Part 39

2.2K 70 18
                                    

Bryce's POV

Nandito ako ngayon sa restaurant kung saan kami palaging nagkikita ni Caitlin.

Maya maya nakita ko na syang pumasok ng restaurant, nang makalapit sya sakin, tumayo ako at ipinaghila ko sya ng upuan.

"T-Thank you.." sabi nya, "B-Bakit ka nga pala nakipagkita saakin? N-Nakakapagtaka lang, ako kasi palagi yung nag aaya sayo" sabi nya, bumalik ako sa pagkakaupo ko.

Tumingin ako sa kanya

"C-Cait.." tawag ko sa kanya, nakatingin lang sya sakin na para bang naghihintay ng sasabihin ko, dahan dahan kong hinawakan yung kamay nya "you know naman kung gaano kita kamahal d-diba? since college.." panimula ko, "L-Lahat ginawa ko para mapasaya ka, and I am grateful that I met a girl like you, marami akong natutunan... I wanna say thank you sa lahat lahat---"

"Bryce, bakit mo ito sinasabi sakin?" putol nya sa sasabihin ko, nakita ko din na nangingilid na yung luha nya, "Pwede bang diretsuhin mo nalang ako kaysa sa dahan dahanin mo pa?" medyo garalgal na sabi nya,

Napayuko ako

"S-Sorry... I'm breaking up with you Cait..." sabi ko at tuluyan ng tumulo yung luha ko, napatingin ako sa kanya, nakita kong bumagsak na din yung luha nya, "I-Im sorry, d-dapat pinag isipan kong mabuti yung pagpayag ko na makipagbalikan sayo..." sabi ko, pinunasan nya yung luha nya

"D-Dahil ba sa kanya?" tanong nya sakin, dahan dahan akong tumango, tumingala sya para pigilan yung patuloy na pag patak ng luha nya..

"I'm sorry Cait.. I'm really sorry..." sabi ko habang umiiyak, mabilis syang umiling..

"Ang s-sakit lang.. p-parang gusto ko tuloy isipin ngayon na ginantihan mo lang ako.." sabi nya habang umiiyak

"No.. hindi ko magagawa yun Cait.. s-sinubukan ko naman eh.. pero s-simula ng iwasan nya ako, saka ko lang narealize, saka ko lang narealize na sya na pala yung taong mahal ko, at ayaw ko na uli maulit na mawala sakin yung taong mahal ko.." sabi ko, napapikit sya dahil sa pinagtapat ko sa kanya..

"S-Sinasabi ko to sayo ngayon Cait kasi ayaw ko ng masaktan ka pa lalo.. alam kong ramdam mo yun.. alam kong ramdam mo na sa tuwing magkasama tayo iba yung nasa isip ko" dagdag ko pa habang umiiyak..

Tumingin sya sakin at tumango, dahan dahan nyang binawi yung kamay nya..

"M-Malaya kana ngayon.. go! get your girl.." sabi nya, pinunasan nya yung luha nya, "b-baka maunahan ka na naman dahil sa kakupadan mo haha" pagbibiro nya habang umiiyak..

Hindi ko na natiis yung sarili ko at agad akong lunapit sa kanya at niyakap ko sya..

"T-Thank you Cait.. Ipagdarasal ko  na sana mahanap mo yung taong para sayo..." sabi ko, kumalas sya sa pagkakayakap ko at tiningnan saglit yung mukha ko, hinaplos nya yung pisngi ko at pinunasan yung luha ko..

"B-Bye.." sabi nya at pilit syang ngumiti, pagkatapos naglakad na sya palabas ng restaurant. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa hindi ko na sya makita..

Medyo gumaan yung pakiramdam ko...

Napaupo ako sa upuan

Kailangan kong pagtrabahuhan na suyuin si Jho... tama si Caitlin, baka maunahan na naman ako dahil sa kakupadan ko...

Isang mahabang pasensya ang kailangan ko..

Pag labas ko ng restaurant, sumakay ako ng taxi papunta sa bahay namin, kukunin ko yung sasakyan ko..

Halos isang oras din yung naging byahe ko, pag dating ko sa bahay, agad akong sinalubong ng mga katulong.

"Sir, ano pong ginagawa nyo dito? baka po magalit yung daddy nyo kapag nalaman nyang pumunta kayo dito.. delikado po.." sabi ng katulong namin..

In My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon