Jema's POV
Saturday...
Nag aya si Ced mag mall, pero ang weird lang dahil bakit kailangan tag iisa pa kami ng sasakyan, pwede nalang isa nalang yung dalhin..
Pauso nanaman ng babaeng yon..
Papunta kami ni Dean sa MOA, naka convoy samin sila Tots at Ced, pati narin si Jho at Bryce.
"Mam, saan ko po pala kayo hihintayin mamaya??" tanong ni Dean sakin, napabuntong hininga ako
"Sumama ka nalang kila Tots at Bryce.." sagot ko
"Ok po.." sabi nya naman
Ilang oras pa nakarating na kami sa MOA, nandon na din yung mga kapatid ko.
"Saan sila maghihintay?" tanong ko
"Wala.. susunod satin.." sabi ni Ced, napatingin ako kay Dean at nahuli ko syang ngumiti.
Ang saya mo ha..
Pumasok na kami ng Mall, habang naglalakad kami, napalingon kami sa tatlong nasa likod namin..
"Hey! hey! si Batman, picturan mo ko dito Bryce!" masayang sabi ni Dean
Meron kasing Batman na naka costume, at maraming nagpapapicture sa kanya..
"Ok sige... pose ka bro.." sabi ni Bryce, nakisingit si Dean sa mga nagpapa picture kay Batman..
Nag pose naman si Dean, ginaya nya yung pose ni Batman, natawa naman ako sa kanya dahil para syang bata..
"Deans, ako naman picturan mo..." masayang sabi ni Bryce
"Osige.. dun ka dali..." nakangiting sabi ni Dean
"Hoy.. ako sunod ha.." sabi ni Tots, nang matapos si Bryce, si Tots naman yung nagpapicture..
Nakatingin lang kami sa kanilang tatlo, hindi lang kasi sila kay Batman nagpa picture, pati din kay Superman, spiderman, at marami pa..
"Hahahaha para silang bata.." sabi ni Jho, napailing naman kami
Maya maya nag lakad uli kami, nakarating kami sa time zone sa may bowling area...
Naglaro kami ni Jho at Ced doon, maya maya napatingin kami sa may tabi namin dahil naglalaro na din yung tatlo..
Pinanood namin sila, unang tumira si Bryce, may natirang dalawang bowling pin, napapalakpak naman si Jho..
"Yeahh!! ano kayo?? hahahaha!" mayabang na sabi ni Bryce..
"Yun lang kaya mo? ubos yan pag ako tumira.." sabi ni Tots
"Oh ikaw na.." sabi ni Dean, tumayo si Tots at kumuha ng bola.. nang tumira sya, natawa kami dahil ni isa wala syang natamaan..
"Hahahaha grabe Tots! wala manlang gumalaw na bowling pin.." asar ni Bryce
"Wait lang.. isa pa.." sabi nya, tumira uli sya kaso, gilid uli yung daan, tinawanan uli sya ng mga pinsan nya..
Hahaha nag kukulit nila..
Sunod na titira si Dean, pinanood ko sya..
"Panoorin nyo kong dalawa.. strike to.." sabi ni Dean, pagkatapos tumira sya..
Yabang ha.. hahaha
Kaso napa wow ako nung biglang nag strike nga..
"Yeahh!!! kita nyo yon??!" sigaw nya, kaso pag harap nya nag uusap lang si Bryce at Tots, kaya nawala yung ngiti ni Dean at parang nag tampo..