ni Dean kanina, at tinapon ko iyon dahil sa inis, pagkatapos napahawak ako sa noo ko, naiyak na din ako dahil sa inis...

Maghapon akong nakatingin lang sa monitor ko, wala akong ganang magtrabaho

Maya maya kinuha ko sa lapag yung susi ko at naglakad palabas ng office, napagpasyahan ko kasing umuwi nalang.

Pag dating ko sa bahay dumeretso ako sa kwarto ko at nahiga sa kama ko.

Doon na din tumulo ng sunod sunod yung luha ko.

In My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon