Part 11

1.7K 66 2
                                    

Jema's POV

Saturday... meaning, girl's night out na. 

Nandito kami sa garden ngayon, dito kasi kami nag bi-breakfast magkakapatid kapag Saturday ng umaga. 

"Hay! mabuti nalang at Saturday na! makakapag relax na din.." sabi ni Ced habang nag uunat, patapos na kasi siyang kumaen. 

"Oo nga, grabe yung 1 week na stress! kakaloka..!" sabi naman ni Jho

"Sa dati parin ba tayo mamaya?" tanong ko

"Oo doon parin, pwede bang sumama si Nico?" tanong ni Ced, napatingin ako kay Jho, ngumiwi lang sya

"Bahala kayo.." sabi niya

Si Nico, gustong manligaw kay Jho.

"Isasama nyo ba yung mga driver nyo mamaya?" tanong ni Ced samin

"Oo, baka maparami yung inom mamaya ehh.." sabi ko

"Ako din.." sagot naman ni Jho

"Osige, sasama ko nalang nga din si Tots" sabi ni Ced

Napatingin ako sa tatlong mag pipinsan habang kumakaen ako, nag lilinis kasi sila ng sasakyan naming tatlo. 

Nakita kong palihim na winisikan ni Bryce ng tubig si Dean, kunot noo namang nagpalinga linga si Dean na para bang hinuhulaan kung sino sa dalawa yung nag wisik ng tubig sa kanya.

Patay malisya naman si Bryce at nag act na parang wala syang ginawa.  

Bigla akong natawa at muntik ko ng mabuga yung iniinom kong juice nang biglang batukan ni Dean si Tots. 

"Hahahaha!" tawa ko, pag bintangan ba naman kasi ni Dean si Tots na sya yung nag wisik ng tubig sa kanya

"hala, nababaliw kana Jema?" tanong ni Ced, umiling naman ako

"hahaha hindi, tingnan nyo yung tatlo.." sabi ko sa kanila, tumingin naman silang dalawa sa tatlong magpipinsan. 

"Bakit ka nambabatok?" rinig kong tanong ni Tots

"Bat ka nangbabasa?" tanong naman ni Dean sa kanya

Umiling nalang si Tots  at nag patuloy sa ginagawa nya. 

Maya maya, ginawa uli ni Bryce yung ginawa nya kanina kay Dean. Mas lalong nag salubong yung kilay ni Dean at tumingin uli kay Tots na busy sa pag lilinis ng sasakyan ni Ced. 

Natawa kami nila Ced at Jho ng bigla ulit batukan ni Dean si Tots, pero mahina lang yung tawa namin kasi baka marinig nilang tatlo.. 

"Hahaha ang kukulit nila.." sabi ni Jho

"Aawwwtts! why??!" inis na tanong ni Tots

"Nang babasa ka...!" inis na sabi ni Dean

"Hindi ako..!" sabi ni Tots, sabay na napatingin si Tots at Dean kay Bryce, kaya hindi na napigilan ni Bryce yung tawa nya.

"hahahahahaha sorry mga bro! hahaha" sabi ni Bryce habang tumatawa

"Ahhh ganon???" sabi ni Dean, bigla nyang binuhos kay Bryce yung isang baldeng tubig pag katapos tumakbo.. 

"Deeeeeaaaaannnn!!!" sigaw ni Bryce, nag lakad si Bryce papunta sa gripo at binuksan iyon, pagkatapos kinuha nya yung hose at hinabol si Dean para basain.. 

"Hahahahahahahah---what the fuck!!" si Tots yan, tawa kasi sya ng tawa kaya sa kanya tinutok ni Bryce yung hose.. 

Nag habulan lang silang tatlo sa garden. 

Akala nila hindi namin sila nakikita, tawa naman kami ng tawa dito nila Ced at Jho habang pinapanood sila.  

Ang ending, pareparehas silang basa...

In My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon