Part 29

2K 76 5
                                    

Dean's POV

Habang nakahiga yung ulo ni Jema sa dibdib ko, hindi ako makahinga..

Kailangan ko na ata magpacheck up kay Bryce..

Alam kong lasing na din si Jema kaya biglang nawala yung pagkailang nya sakin..

Maya maya tumingin sya sakin at hinawakan yung pisngi ko at kinurot kurot iyon..

"Dean.." tawag nya sakin

"Bakit?" tanong ko habang nakatingin sa malayo.. hindi kasi ako makatingin sa kanya..

"Wala... uwi na tayo.." aya nya, napatingin ako sa mga kasama namin.

"Guys, uwi na daw tayo.." sabi ko sa kanila.

Tumingin sa orasan si Bryce.

"Oo nga, need na nating umuwi.. kaso hindi ko na kayang mag drive.." sabi ni Bryce

"Ako na mag dadrive.." prisinta ko, tumango sya at binigay sakin yung susi.

Habang naglalakad kami papunta kung saan naka park yung sasakyan ni Ced, biglang nadapa si Jema..

Agad ko syang nilapitan..

"Ayan.. inom pa haha.." asar ko sa kanya, tiningnan nya ako ng masama pero tinawanan ko lang sya..

Tumalikod ako sa kanya..

"Halika, kargahin kita..." alok ko sa kanya, narinig kong natawa sya

"Kaya mo ko?" tanong nya

"Kayang kaya..." sabi ko habang nakangiti, agad naman syang sumakay sa likod ko...

Nauna na sa sasakyan sila Bryce, kaya kaming dalawa nalang ni Jema ang magkasama.

Habang naglalakad ako, mas lalong isiniksik ni Jema yung ulo nya sa leeg ko kaya nakaramdam ako ng kuryente na gumapang sa buong katawan ko..

Ramdam ko yung hininga nya sa may leeg ko kaya napapalunok ako..

Bwisit yan.. parang nagsisi tulo ako na kinarga ko sya..

Nang makarating kami sa sasakyan, nakasakay na yung apat at natutulog na..

Ayos tong mga to ha..

Iniupo ko si Jema sa may Passenger Seat..

"Thank you.." sabi nya, mapungay na yung mga mata nya at halatang nakainom...

Nang maayos na ni Jema yung pagkakaupo nya sumakay na din ako sa driver's seat at nagsimula ng mag drive..

Kapag tumitingin ako sa may kanan kung saan nakalagay yung side mirror, nakikita ko si Jema sa gilid ng mata ko na nakatingin sakin..

Isang oras din yung naging byahe namin, nang makarating kami sa bahay nila, agad na bumaba si Jho at Ced papasok sa bahay nila..

Si Bryce at Tots naman tulog parin..

"Dalhin mo muna sila sa kwarto mo.." sabi nya, tumango naman ako

"Hintayin mo ako dito ha.." sabi ko, tumango lang sya..

Una kong dinala sa kwarto si Bryce, Nang maibaba ko sya sa kama nya napaunant ako..

Taena.. ang bigat talaga ng kapre na to..

Pangalawa kong binuhat si Tots, nang maihatid ko sya sa kwarto nya binalikan ko sa sasakyan si Jema, nakaupo parin sya at nakasandal sa sandalan ng upuan, halata parin yung pagkalasing nya dahil pupungay pungay pa din yung mata nya..

"Masakit parin yung paa mo?" tanong ko, tumango lang sya

Tumalikod ako sa kanya..

"sakay.. hatid na kita sa room mo.." sabi ko, naramdaman kong gumalaw sya at sumakay sa likuran ko..

In My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon