Dean's POV
Dalawang araw na kaming pabalik balik sa site kung saan nakatayo yung bahay nila Kaye.
Sinasamahan ko si Jema at tinutulungan. Yung apat naman, ayon nag eenjoy sa kakagala..
Sana all diba??
"B, ano kaya kung pasyal din tayo after work?" tanong ko sa kanya, tumingin sya sakin
"Ay sige, para naman makapaglibot tayo dito, yung apat nakakagala na, mukhang tayo nalang yung hindi" sabi nya habang naka pout.
Hahaha, ang cute talaga...
Habang nag checheck si Jema ng mga gagawin dito sa loob ng bahay, nakatingin lang ako sa kanya. Kasama nya si Mela at ipinapaliwanag nya yung mga gagawin dito.
Alam kong kayang kaya nyang pagandahin itong bahay na to.
"Dean, matunaw yang girlfriend mo.." sulpot ni Kaye sa likod ko, napangiti naman ako.
"Ikaw pala, ang sarap nya kasing tingnan... ayaw na ayaw kong mawala sya sa paningin ko" sabi ko habang nakangiti, natawa naman si Kaye
"Hahaha! halatang sobrang inlove ka sa girlfriend mo ha" sabi nya, napangiti naman ako
"Sobra.." sabi ko, inakbayan nya ako
"Kapag kinasal kayo bro invite mo ako ha" sabi nya sakin
"Sure... alam kong doon din kami papunta" sabi ko sa kanya
"Yeah, naniniwala ako na doon nga kayo papunta..." sabi nya habang nakangiti at tumatango
"Kaye, pwede magtanong?" tumingin sya sakin
"Ano yun?" tanong nya din
"May alam ka ba na pwedeng puntahan? balak kasi naming mag date pagkatapos dito" sabi ko sa kanya, parang nag isip naman sya.
"Ahh alam kona, maganda pumunta sa People's Park" sabi nya, "for sure, mag-eenjoy kayo don" dagdag nya pa, napangiti naman ako
"Talaga? paano pumunta don?" tanong ko, tinapik nya yung balikat ko,
"Don't worry, sasama kami sa inyo hehehe" sabi nya
"Sige, kayo yung tour guide namin haha!" sabi ko, tumango lang sya
Nagkwentuhan lang kami ni Kaye habang hinihintay namin sila Jema.
Maya maya, tapos na silang dalawa.
"Let's go..." sabi ni Kaye
"San punta?" tanong naman ni Mela
"Sama tayo kila Jema, people's park" sabi ni Kaye sa asawa nya.
"Ay wow! gusto ko yan!" masayang sabi ni Mela
Sumakay na kami sa sasakyan ni Kaye.
Habang nasa byahe kami, hinawakan ko yung kamay ni Jema kaya napatingin sya sakin, kinindatan ko sya kaya natawa sya.
"Jema, hanggang ilang araw kayo dito?" tanong ni Mela samin
"Uhm dalawang araw pa kaming mag i stay dito eh" sagot ni Jema
"ah, mabuti yon para naman makalibot pa kayo dito" sabi ni Mela, "Kami kasi balik na bukas ng Manila" dagdag nya pa
"Talaga? ang bilis naman" sabat ko sa kanila
"May importante pa kasing lakad si Kaye.." sabi ni Mela, napatango naman kaming dalawa ni Jema
Maya maya, nakarating na kami sa People's Park. Actually maganda dito, maraming pwedeng puntahan.