Part 20

1.9K 61 1
                                    

Ced's POV

Habang nasa byahe kami papunta sa office, nagsalita si Tots..

"Ahh Ced, pwede ba akong magpaalam mamaya?" tanong sakin ni Tots

Hindi ko sya pinansin..

Bahala ka dyan, hindi talaga kita papansinin..

"Ced..." tawag nya uli sakin

"ok... no need naman na mag paalam sakin.." sabi ko sa kanya habang nakatingin sa phone ko

"Galit ka?" tanong nya sakin

Hindi uli ako umimik

"Galit nga?" tanong nya uli

Ang kulit.. hindi ba halata??

"Ced..." tawag nya sakin, inis naman akong tumingin sa kanya

"Pwede ba.. wag mo akong pansinin?? ano to? pagkatapos mo kong hindi pansinin kahapon maghapon ngayon papansinin mo ako??" inis na sabi ko

"Sorry na.." sabi nya habang nag dadrive nakatingin sya sakin sa rearview.. tiningnan ko lang sya..

"Ced.. sorry na.." sabi nya uli

"Bahala ka dyan.." inis na sabi ko

Nagulat ako ng bigla nyang igilid at ihinto yung sasakyan.

"Bakit ka huminto?" inis na tanong ko

"eh galit ka kasi.. sorry na.." sabi nya habang naka pout

"Alam mo ikaw nakaka inis ka!" inis na sabi ko, "pasalamat ka gusto kita.." bulong ko

"Alam ko..." sabi nya, napatingin ako sa kanya

"N-narinig mo?" tanong ko

"Oo..." sabi nya, napahawak ako sa noo ko..

Shit.. napalakas ba yung pagkakasabi ko na gusto ko sya??

"N-Narinig mo yung sinabi ko na gusto kita??" tanong ko, natawa naman sya..

"Hindi, pero ngayong sinabi mo sakin, narinig ko na..." nakangiting sabi nya, nag salubong naman yung kilay ko

"Eh sabi mo alam mo??" inis na sabi ko

"Oo nga, yung narinig ko yung sinabi mong 'nakaka inis ako'.. kaya ang sabi ko 'alam ko'.." sabi nya, "pero sinabi mo na gusto mo ako.. eheheh" sabi nya na parang kinikilig.. "wala ng bawian yan ha..." sabi nya pa

Ano ba yan! ang tanga ko talaga... kagabi pa.. nasabi ko tuloy...

"Ced.. wag mo ng bawiin yon ha.." sabi nya, napatingin ako sa kanya.

"B-Bakit??" tanong ko

"E-ehh k-kasi ano.. g-gusto din kita.." sabi nya habang nakayuko at parang nahihiya, nagulat ako sa sinabi nya..

Napatingin ako sa labas, pero agad akong napangiti..

"Eh bakit h-hindi mo ako pinansin kahapon?" tanong ko habang nakatingin sa labas

Ewan, ayaw kong tumingin sa kanya.. kinikilig ako, bwisit yan..

"A-ano kasi eh.. n-nagseselos ako, nakita ko kasi kayo ni Dean nung nakaraang gabi na magkasama.. k-kaya akala ko may gusto ka kay Dean.." sabi nya, natawa ako sa sinabi nya

"Baliw ka talaga.." bulong ko

"Sorry na.. babawi ako.." sabi nya

"Sige na mag drive kana..." sabi ko, pilit kong tinatago yung kilig ko,

Ngumiti naman sya pagkatapos pinagpatuloy na nya yung pagdadrive.

Heheheh yung feeling na gusto ka din ni crush mo.. hahaha..

In My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon